Isang ina ang nanganak ng normal delivery kahit malaki ang baby. Ang bigat ng baby niya umabot sa 11 pounds na ipinanganak niya na walang anesthesia.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kuwento ng isang ina na nanganak ng normal delivery kahit malaki ang baby.
- Paano mapapanatili ang tamang laki ni baby para hindi mahirapan sa panganganak?
Nanay nag-normal delivery kahit malaki ang baby
Isang ina ang ibinahagi sa TikTok ang naging karanasan niya sa panganganak. Siya ay si Rachel Vance na ipinanganak ang isang sanggol na may bigat na 11 pounds’ o nasa limang kilo ang timbang.
Kahit si Rachel ay hindi makapaniwala na naipanganak niya ng normal ang ganitong kabigat na sanggol. Lalo na ang kaniyang asawa na may nakakatuwang reaksyon ng malaman kung gaano kabigat ang new baby nila.
Image screenshot from Rachel Vance’s TikTok video
“He was just as shocked as I was. He’s the best supporter.”
Ito ang nasabi ni Rachel sa naging reaksyon ng asawa at pag-suportang binigay nito sa panganganak niya.
Base parin sa Tiktok post ni Rachel, nahuli o lumagpas sa due date ang panganganak niya sa kaniyang baby boy at alam niyang ito ay may kalakihan.
Pero ganoon pa man tinuloy niya pa rin ang panganganak sa pamamagitan ng home water birth at ng hindi gumagamit ng kahit anong anesthesia.
@rachaelvance_ Who else birthed a huge baby?🙈😂 How much did your baby weigh at birth? #11poundbaby #unmedicatedlabor #babyboy #birth ♬ My Best Friend – Paravi !!!!! 🫶🏽💖🧚🏽♀️🌻🦋
Para magawa ito, kinondisyon umano ng ina ang kaniyang sarili
Ang ginawang ito ni Rachel ay nagpa-wow ng maraming TikTok users. Ang ilan nga ay hindi makapaniwala at ninais malaman kung paano niya nagawang maisilang ang 11 pounds ng sanggol ng normal at hindi gumagamit ng kahit anumang pain relief.
Kuwento ni Rachel kinondisyon niya ang kaniyang isipan. Pinakiusapan niya rin ang midwife niya na huwag sabihin sa kaniya ang tingin nilang laki at bigat ng kaniyang sanggol para hindi ito makasira sa concentration niya.
Image screenshot from Rachel Vance’s TikTok video
Pagkukuwento niya,
“I told them not to tell me what they thought he would weigh because it would have messed with my mindset, and I’m so glad they didn’t.”
Dagdag niya, kahit walang ginamit na pain relief ay hindi naman umano naging masyadong masakit ang pag-ire niya para mailabas ang kaniyang baby. Mas nahirapan nga umano siya at nasaktan sa pag-lelabour at contractions na kaniyang nararanasan.
Image screenshot from Rachel Vance’s TikTok video
“For me, labour and the contractions hurt more than pushing. Pushing felt like a relief for me and I knew I was super close to meeting my baby.”
Ito ang nasabi pa ni Rachel na tinawag ng mga netizens na one strong mama!
BASAHIN:
Mag-ina, pumanaw matapos paanakin ng normal delivery kahit ‘di umano may low-lying placenta
#AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery
Paano mapanatiling healthy ang weight ni baby habang ipinagbubuntis?
Sabi ng matatanda, mas mabuting magpalaki ng baby kapag ito ay naipanganak na. Dahil kung masyadong malaki ang baby ay maaring mahirapan itong maipanganak.
Pero hindi naman nangangahulugan ito na dapat ng mag-diet ang buntis. Maaari pa rin siyang kumain habang sinisiguro na healthy pa rin ito sa timbang niya at ni baby. Ito ay sa pamamagitan ng pagkain ng mga tamang pagkain na puno ng sustansya. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Healthy food choices para sa buntis
- Prutas at gulay na puno ng vitamins at mababa sa calories at fats.
- Mga tinapay, crackers at cereals na gawa sa whole grains.
- Piliin ang mga dairy products na low in fat. Gaya ng gatas na kailangang inumin ng buntis ng at least 4 servings sa isang araw. Siguraduhin na ito ay low-fat o fat-free.
Samantala, para maiwasan ang dagdag timbang na hindi makakabuti sa pagbubuntis ay narito naman ang mga pagkaing dapat iwasan.
Mga pagkaing dapat iwasan ng buntis
- Mga pagkaing may added sugar o artificial sweeteners. Ang pagkain matatamis ay mabilis makataba at maaring maging dahilan pa para magkaroon ng gestational diabetes ang buntis.
- Inumin at pagkaing nagtataglay ng sugar o corn syrup sa kanilang ingredients.
- Mga sweetened drinks na may mataas na level ng calories. Mas mabuting uminom nalang ng tubig.
- Iwasan ang mga pagkaing may mataas na level ng fats tulad ng cooking oil, margarine, mayonnaise at cream cheese. Kumain ng mga lower-fat versions ng mga ito.
Iba pang dapat isaisip ng buntis para magkaroon ng healthy weight
- Iwasan ang kumain sa fast food dahil karamihan ng mga pagkain dito ay may level of fats. Kung kakain sa labas mas mabuting piliin ang mga healthy food choices tulad ng vegetable salad at soup.
- Kaysa kumain sa labas ay mabuti ring magluto nalang sa bahay. Ito ay para maiwasan ang high-fat cooking methods. Imbis na mag-prito ay mabuting i-bake, i-broil, i-grill o i-boil nalang ang pagkain.
- Makakatulong rin ang pag-iexercise para ma-burn ang extra calories sa katawan. Pero bago gumawa ng kahit anong exercise ay mabuting magtanong muna sa inyong doktor. Ito ay para masiguro na ligtas ito sa iyong pagdadalang-tao. Ang paglalakad at pag-swiswimming ay dalawa sa mga exercise na ligtas at inirerekumendang gawin ng mga buntis.
Source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.