X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Yaya, nag-video sa sarili habang sinasaktan ang alaga

3 min read

Madalas mag-viral ngayon ang mga video ng mga yaya na nahuhuling sinasaktan ang kanilang mga alaga. Kadalasan nakukuhaan sila ng hindi nila namamalayan gamit ang mga CCTV o mga hidden camera katulad ng mga nanny cam. Ngunit iba ang kaso ni Leslie Ann Belmonte Dieza, 36. Ang OFW yaya ang siya mismong nag-record ng kaniyang sarili habang tino-torture ang kaniyang alagang Australian na baby. Ang kaniyang rason: upang ipakita sa kaniyang kalaguyo ang kaya niyang gawin kapag galit siya.

Problema sa asawa

Taong 2016 nang sumunod si Leslie sa kaniyang asawa na nag-tratrabaho sa Singapore bilang logistics coordinator. Namasukan siya bilang domestic helper sa isang Australian na pamilya. Ngunit kahit magkasama sila sa isang bansa ng kaniyang mister, hindi naging maganda ang kanilang pagsasama dahil nagkaroon si Leslie ng kalaguyo—isang lalaki na nagngangalang Raymond.

Noong Abril 11, habang nasa trabaho sa condo unit ng kaniyang amo, nagkaroon ng di pagkakaunawaan si Leslie at ang kaniyang boyfriend. Magkausap ang magkasintahan via video call nang mag-away di umano ang dalawa nang dahil sa pera. Dito raw nagsimula ang pananakit ng yaya sa kaniyang alaga.

Sa isang video na tumagal ng 1 minuto at 34 seconds, ni-record ni Leslie ang pang-aabuso niya sa kaniyang inaalagaan na baby. Ayon sa pahayag ni Assistant Public Prosecutor Dillon Kok sa Straits Times, makikita raw sa video na idinapa ni Leslie ang umiiyak na bata sa kama, tinakpan ng unan ang mukha, sinabunutan, at binitbit ang bata sa buhok nito sabay hinampas ang ulo ng bata sa unan.

Noong hapon din daw na iyon, nag-record muli ng 35-second video ang OFW yaya na pinapakita na pinapalo niya ang puwet ng bata gamit ang kutsilyo. Walang magawa ang baby kundi umiyak.

Ipinadala niya ang dalawang videos ng kaniyang pag-torture sa bata sa kaniyang nobyong si Raymond gamit ang Facebook Messenger. Ayon sa mga report, ginawa raw ito ni Leslie upang diumano maipakita kung ano ang kaya niyang gawin kapag siya ay galit.

Pagkadakip

Nang makita ni Raymond ang mga video, kinontak daw nito ang kapatid ni Leslie para maisumbong ang mga ginawa nito. Kinontak ng huli ang asawa ni Leslie at ipinakita ang mga video.

Sinubukan kausapin ng asawa si Leslie ngunit nag-walk-out lamang ito. Dito na nagpasya ang asawa na tumawag ng pulis at i-report ang nangyari. Naaresto ang OFW yaya nang gabi ring iyon.

“With her state of mind, she is not in the right capacity to take care of a kid,” pahayag ng asawa ni Leslie. “I am worried for the safety of the kid and also worried of losing my job here because of her.”

Agad na dinala ang baby sa KK Women’s and Children’s Hospital kung saan nakita na may sugat siya sa paa at dalawang sugat sa likod na naghilom na.

Nag-plead ng guilty si Leslie sa kasong “ill-treating a child” at nasintensiyahan noong lamang Biyernes ng 9 na buwan na pagkakakulong.

 

Partner Stories
Nestlé Wellness Campus: Empowering students, parents, and teachers to live healthier lives
Nestlé Wellness Campus: Empowering students, parents, and teachers to live healthier lives
Modern Day Stories of Hope and Progress, GCash launches #GCashStories
Modern Day Stories of Hope and Progress, GCash launches #GCashStories
5 ways you should be cleaning your home in the new normal
5 ways you should be cleaning your home in the new normal
Get no fuss-no muss holiday glass skin that glow like snow with Britory
Get no fuss-no muss holiday glass skin that glow like snow with Britory

SOURCE: The Asian Parent Singapore, Straits Times

 

Ano nga ba ang mga kailangan na alamin bago mag-hire ng yaya? Alamin dito.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Yaya, nag-video sa sarili habang sinasaktan ang alaga
Share:
  • Abusadong yaya, huli sa hidden cam na sinasaktan ang alaga

    Abusadong yaya, huli sa hidden cam na sinasaktan ang alaga

  • Yaya nakunan ng CCTV na inaabuso ang kaniyang alaga

    Yaya nakunan ng CCTV na inaabuso ang kaniyang alaga

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Abusadong yaya, huli sa hidden cam na sinasaktan ang alaga

    Abusadong yaya, huli sa hidden cam na sinasaktan ang alaga

  • Yaya nakunan ng CCTV na inaabuso ang kaniyang alaga

    Yaya nakunan ng CCTV na inaabuso ang kaniyang alaga

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko