X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sanggol ipinanganak na madaling mabali ang mga buto

3 min read
Sanggol ipinanganak na madaling mabali ang mga buto

Dahil sa sakit na osteogenesis imperfecta, isang sanggol ang palaging nasa panganib na mabalian ng buto dahil lamang sa simpleng paggalaw.

Ang isa sa pinaka-inaabangang pangyayari ng mga magulang ay ang pagpaanganak ng kanilang anak. Siyempre, walang tatalo sa pakiramdam na buhat-buhat mo ang iyong pinakamamahal na sanggol. Ngunit paano kung pagbuhat mo, ay nabali ang mga buto ng iyong anak? Ito ang panganib na kaakibat ng karamdaman na kung tawagin ay osteogenesis imperfecta.

Osteogenesis imperfecta: Ano ang sakit na ito?

Ang inang si Loni Osborne ay tuwang-tuwa nang malaman niyang siya ay nagdadalang-tao. Ito ay dahil inakala ni Loni na hindi na siya magkakaanak, at nahirapan silang buuin ng kaniyang asawa si Baby Theo.

Ngunit pagkatapos ng isa niyang checkup, nagulat siya sa sinabi sa kaniya ng doktor. Ayon sa doktor, mayroon daw kondisyong osteogenesis imperfecta ang kanyang dinadalang sanggol. Ito rin ay tinatawag na "brittle bone disease" kung saan madaling nababali ang mga buto ng isang sanggol.

Nirekomenda ng doktor na ipalaglag ni Loni ang kaniyang sanggol, dahil posible raw na mamatay ang sanggol sa sinapupunan, at kung mabuhay man ito, mahirap ang kaniyang magiging buhay.

Ngunit dahil sa pagmamahal ni Loni sa anak, nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang pagbubuntis, kahit na may panganib itong kasama.

Nabali na agad ang mga buto ni Theo sa sinapupunan pa lamang

Dahil sa kondisyon ni Theo, sa sinapupunan pa lamang ay marami na siyang pinagdaanan. Noong una raw ay nahirapan ang mga ultrasound technician na makita ang kaniyang mga kamay at paa, dahil parang may kakaiba raw dito.

Yung pala, kaya sila nahihirapan ay dahil nabali na ang mga buto ni Theo. Dahil dito, naging maliit ang kaniyang ribcage, at mayroon siyang bowed na mga binti. May bali rin daw ang kaniyang mga kamay dahil sa kaniyang karamdaman.

Bagama't mababa ang posibilidad na maipanganak si Theo, napagtagumpayan niya ito at naipanganak rin siya. Yun nga lang, marami pa ring baling mga buto si Theo, at hindi madali ang pag-aalaga sa kaniya.

Sabi ni Loni na kailangan daw nilang maging sobrang maingat kay Theo. Ito ay dahil ang simpleng pagbuhat sa bata, o kaya ang pagsuot sa kaniya ng damit ay posibleng mabali ang kaniyang mga buto. Ganoon kahina ang mga buto ni Theo dahil sa kaniyang kondisyon.

Dagdag pa niya, minsan raw ay nabalian ng buto si Theo dahil lamang sa pagbahing. Tatlong beses raw ito nangyari sa sanggol.

Bagama't mahirap, umaasa ang mga magulang ni Theo na magiging maayos ang paglaki ng kanilang anak. Nagplano na sila na ipa-therapy si Theo paglaki, upang matuto siyang alagaan ang kaniyang katawan.

Bukod dito, pinipili rin nila ang kaniyang mga kinakain, at sinisigurado nilang mapapalakas ang katawan ni Theo habang ito ay lumalaki.

Ayon kay Loni, alam nilang hindi magiging simple ang buhay ni Theo, ngunit gusto nilang ibigay ang lahat para maramdaman ni Theo ang magandang buhay.

Sana nga ay bumuti na ang lagay ni Theo, at makatulong ang kaniyang mga therapy upang magkaroon siya ng mabuting kinabukasan.

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: i News

Basahin: Sanggol patay matapos mahawa sa sakit na meningitis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Sanggol ipinanganak na madaling mabali ang mga buto
Share:
  • Sanggol, ipinanganak na mayroon nang tumutubong ngipin

    Sanggol, ipinanganak na mayroon nang tumutubong ngipin

  • Nalunok na buto ng manok, naging sanhi ng pagkamatay ng sanggol

    Nalunok na buto ng manok, naging sanhi ng pagkamatay ng sanggol

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Sanggol, ipinanganak na mayroon nang tumutubong ngipin

    Sanggol, ipinanganak na mayroon nang tumutubong ngipin

  • Nalunok na buto ng manok, naging sanhi ng pagkamatay ng sanggol

    Nalunok na buto ng manok, naging sanhi ng pagkamatay ng sanggol

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.