Our Lady of La Leche, ito umano ang imahe ni Mama Mary na nagbibigay himala sa mga inang nahihirapang magpasuso. Maraming Pilipina na ang nagpatunay ng milagrong nagagawa ng santo. Isa na nga rito ang aktres na si Marian Rivera-Dantes na kamakailan lang ay nag-post ng isang larawan sa Instagram kasama ang imahe nito.
View this post on Instagram
A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on
Sa kaniyang post ay tinawag ni Marian ang birhen na Our Lady of Milk. Ito ang isang pangalan na nakilala ang imahen ng birheng Maria dahil sa mga milagrong ginawa nito sa mga ina sa ospital, tahanan at mga lugar na may nagpapasuso.
Ayon sa aktres, sa Our Lady of La Leche daw siya lumalapit at nagdadasal para mabiyayaan siya ng maraming gatas para sa anak na si Ziggy.
Kuwento ni Our Lady of La Leche
Ang imahe ni Our Lady of La Leche ay kilala rin sa tawag na “Our Lady of the Milk and Good Birth.” Ito ay ang imahe ni Virgin Mary kasama ang baby Jesus Christ na sumususo sa kaniya.
Nagmula pa daw umano ang kuwento ng Our Lady of La Leche sa Madrid, Spain na kung saan kilala naman ito sa tawag na Nuestra Señora de la Leche y Buen Parto.
Ayon sa mga kuwento, nagsimula umano ang debosyon sa santo mula pa noong 1598. Isang araw ng nasabing taon ay may isang lalaki umano ang humiling sa santo na iligtas ang kaniyang asawa na nanganganib ang buhay sa pagsilang sa kanilang anak. Pinagbigyan ng Birheng Maria ang hiling ng naturang lalaki. Naisilang ng normal ang kaniyang anak at nailigtas sa peligro ang kaniyang asawa.
Nang malaman ni King Philip II ang nangyaring milagro, dito na siya nagpatayo ng shrine para kay Our Lady of La Leche sa Spain. Dito na nagsimula at nagpatuloy ang mga milagro umano ang imahe sa mga babae sa buong mundo.
Mga milagro ni Our Lady of La Leche
Sa Pilipinas ay may ilang Pilipina na ang nagpatunay ng milagrong nagawa sa kanila ng santo. Naihayag ito sa isang report ng Inquirer.
Tulad ni Nicole Liu na humingi ng tulong sa Our Lady of La Leche nang mahirapan siyang magpasuso. Nagdasal at nag-novena lang daw siya dito. Matapos ang ilang araw ay biniyayaan na siya ng maraming gatas na ikinatuwa at pinasalamatan ng lubos ni Nicole.
Maliban sa pagbibigay ng gatas ng ina, nagbibigay milagro rin daw ang Our Lady of La Leche sa mga mag-asawang nahihirapang magkaanak.
Pinatunayan ito ni Rhoda Lugtu na humingi ng milagro mula sa santo. Kuwento ni Rhoda, ilang taon na nilang sinusubukang magkaanak ng kaniyang asawa. Pero nabigo sila kahit sa mga medical procedures na sinubukan nila. Kaya naman humingi na siya ng tulong kay Our Lady of La Leche.
Isang araw ay pinatuloy nila ito sa kanilang bahay. Kasama ng kaniyang asawa ay nagdasal sila sa santo araw-araw sa loob ng dalawang linggo. Sa gabi na nakatakdang pag-alis ng imahe ay hindi na dinatnan ng regla si Rhoda. At pagkalipas ng ilang linggo, kinumpirma ng doktor na siya na ay nagdadalang-tao.
Dahil sa dumaraming kuwento ng milagro ng santo ay naitayo ang Our Lady of La Leche Movement. Ito ay ang samahan ng mga kababaihang nagnanais na ipakalat ang milagrong ibinibigay ng santo lalo na sa mga ina na nahihirapan o may problema sa pagpapasuso.
Itinatag ito ni Remedios Ticzon-Gonzales, ang nagmamay-ari ng antique na imahe ng santo na minana niya pa daw sa kaniyang mga ninuno.
Sa ngayon, makikita ang imahe ng Our Lady of La Leche sa mga ospital at mga tahanan sa buong mundo na kung saan may isang ina na nais mabasbasan ng milagro. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng gatas na kailangan ng kaniyang sanggol na pinagkukunan nito ng lakas at buhay. Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak, tulad ng ginawa ni Mary noon sa kaniyang anak na si Hesu Kristo.
Dasal sa Our Lady of La Leche
“Lovely lady of La Leche, most loving mother the Child Jesus, and my Mother, listen to my humble prayer. Your motherly heart knows my every wish, my every need. To you only, His spotless Virgin Mother, has your Divine Son given to understand the sentiments which fill my soul. Yours was the sacred privilege of being the Mother of the Saviour. Intercede with Him now, my loving Mother, that, in accordance with His will, I may become the mother of other children of our heavenly Father. This I ask, O Lady of La Leche, in the Name of your Divine Son, My Lord and Redeemer. Amen.”
Source: Inquirer, Catholic Culture
Basahin: Marian Rivera, nanalo ng award para sa pagiging breastfeeding influencer!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!