Isang 13-year old Ilocana ang posibleng maging santa. Ito ay si Niña Ruiz-Abad. Narito ang kaniyang kwento.
Vatican nagbigay permiso sa pag-iimbestiga sa possible sainthood ng batang Ilocana
Nagbigay na ng permiso ang Vatican na simulan ang inquiry o imbestigasyon sa posibleng sainthood ng 13-year old na Ilocana na si Niña Ruiz-Abad.
Ayon sa report ng 24 Oras nitong Lunes, pinayagan na ng Dicastery for the Causes of Saints ang Diocese of Laoag na imbestigahan ang reputasyon at sanctity ni Niña.
Magsisimula ang beatification at canonization process ni Niña Ruiz Abad sa April. Gaganapin ito sa Saint William’s Cathedral sa Laoag.
Larawan mula sa Wikimedia Commons
Sino ba si Niña Ruiz Abad?
Kilala si Niña Ruiz-Abad bilang isang bata na mayroong matinding debosyon sa kaniyang paniniwalang Katoliko.
Sa artikulo ng Esquire, ayon umano sa mga istorya, nagpakita ng mga gawi si Niña na hindi karaniwan para sa mga tulad niyang teenager. Habang ang kaniyang mga kaibigan ay abala sa mga karaniwang gawain ng mga kabataan, ginugol ni Niña ang kaniyang oras sa pamimigay ng mga rosary, bible, prayer book, holy images, at iba pang religious items.
Sabi pa nga ni Laoag Bishop Renato Mayugba, kung may magtatanong kung sino si Niña, ang tanging sagot lamang dito ay ito ang batang babae na laging nakasuot ng rosary. Isang batang babae na mahilig magdasal at mahal na mahal ang Panginoon.
Taga Ilocos Norte sina Niña. Anak siya ng mag-asawang lawyer. At tatlong taong gulang pa lamang si Niña nang pumanaw ang kaniyang ama.
Noong siya ay 13 years old na, taong 1993 ay nasawi si Niña dahil sa heart attack habang ito ay nasa school. Dagli itong dinala sa ospital ngunit hindi na nakaligtas. Inilibing ang kaniyang labi sa isang public cemetery sa Sarat, Ilocos Norte.
Larawan mula sa Wikimedia Commons
Ayon sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines. Ang strong devotion ni Niña sa Eucharist noong siya ay nabubuhay pa ay nagsilbing inspirasyon sa lalawigan.
Kung magiging santa ang batang Ilocana, magiging isa na siya sa mga youngest saints in history.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!