Hindi biro para sa mga kababaihan ang makaranas ng buwanang dalaw o menstruation. Bilang isang babae, marapat lang na malaman kung normal ba ang iyong menstrual cycle at kung maaari bang makalkula ang dugong lumalabas sa’yo.
Ang menstrual period cycle ng isang babae ay tumatagal ng 28 days. At ang mismong menstruation ay tumatagal ng 3-7 days.
Ang ibang babae ay nakararanas ng matinding pagdurugo. Kaya marapat lang na maging pamilyar sa cycle nito.
Blood loss during period: Gaano karami ba ang normal?
Ang dugong lumalabas sa isang babae kapag siya ay may menstruation ay umaabot ng 30 hanggang 50 milliliters. Ito ay parang nasa dalawa hanggang tatlong kutsara. Sa unang araw ng iyong menstruation, ang dugong lalabas sa’yo ay kadalasang malakas hanggang sa ito ay humina paglipas ng mga araw.
Ang labis na pagdurugo sa iyong menstruation ay tinatawag na Menorrhagia. Sa ganitong sitwasyon naman ay nasa 80 milliliters o 5 kutsara ang lumalabas na dugo sa taong may Menorrhagia.
Kapag naman ang iyong menstruation ay tumagal ng lagpas sa 7 days, ito ay maaaring dumugo ng malakas. Ito ay isang abnormal na kondisyon. Ang ibang kababaihan naman ay nakakaranas ng Polymenorrhea. At tumatagal lang ng 21 days dahilan upang duguin ito ng madalas.
Ang malakas na pagdurugo ay maaaring makapagdulot sa isang babae ng pagkakulang sa blood cells. Ito ay kadalasang nagiging dahilan ng kakulangan sa iron at Anemia. Maaari silang mahilo at manghina dito.
Gaano karami ba ang normal na paglabas ng dugo?
Maaari mong makalkula kung gaano kadaming dugo ang lalabas sa iyo. Ngunit ito ay depende sa ginagamit mong produkto kapag ikaw ay may menstruation.
1. Kung ikaw ay gumagamit ng tampons, maaari mong malaman kung gaano ito kadami base sa bilang ng nagamit mong tampons. Ang regular size ng tampons ay kayang maka-absorb ng 5 ml na dugo. At ang extra-absorbent naman ay nasa 10 ml na dugo.
Image from Josefin on Unsplash
Ang pagpapalit ng tampon ay kailangan pagkatapos ng apat hanggang anim na oras o hanggang sa ito ay mapuno.
2. Kung ikaw naman ay gumagamit ng sanitary pads, ito ay nakadepende rin sa model at brand. Ngunit, sa average, ang isang regular pad ay kayang maka-absorb ng 5 ml na dugo at ang extra-absorbent ay nasa 10 ml.
Para makuha ang estimate blood loss, i-multiply lang ang bilang ng ginamit na sanitary pads sa 5 ml (regular-sized pads) o 10 ml (extra-absorbent pads). Ang resulta nito ay kailagan ulit i-multiply sa 0.36 para makuha ang total amount ng iyong blood loss.
Image from The Female Company on Unsplash
Ang matinding pagdurugo ay dahil sa endometriosis, thyroid problems, intra-uterine devices (IUD) at iba pa. Kung nakakaranas ka ng ganito, mas mabuting magpakonsulta na sa iyong doctor.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Republished and translated with permission from theAsianparent Singapore.
BASAHIN: Can menstrual cups cause toxic shock syndrome?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!