Mahigit 282 na OFW sa Saudi Arabia kaugnay ng COVID na namatay, pinapauwi na sa Pilipinas ayon sa DOLE. Ano nga ba ang plano ng Inter-Agency Task Force o IATF?
OFW Saudi Arabia COVID
Kasalukuyan nang inaasikaso ng IATF at DOLE ang pagpapabalik sa labi ng mga OFW sa Saudi Arabia na namatay doon. Binigyan umano ng 72 hours na palugit ang gobyerno upang sila ay makapagplano ng gagawin.
Pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang interview:
“We received communication from King Salman of the Kingdom of Saudi Arabia and they gave us 72 hours to bring home our dead.”
Mahigit 282 na labi ang kailangang iuwi, ngunit nagpasya ang IATF na iyong 50 na OFW na namatay na may COVID ay hindi na isasama sa pagbalik at ipapalibing na lamang sa Saudi Arabia.
Image from Freepik
Dagdag pa niya:
“Bawal ang cremation that’s why ang directive ni King Salman is for us to bring them home.”
Ayon naman kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., target umano nila na madala ang mga labi sa bansa bago matapos ang linggong ito.
Puwede na ba ang commercial flights?
Image from Freepik
Kaugnay naman nito, tanong ng marami, puwede na ba ang commercial flights ngayon?
Noon pang June 1 ay nag-resume na ng operations ang ilang local airlines katulad ng Philippine Airlines (PAL) at AirAsia. Ito ay alinsunod sa pagsasailalim ng NCR sa General Community Quarantine.
“PAL spokesperson Cielo Villaluna said the carrier would finalize routes and flight schedules, as it coordinates with local and national authorities regarding rules and arrangements.”
Inanunsyo rin ng gobyerno na papayagan na ang domestic flights sa mga lugar na nakasailalim sa GCQ. Tinitignan din ang posibilidad na buksan nang muli ang ilang international gateways katulad ng Clark, Cebu at Davao airports.
Isang pregnant OFW namatay sa COVID-19
Bukod sa mga OFW sa Saudi Arabia, isang buntis na OFW naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa UAE dahil sa COVID-19. Siya ay si Grace Joy Tiglao, 28-anyos.
Base sa kuwento ng kaniyang asawa na si Joseph Ayson Tiglao, May 23 ng masawi ang kaniyang asawa dahil sa sakit. Hindi niya daw ito kasama at mapuntahan dahil siya rin ay nag-positibo sa sakit at naka-isolate. Noong una akala niya ay bumubuti na daw ang lagay ng kaniyang asawa. Pero nagulat daw siya ng ito ay lumala at kailangan ng ma-intubate. Sumailalim rin ito sa emergency cesarean section delivery upang mailigtas ang baby na kaniyang ipinagbubuntis.
“At the time, isolated na ako. Nagkausap naman kami ni misis. Nagiging better naman na daw sya. Pero lumalala, sobrang nahihirapan siyang huminga kaya in-intubate. Nag-decide sila na mag-CS operation to save the baby.”
Iba pang paraan upang ma-proteksyonan ang iyong sarili at kapwa laban sa sakit
- Ugaliing hugasan ang iyong kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol-based sanitizer. Gawin ito bago kumain, pagkatapos mag-CR, umatsing, umubo o bumahing. Agad ring maghugas ng kamay kapag nanggaling sa pampublikong lugar at matapos humawak sa mga surfaces o ibang tao.
- Iwasan ring hawakan ang iyong mukha, mata at ilong ng hindi pa naghuhugas ng iyong kamay.
- Iwasang magkaroon ng kontak sa mga may sakit lalo na sa may mga ubo.
- Huwag munang dumalo sa mga meetings, events at social gatherings sa inyong komunidad.
- Kung lalabas ng bahay o may ubo ay magsuot ng mask upang hindi na makahawa pa sa iba.
- I-praktis ang social distancing o iwasan munang magpunta sa matataong lugar. Pati na ang pagtambay sa mga poorly ventilated na lugar. Mag-grocery shopping sa off-peak hours. Iwasan ang sumakay sa mga public transport kapag rush hour. Mag-exercise sa labas o outdoors kaysa sa indoor settings.
Ano ang maaring gawin sakaling umabot hanggang 2021 ang COVID-19?
Kung sakaling mangyari nga ito, hindi naman ibig sabihin na tayo ay naka-quarantine lamang hanggang 2021. Aminado ang mga health experts na maaring hindi pa kaagad magkakaroon ng vaccine para sa sakit. At hangga’t wala ito, ang maari lang gawin ay mag-doble ingat para hindi mahawaan. Para naman sa gobyerno, kailangang pabilisin ang pagte-test sa mga tao para mabilisan ang pag-agap sa sakit.
Sa isa namang pag-aaral mula sa University of the Philippines, sinabi rin na maaring magkaroon ng 140 hanggang 550 thousand na kaso ng coronavirus dito sa Metro Manila pa lang. Ito ay isa namang estimate lang kasama ng kanilang projected timeline alinsunod sa mangyayaring mass testing.
Source:
Inquirer, ABS CBN, PNA
Basahin:
Ina na nag-positibo sa COVID-19, napilitang iwanan ang mga anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!