Claudine Barretto, ipinakita na ang mukha ng anak na si Noah sa publiko

Claudine Barretto, ipinakita na ang mukha ng anak na si Noah sa publiko

Ipinakilala na ng aktres na si Claudine Barretto ang kaniyang bunso na si Baby Noah.

Si Noah Barretto ang bunsong anak ng Optimum star na si Claudine Barretto. Opisyal nang ipinakilala ng aktres sa kaniyang mga followers at fans sa pamamagitan ng pag-post ng mga photos nito sa kaniyang Instagram account.

noel barretto

Image screenshot from Claudine Barretto’s Instagram account

Noah Barretto

Buwan ng Setyembre nang inihayag ni Claudine Barretto na may dagdag na miyembro sa kanilang pamilya. Ito ay ang adopted baby boy niya na pinangalanang Noah Barretto. Ayon sa aktres, sa pagdating ni Noah ay kumpleto na ang pagiging ina niya.

Ngunit magkaganoon pa man ay hindi ipinakita ng aktres ang itsura nito. Tanging kahapon lamang nasilayan ng publiko ang itsura ng bunsong anak ng aktres. Ito ay sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa kaniyang Instagram account.

Sa caption ay ganito ang sinabi ng aktres: “My Palanggas meet my Noah 👼”

View this post on Instagram

My Palanggas meet my Noah 👼

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Si Noah ay ang pangatlong adopted child ni Claudine Barretto. Pinakauna ang anak niyang si Sabina na 15-anyos na ngayon. Sumunod ay si Quia na 4-anyos na. Habang siya ay may biological son na si Santino, 12-anyos sa asawa niya noong si Raymart Santiago.

Claudine Barretto, nag-adopt sa pangatlong pagkakataon

Dahil sa ginawang pag-aampon ng aktres sa ikatlong pagkakataon ay tinagurian siyang “Angeline Jolie of the Philippines” ng ilan niyang tagahanga. Ito ay dahil tulad ni Claudine ay mayroon ding mga adopted na mga anak ang Hollywood star. Kinatuwa at pinasalamatan naman ng aktres ang pagtawag na ito sa kaniya.

noel barretto

Image screenshot from Claudine Barretto’s Instagram account

noel barretto

Image screenshot from Claudine Barretto’s Instagram account

Sa isang Instagram post ng aktres Enero ngayong taon ay una na itong nagpahiwatig na siya ay muling pag-aampon. Ito ay dahil umano sa kagustuhan ng kaniyang mga anak na si Santino at Sabina na kasa-kasama niya sa pagbisita at pagtulong sa isang bahay-ampunan sa Antipolo City, Rizal.

Ikinatuwa at hinangaan naman ng mga netizen ang muling pag-aampon at ginawang pagpakilala ng aktres sa kaniyang bunsong anak na si Noah Barretto.

Wow,,, you are blessed miss claudine with pure heart your children are lucky to have you as their mother. Your family is so beautiful and inspiring. Continue to be an inspiration to all.”

“You me so much gave tears , i been married for many years couldn’t have children, i feel you and gave me lot of tears, i have adopted daughter who is 5 yrs of age now.I’m so blessed to have her in my life.Clau god will bless you more god see the big in your ❤️.May god bless you more. God will bless you more🙏”

“Alam mo miss clau dahil sa na pakabait mo sa mga Bata na binibigyan mo nang magandang buhay mas mamahalin ka Nila kasama si God napaka buti mong Ina sa mga anak mo💗💗💗”

Sa ngayon si Claudine ay tumatayong single parent sa mga anak niya matapos ang balitang hiwalayan nila ng mister na si Raymart Santiago noong 2013.

 

Basahin: Claudine Barreto, ipinakilala ang bagong anak na si Baby Noah

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner