Children are a gift from God. Kaya naman thankful ako na dumating sa aming buhay ang mga anak ko. Iba pala talaga ang feeling kapag nanay ka na. Mixed emotions kumbaga! Exciting and scary at the same time.
Same feeling sa 1st born ko but scarier on our 2nd child.
My ovarian cyst story
24 weeks akong buntis sa 2nd child ko until I found out na may ovarian cyst ako. Na-diagnose ako na may Ovarian New Growth which is probably benign.
Usually don’t cause any problems daw during pregnancy. Pero parang iba itong case ko. It was huge and rare case of mucinous cystadenoma measuring 25.0×23.0x20.0cm on screen. I don’t know kung ano ‘yon.
But then, I researched about it. Mucinous cystadenoma is a benign tumor that arises from surface epithelium of the ovary. At talagang lumalaki siya. Fortunately, 80% daw ay benign meaning hindi siya cancerous.
Kaya naman pala masyadong malaki ang tiyan ko. Inakala kong ganun lang talaga ako magbuntis kasi wala naman akong naramdamang kahit anong sakit.
Ovarian cyst story
But months passed by, unti-unti na akong nakakaramdam ng sakit. Pain killers ang naging kasangga ko pero wala pa rin. Talagang pabalik-balik ang sakit.
Halos maya’t maya. Hindi naman pwedeng basta-bastang mag-take ng gamot na hindi prescribed ng doktor kasi may baby ako sa sinapupunan ko. Tiniis ko ang sobrang sakit. Ganun talaga kapag nanay. Titiisin ang lahat para sa anak ‘di ba?
Kapanahunan ng COVID-19 kaya mas lalong mahirap sa akin. Laganap ang COVID-19 cases tapos ako buntis na may ovarian cyst na palaki ng palaki.
Sino ba naman ang hindi maii-stress? Paano kapag pati ako magka-COVID? Ano nalang ang mangyayari sa amin? Pero pinilit kong maging okay para sa baby ko.
Umiiyak ako gabi-gabi at tinatanong ang sarili ko kung bakit sa akin pa ‘to nangyari. And then, na-realize ko na baka nangyayari ito sa akin ay para patatagin ako. Saka walang ibibigay na pagsubok sa atin na hindi natin kaya. Sobrang blessed ko pa rin hindi Niya ako pinabayaan.
Nang ipinanganak ko ang anak ko
September 2020, ipinanganak ko ang baby ko via normal delivery. Hindi naging madali sa akin lalo na sa naging kalagayan ko. Take note, nakayanan ko po kahit maliit lang akong babae. Ginawa ko ang makakaya ko kahit may bukol ako na pagkalaki-laki.
“Baby girl!” Narinig kong sinabi ng doktor na nagpaanak sa akin. Sobrang sarap sa feeling may baby girl na kami. Finally, nailuwal ko siya ng healthy at ligtas.
Iyon naman talaga ang dalangin ko. Ang maging okay siya. Malagay na ako sa alanganin ‘wag lang ang baby ko. Pero napakabuti ng Diyos! Pareho Niya kaming hindi pinabayaan.
BASAHIN:
12-year-old’s tummy ache turned out to be a huge cyst in her ovary
Removing “ovarian cyst” while pregnant: Why this surgery needs to be done
Woman had surgery to remove massive 26kg ovarian cyst
Naoperahan na rin ako sa ovary matapos ng 4 na buwan
Ovarian cyst story
After 4 months kong nanganak, naoperahan na rin ako. It was January 19, 2021. Natanggal na ang left ovary ko na may cyst at ang fallopian tube ko via exploratory laparotomy with salpingo-oophorectomy
Actually measures 18.4 x15.0x3.3 with a rough, convoluted surface with multiple cysts. Nawakasan na ang paghihirap ko na matagal ko ng pinagtiisan. Ang laking ginhawa para sa akin at sa aking pamilya.
Alam ko na ang pakiramdam ng ma-CS dahil halos same procedure lang naman. Mas mahaba nga lang ang hiwa ko. Lagpas hanggang pusod. Okay lang sa akin at least cyst-free na ako!
‘Yong cyst ay talagang karaniwan na raw sa mga babae. Iba-iba lang ang mga uri ng cyst. Kaya mas better na magpa-consult kaagad sa doktor kung may mararamdamang kakaiba.
Pwede pa naman daw akong magkaanak ulit pero ayoko na. Nakaka-trauma pala. Kasi parang sinabi ko na rin ‘yan dati na hindi na ako uulit. Wala pa ring kadala-dala ‘di ba? Hindi natin masabi kung ano ang mangyayari. Siyempre tatanggapin namin kung ipagkakaloob ng Panginoon.
Laking pasasalamat ko rin sa pamilya ko na laging andiyan para damayan ako sa lahat ng oras. Sa mga doktor, mga nurses at sa mga staff ng ospital na mga mababait at maasikaso.
Sa mga taong tumulong sa amin financially kasi talagang kapos kami. Siyempre sa asawa ko na nagbantay at nag-alaga sa akin sa ospital at magpahanggang ngayon.
Sa mga anak ko na laging nagpapalakas sa akin sa tuwing nanghihina ako. Sila pa rin ang dahilan kaya patuloy akong nabubuhay. Being their mother is the greatest joy of my life kaya lagi akong lalaban! Kasiyahan kong ibigay ang kailangan nilang pagmamahal at pag-aaruga.
Deserve ng mga anak ko ‘yon!
Kaya sa katulad kong nanay na may pinagdadaanang ngayon, kapit lang! Maging kalmado at mas alagaan ang sarili. Tayo ang inaasahan ng ating mga anak kaya dapat lang na alagaan mabuti ang sarili.
Try to minimize your anxiety level and talk to your gynecologist. Sila ang makakatulong sa atin. Mag-research din at maging maalam kung ano ang cyst na mayroon ka para kahit papaano may idea ka.
Lastly, ‘wag mawalan ng pag-asa dahil laging may pag-asa basta sa Diyos laging manalangin at magtiwala!