Ayon sa isang ina na si Leah Mclaren, may isang rule siya sa pagpapalaki ng kaniyang anak: bawal maiwan ang mga anak na may kasamang lalaki. Aminado ang ina na maaaring makita ito ng ibang magulang bilang pagiging overprotective parenting ngunit ang kanya lamang inaalala ay ang kaligtasan ng mga anak.
Ayon sa kaniya, isa itong paraan upang maiiwas ang kaniyang anak sa pangmomolestya.
Overprotective parenting: Mga nasasakupan at nabubukod
Simple ang tuntunin sa mga anak ng nasabing ina at kanya itong ipinapatupad hanggat maaari.
Maging duktor pa man, guro, trabahador, o payaso sa party ng bata. Mahigpit na ipinagbabawal ng ina na maiwan ang anak sa kuwarto na sila lang ang kasama.
Kung kailangan man na puntahaan ng bata ang kahit sino sa mga ito, kailangan nila magsama ng kaibigan.
Mayroon parin ilang exceptions sa tuntunin na ito.
Ang tatay at lolo ng mga bata ay maaaring samahan ng mga bata sa kuwarto. Kasama rin sa mga nabubukod ang ilan sa mga lalaki na masasabi ng ina na kilalang-kilala niya.
Ang mga bayaw at ilan sa mga asawa ng matatalik na kaibigan ng ina ay nasasama rin sa mga nabubukod sa tuntunin sa mga anak na ito.
Overprotective parenting: Mga rason ng ina sa strict rule sa mga anak
Ayon sa ina, sa dami rami ng ikinatatakot ng mga magulang para sa mga anak, ang pangmomolestya sa mga anak ay isa sa mga maaaring mangyari. Kadalasan pa sa mga nangyayaring pangmomolestya ay sa sitwasyon na pinapaiwas ng ina: kapag naiiiwan ang bata nang mag-isa kasama ang lalaki, kilala man o hindi.
Marami ng child-friendly na mga organisasyon ang may ganitong tuntunin.
Nais idagdag ng ina na wala siyang problema sa mga tagapag-alaga ng bata na hawakan at lambingin ang kanyang mga anak. Ang pag-aalaga sa mga bata ay natural na may kasamang tamang paghawak at paglalambing. Ayos lang ito sa ina basta hindi ito mangyari sa loob ng kuwarto kung saan ang bata at ang lalaki lang ang magkasama.
Overprotective parenting: Diskriminasyon sa mga lalaki?
Aminado ang ina na ang kanyang rule sa mga anak ay hindi patas sa ibang kalalakihan. Ito ang mga lalaking hindi pedophiles o sexual predators.
Ang alituntunin din na ito ay maaaring magpagulo para sa mga lalaki na may kinalaman ang trabaho sa mga bata. Kasama dito ang mga nagtatrabaho sa medisina, pagtuturo at social work.
Naniniwala ang ina na sa mga ganitong sitwasyon, mas mangingibabaw ang kanayang layunin bilang ina kaysa sa pagiging feminist.
“Marami ang mga nang-aabuso sa mga bata at nasa paligid lang sila. Karamihan sa kanila ay mga lalaki,” dagdag ng ina.
Ibinahagi ng ina na ang kanyang natutunan sa pagiging babae at dating bata, na ang pagiging maingat sa mga lalaki sa sekswal na kapasidad ay hindi pagiging isteriko ngunit tamang pag-iisip lamang.
Mga pang-aabuso sa bata
Salungat sa instinct ng mga magulang, karamihan ay hindi nakakahalata kung pedophile ang isang tao. Karamihan pa sa mga batang namomolestya ay nararanasan ito sa mga kilala nila.
Sa kasamaang palad, hindi ito madaling nasusumbong dahil sa takot at hiya ng bata.
Maraming mga pedophiles ang kumukuha ng trabaho na sadyang mapapalapit sila sa mga bata.
Tulad sa kuwento ni Larry Nassar, isang duktor sa USA Gymnastics Team. Siya ay nahatungan ng halos 200 taon ng pagkaka-bilanggo dahil sa kanyang mga krimen.
Sa di mabilang na dami ng mga minolestya ni Larry Nassar, siya ay inaakala ng mga magulang na mapagkakatiwalaan. Madalas niyang ipinahihiwatig kung gaano niya kamahal ang mga bata at ang nais niyang gamutin ang mga ito.
Lingid sa kaalaman ng lahat, plinano niya ang buong buhay niya upang mapalapit sa mga bata.
Mayroon din na tulad ni Michael Jackson kung saan sa kabila ng reklamo ng pangaabuso, may mga magulang parin na pinapayagan ang mga anak na sumama.
Makikita sa dokyumentaryo na Leaving Neverland ang mga ginawa ni Michael Jackson para makuha ang gusto. Bukod sa pagkuha sa loob ng mga magulang ng mga bata, nagbigay din siya ng mga regalo, bakasyon at malalaking halaga ng salapi. Taon ang kanyang ginugugol para makasama mag-isa ang mga bata sa kanyang mansyon.
Maraming mga magulang ang nagsisisi kapag ang kanilang mga anak ay nasama sa mga nagiging biktima ng mga tulad ni Larry Nassar at Michael Jackson.
Paalala ng isang overprotective na ina, kung sinunod lamang ang kanyang tuntunin sa mga anak, hindi sana ito nangyari.
Tunay na kontrobersyal ang pananaw ni Leah sa pagpapalaki ng kaniyang mga anak. Extreme nga ba ito o tama lang na gawin? Mag-comment ng iyong opinyon sa ibaba.
Source: Today’s Parent
Basahin: 5-anyos na batang babae, minolestya diumano sa banyo ng isang mall
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!