X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ogie Diaz: “Nakahinang na sa puso at utak ko ang katotohanang walang obligasyon sa akin ang mga anak ko pagdating ng araw.”

3 min read
Ogie Diaz: “Nakahinang na sa puso at utak ko ang katotohanang walang obligasyon sa akin ang mga anak ko pagdating ng araw.”

Kilalang vlogger may kasunduan at usapan na ng kaniyang mga anak na may premyo ang hindi pa makakapag-asawa sa edad na 25 years old.

Ogie Diaz ibinahagi ang mga bilin sa kaniyang limang anak na babae. Komedyante at kilalang vlogger sa ngayon, may inilatag na daw na kasunduan sa mga anak sa oras na ang mga ito ay magsipag-asawa na.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Mga bilin ni Ogie Diaz sa limang anak niyang babae.
  • Payo ni Ogie sa mga anak ukol sa buhay may asawa.

Mga bilin ni Ogie Diaz sa limang anak niyang babae

ogie diaz

Larawan mula sa Facebooka account ni Ogie Diaz

Sa kaniyang Facebook account ay may mahabang post si Ogie Diaz tungkol sa kaniyang limang anak na babae. Ayon kay Ogie, may lagi silang paalala ng kaniyang misis na si Georgette del Rosario sa lima nilang anak na puro babae. Ito ay ang mag-aral ng mabuti para sa kanilang kinabukasan.

“Lagi kong sinasabi sa mga anak ko, mag-aral mabuti. Hanggang sa makatapos.  Hindi para sa amin ng mama nila, kundi para sa future nila.  Para hindi sila naasa lang sa magulang. “

Ito ang isa sa nangungunang bilin ni Ogie sa mga anak.

Pagpapatuloy pa ng komedyante sa kaniyang post, itinatak niya rin sa utak ng mga anak na pagdating ng araw ay hindi sila responsibilidad ng mga ito. Lalo na kung sila ay may sarili ng pamilya na ayon kay Ogie ay maaring magdulot pa ng problema sa buhay nila may-asawa.

ogie diaz with daughters and wife

Larawan mula sa Facebooka account ni Ogie Diaz

“’Yung pagtanaw ng utang na loob? ‘Yung “ako naman ngayon, nay, tay”? Depende na yan sa bata in the future.  Lalong depende ‘yan kung paano mong pinalaki at hinubog ang (mga) anak mo para balikan ka nila at tumanaw.”

“Basta ako, nakahinang na sa puso at utak ko ang katotohanang walang obligasyon sa akin ang mga anak ko pagdating ng araw.  Ayokong dumating ang panahong pag nagsipag-asawa na sila ay pipisan ako makikitira ako sa bahay nila?  ‘Yung pag nagkaroon ng misunderstanding kami ng mga asawa nila eh kailangan nilang mamili o kumampi kung sino sa amin ng asawa nila?  Never! “

Ito ang mariin pang sabi ni Ogie.

Payo ni Ogie sa mga anak ukol sa buhay may asawa

ogie diaz with daughters and wife

Larawan mula sa Facebooka account ni Ogie Diaz

Si Ogie pagdating sa  pag-aasawa ay may mahalaga paring payo sa mga anak. Pag-amin niya may usapan rin sila ng mga anak na kung sino man ang hindi pa nag-aasawa sa edad na 25 years old ay may prize na matatanggap sa kaniya. Ito ang dahilan ni Ogie kung bakit niya ito ginawa.

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items

“Kasi, gusto ko, i-enjoy muna nila ‘yung kabataan nila, at least, hanggang 25yo sila.  Pangit ‘yung maaga kang nag-asawa, tapos, iiwan mo sa amin ang anak mo, dahil gigimik ka?  Juice ko, talak ang aabutin mo sa akin, anak.”

“Gusto ko, makatapos ka.  May disente kang trabaho o maliit na negosyo man lang. Para aware ‘yung lalake na hindi ka niya puwedeng pagmalakihan, dahil meron kang stable job o negosyo.”

Sabi pa ni Ogie, sa oras naman na magkapamilya na ang mga anak niya ay nakaalalay parin siya sa mga ito. Pero hindi para pakialaman ang buhay may asawa nila. Kung hindi para tanggapin o yakapin sila pabalik sa oras na hindi nag-workout para sa kanila ang buhay may asawa.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Ogie Diaz: “Nakahinang na sa puso at utak ko ang katotohanang walang obligasyon sa akin ang mga anak ko pagdating ng araw.”
Share:
  • Maggie Wilson maraming beses umanong sinubukang makipag-usap sa mister na si Vic Consunji para sa anak na si Connor: “I have always wanted to co-parent”

    Maggie Wilson maraming beses umanong sinubukang makipag-usap sa mister na si Vic Consunji para sa anak na si Connor: “I have always wanted to co-parent”

  • Pops Fernandez ibinahagi ang excitement sa pagkakaroon ng apo: “Call me Lolli-Pops”

    Pops Fernandez ibinahagi ang excitement sa pagkakaroon ng apo: “Call me Lolli-Pops”

  • Lorna Tolentino ibinahaging seven years old palang siya ng ipangako ni Rudy Fernandez sa kaniyang sarili na siya ang papakasalan nito

    Lorna Tolentino ibinahaging seven years old palang siya ng ipangako ni Rudy Fernandez sa kaniyang sarili na siya ang papakasalan nito

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko