X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

SSS para sa mga SAHM (Stay-at-home mom): Paano mag-apply at makakuha nito

4 min read

Ikaw ba ay stay-at-home-mom o stay-at-home-dad? Nais bang maging miyembro ng SSS? Good news! Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagiging isang non-working spouse SSS member.

Qualification sa non-working spouse SSS contributions

Ang pagiging non-working spouse SSS member ay makukuha kung ikaw ay legal na asawa ng isang SSS Member. Ang iyong asawa ay maaaring employed, self-employed, o OFW na miyembro ng SSS. Ngunit, hindi maaaring higit sa 60 taong gulang ang edad ng NWS para sa kanyang paunang kontribusyon.

Ang Monthly Salary Credit (MSC) o halaga ng babayaran ng isang NWS ay ang kalahati ng kontribusyon ng asawang miyembro. Maaaring magpalit ng MSC ang NWS nang walang pruweba ng idineklarang buwanang sahod.

Mga dokumento

Para makapag-apply bilang NWS, fill-upan ang form NW-1. Maaari itong i-download mula dito.

SSS para sa mga SAHM (Stay-at-home mom): Paano mag-apply at makakuha nitoSSS para sa mga SAHM (Stay-at-home mom): Paano mag-apply at makakuha nito

Ang nais maging NWS na wala pang SS number ay kailangang magsumite ng Personal Record Form na makukuha dito. Ngunit, kung dati nang may SS number at piniling maging NWS, Member Data Change Request Form ang gagamitin. Maaari itong i-download dito. Paalala lamang na kakailanganin ang pirma ng asawang miyembro ng SSS para sa mga form na ito.

Iba pang mga dokumento

Bukod sa mga forms na nabanggit, may ilan pang mga dokumento ang kailangan sa pag-apply bilang NWS. Ang mga ito ay:

  1. Birth certificate
    1. Kung walang birth certificate, maaaring tanggapin ang:
      1. Baptismal certificate
      2. Driver’s license
      3. Pasaporte
      4. Professional Regulation Commission (PRC) card
      5. Seaman’s book (Seafarer’s identification and record book)
    2. Kung wala ang mga nasabing dokumento, kakailanganin ng dalawa sa mga sumusunod kung saan ang isa ay nagpapakita ng araw ng kapanganakan:
      1. Alien Certificate of Registration
      2. ATM Card (nakasaad ang pangalan ng card holder)
      3. Bank Account Passbook
      4. Baptismal Certificate ng/mga anak
      5. Birth Certificate ng/mga anak
      6. Certificate of Confirmation galing sa National Commission on Indigenous Peoples (dating Office of Southern Cultural Community at Office of Northern Cultural Community)
      7. Certificate of Licensure/Qualification Documents galing sa Maritime Industry Authority
      8. Certificate of Muslim Filipino Tribal Affiliation galing sa National Commission on Muslim Filipinos
      9. Company ID card
      10. Court Order na nagpapahintulot sa pagbabago ng pangalan o petsa ng kapanganakan
      11. Credit card
      12. Firearm License card galing sa Philippine National Police (PNP)
      13. Fishworker’s License galing sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
      14. Government Service Insurance System (GSIS) card/ Member’s Record/Certificate of Membership
      15. Health o Medical card
      16. Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) Transaction card/ Member’s Data Form
      17. Homeowner’s Association ID card
      18. ID card galing sa LGU (hal. Municipal, City, Barangay)
      19. ID card galing sa professional association na kinikilala ng PRC
      20. Life Insurance Policy
      21. Marriage Contract/Marriage Certificate
      22. National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
      23. Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) card
      24. Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) card/ Member’s Data Record
      25. Police Clearance
      26. Postal ID card
      27. School ID card
      28. Seafarer’s Registration Certificate galing sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
      29. Senior Citizen card
      30. Student Permit galing sa Land Transportation Office (LTO)
      31. Taxpayer’s Identification Number (TIN) card
      32. Transcript of Records
      33. Voter’s ID card/Affidavit/Certificate of Registration

Pagbabayad ng kontribusyon

Gamit ang Payment Reference Number (PRN) maaaring magbayad ng kontribusyon on-line o over-the-counter sa mga collection partners ng SSS. Ang mga ito ay:

  • SSS Branches na may tellering na facility
  • Mga bangko na collection partner
    • Asia United Bank
    • Bank of Commerce
    • Security Bank (on-line)
    • Union Bank of the Philippines (on-line)
    • Metrobank
  • Bayad Center

Maaring magbayad ng kontribusyon ng advance ngunit ay maaaring magkulang ito kung magkaroon ng pagbabago sa MSC. Para maiwasan na mapost ang kontribusyon sa mas mababang MSC, dapat bayaran ang kulang na halaga.

 

Napakadali lang maging NWS na miyembro. Kung sakaling magkaroon ng trabaho, maging self-employed o OFW, maaaring palitan ang klasipikasyon ng membership.

 

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: SSS, SSS

Basahin: ALAMIN: Mahalagang impormasyon tungkol sa 2019 SSS contribution table

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • SSS para sa mga SAHM (Stay-at-home mom): Paano mag-apply at makakuha nito
Share:
  • Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS

    Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS

  • ALAMIN: Mahalagang impormasyon tungkol sa 2019 SSS contribution table

    ALAMIN: Mahalagang impormasyon tungkol sa 2019 SSS contribution table

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS

    Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS

  • ALAMIN: Mahalagang impormasyon tungkol sa 2019 SSS contribution table

    ALAMIN: Mahalagang impormasyon tungkol sa 2019 SSS contribution table

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.