Ipinasa ang isang city ordinance ang ordinansa sa wastong pananamit at ito ang pinagbabawalan na ngang lumabas ng bahay o gumala-gala sa kalye ang kung sino man ang half-naked o walang pang-itaas na kasuotan.
Ito ay isang ordinansang pinatupad ng alkalde ng Pasay City na si Mayor Imelda Emi Calixto-Rubiano.
P2,000 na multa o 24 oras na community service
Ayon nga kay Mayor Calixto-Rubiano, ang updated na Pasay City Ordinance 6004 ay mas matindi o mahigpit ang mga kaparusahan nito sa mga lalabag sa ordinansa sa wastong pananamit.
Isa sa mga kaparusahan ng paglabag sa ordinansa ay ang pagmumultahin ang taong lumabag ng P2,000 o maaari rin itong mag-community service nang hanggang bente kuwatro oras.
Napasa nga ang ordinansang ito noong Hunyo pa ng taong ito, ngunit nahuli lang sa pagpapatupad ng dahil sa pagpi-print di-umano ng mga ticket sa mga lalabag dito.
Southeast Asian Games
Ipinasa ang ordinansa sa wastong pananamit sapagkat sa nalalapit na Southeast Asian Games na gaganapin dito sa Pilipinas, ang mga ilang kaganapan ay mangyayari sa Pasay City.
Ang Southeast Asian Games na gaganapin ngayong taon ay mangyayari at magsisimula sa ika-30 ng Nobyembre hanggang sa ika-11 ng Disyembre.
Kung kaya’t minabuti ni Mayor Calixto-Rubiano na ipasa at i-implement ang ordinansa bago pa man magsimula ito.
Ang Pasay Environmental Police di-umano ang mamumuno sa pagpapatupad ng ordinansang ito sa siyudad at strikto ngang babantayan ang mga taong lalabag nito.
Kung matatandaan naipasa at napatupad na nga ang parehong ordinansa sa mga naunang siyudad tulad na nga lamang sa Marikina, Quezon City, San Juan, at Muntinlupa.
Source: GMA News Online
Photo: filipinawives.com.au
Basahin: Pagbebenta ng mga secondhand phone sa Maynila, ipinagbabawal na ni Mayor Isko Moreno
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!