10 paraan kung paano baguhin ang ugali ng bata

undefined

Ang mga paraang ito hindi lang basta magtutuwid sa maling ugali ng iyong anak, ngunit mas magpapatibay pa ng relasyon ninyo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kung paano hindi nakakatulong ang punishment para maisaayos ang maling ugali ng iyong anak.
  • Mga paraan kung paano baguhin ang ugali ng bata o ng iyong anak ng hindi siya pinaparusahan.

Hindi pagpaparusa ang sagot para mabago ang maling ugali ng iyong anak

Ayon sa author at psychologist na si Laura Markham, hindi ang pagpaparusa o punishment ang paraan para mabago ang bad behavior ng iyong anak. Sapagkat imbis na mabago niya ito o mapabuti pa siya ay maaaring maging dahilan pa ito para madagdagan ang misbehavior niya.

Halimbawa ni Markham, sa pagpaparusa ay tinuturuan natin ang ating mga anak na maging galit at defensive. Ang emotions nilang ito kinalaunan ay tuturuan siyang magsinungaling para maabswelto sa mali niyang nagawa at hindi na siya maparusahan pa.

Dagdag pa ni Markham, may mga paraan kung paano baguhin ang ugali ng bata ng hindi ito pinaparusahan. Ang mga paraang ito ay mas effective at tinuturuan siyang maging mabuting bata sa maayos na paraan. Ang mga paraang ito ay ang mga sumusunod.

Mga paraan kung paano baguhin ang ugali ng bata

1. I-regulate ang sarili mong emosyon.

Tayong mga magulang ang tinitingnang modelo ng ating mga anak. Kaya naman para maturuan natin silang maging mabuting bata ay magsilbi tayong mabuting halimbawa para sa kanila.

Sa oras na sila ay may ginawang mali imbis na agad silang pagalitan o bulyawan ay subukan nating kumalma. Gawin ito sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Kausapin ang iyong anak tungkol sa mali niyang nagawa kapag ikaw ay kalmado na.

Paano baguhin ang ugali ng bata

Paano baguhin ang ugali ng bata/ Photo by Ketut Subiyanto from Pexels

2. Maki-empathize sa feelings ng iyong anak.

Ang pagpaparusa ay isang hadlang para magkaroon kayo ng connection ng iyong anak. Sa oras na may mali siyang nagawa, imbis na pagalitan siya ay kausapin siya ng mahinahon.

Manatiling kalmado at hayaan siyang i-express ang kaniyang nararamdaman. Saka siya turuan kung paano ma-manage ang emotions niya at paano niya maitatama ang mali niyang nagawa.

Sa ganitong paraan ay hindi mo lang naitatama ang mali ng iyong anak. Kung hindi hinahayaan mo rin siyang maging close pa sa ‘yo.

3. Suportahan ang iyong anak.

Para matutunan ng iyong anak ang isang bagay na iyong itinuturo ay dapat suportahan siya sa paggawa nito. Tulad na lamang sa pag-aayos ng mga gamit niya.

Imbis na sigawan siya o pagalitan sa oras na nalimutan niyang ligpitin ang mga laruan niya ay turuan siya kung paano niya ito makakasanayan. Gawin ito sa tulong ng “routine”.

Halimbawa, sa oras na matapos siyang mag-laro ay samahan siyang magligpit ng mga laruan. Gawin ito habang pinapaalalahanan siya kung bakit dapat at mahalaga niya itong gawin.

Matapos ng inyong pagliligpit ay magpasalamat sa kaniya sa pagtulong niya sayo. O kaya naman ay i-recognize ang kaniyang ginawa na isang “very good” behavior.

Sa ganitong paraan ay mas gaganahan siyang gawin ito na kalaunan ay kaniya ng makakasanayan.

4. Panatilihin ang connection ninyo ng iyong anak.

Bago itama ang pagkakamali ng iyong anak ay siguraduhing “connected” ka sa kaniya. Sapagkat ayon kay Marhkam, mas nagmi-misbehave ang isang bata kapag pakiramdam nila ay disconnected sila sa atin.

Kaya sa tuwing siya ay kakausapin siguraduhing may eye contact kayong dalawa. O kaya naman akbayan o hawakan ang kaniyang kamay habang siya ay pinapaliwanagan tungkol sa mali niyang nagawa.

BASAHIN:

Tamang timbang ayon sa edad: Ang gabay para sa ‘yo

5 na dapat itanong sa sarili bago mag baby #2!

STUDY: Gustong tumalino ang anak? Gawin itong exercise na ito

5. Mag-set ng limits na may kasamang empathy.

Sa pagse-set ng limit o rules sa iyong anak ay ituro ito sa kaniya na may kasamang empathy. Sa oras na may mali siyang nagawa ay siguraduhing i-acknowledge muna ang feelings niya.

O kaya naman ay bigyan siya ng pagpipilian para maramdaman niya na ang kaniyang side ay iyo pa ring pinakikinggan at pinahahalagahan.

Halimbawa sa oras na nasaktan niya ang kapatid niya. Ito ang sabihin sa kaniya.

“Mukhang gusto mong pausugin ang kapatid mo kaya mo siya naitulak. Pero hindi dapat, kasi masakit iyon para sa kaniya. Puwede mong gawin ay sabihan siya na “Umusog ka naman please.” O kaya naman kung ayaw niya ay lumipat ka na lang sa ibang posisyon para mas maluwag sa ‘yo ‘di ba?”

Paano baguhin ang ugali ng bata

Food photo created by tirachardz – www.freepik.com 

6. Turuan ang iyong anak na maaqri niyang maayos ang mga mali niyang nagawa.

Ipakita rin sa iyong anak na maari niya paring ma-repair ang mga mali niyang nagawa. May mahalagang papel na gagampanan dito ang pagiging kalmado niya.

Tulad na lamang sa tuwing nag-aaway sila ng kapatid niya, ipaliwanag na puwede niya naman itong yakapin at kausapin para humingi ng tawad. Sa ganitong paraan ay maaari niya pa ring maayos ang pagkakamali niyang nagawa.

7. Laging tandaan na ang misbehavior ay isang expression na kailangan ng gabay mo.

Isaisip lagi na ang bawat misbehavior ng iyong anak ay may dahilan o paraan niya para ipakita na mayroon siyang pangangailangan.

Maaaring kaya siya nagwawala ay dahil gutom o inaantok na siya. O kaya naman ay nagpapapansin lang siya sa ‘yo para mabigyan mo siya ng pansin at oras mo.

8. Lagi lang magsabi ng “Yes” sa iyong anak kahit na ikaw ay nagbibigay ng rules o limit sa kaniya.

Iparamdam sa iyong anak ang generosity mo sa lahat ng oras. Isang paraan para gawin ito ay ang laging pagsasabi ng “yes” o “oo”.

Halimbawa:

“Oo, oras na para maglinis ng kalat ni John. Para makapagbasa kami ng bagong kuwento o makapag-laro. Gustong-gusto ‘yun ni Mommy at John di ba? Oo naman! Kasi mahal ko si John at napakasuwerte ko na siya ang anak ko!”

9. Mag-reconnect sa iyong anak araw-araw.

Paano baguhin ang ugali ng bata

Photo by Kamaji Ogino from Pexels

Ang ibig sabihin nito ay laging gumawa ng paraan para bumawi sa mga oras na wala ka sa tabi niya. O kaya naman ay maglaan ng oras sa kaniya araw-araw na ang atensyon mo ay tutok lang sa kaniya.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagpapatay ng cellphone o computer mo. O kaya pagsasabi sa iyong anak na “Sa ‘yo si Mommy sa susunod na isang oras, anong gusto mong gawin natin?”

Hayaan siyang pumili ng activity na gusto niyang gawin. Basta’t siguraduhin na magtatawanan kayo at mag-ienjoy sa mga oras ninyong magkasama.

10. Tandaan na ang connection at compassion ang sikreto sa pagpapasunod sa isang bata.

Kaysa sa pagpaparusa, tandaan na mas maiimpluwensiyahan ang isang bata kung mararamdaman niyang connected o may compassion ka sa nararamdaman niya.

Kaya naman lagi lang iparamdam sa kaniya ang pagmamahal mo. Pagsabihan siya sa paraang mahinahon at kalmado. Sa ganitong paraan ay unti-unti mong mababago ang ugali ng iyong anak ng hindi mo siya napaparusahan o nasasaktan.

 

Source:

Psychology Today

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!