Siguro ay narinig o nabasa mo na may ilang pagkain ang nakaka-impluwensya sa magiging kasarian ng baby. Ngunit, narinig na bang ang pagkain ng saging ay nakakatulong sa kung paano gumawa ng baby boy?
Ngayon, siyensiya na ang nagpapatunay na baka may katotohanan ang mga istoryang ito.
Paano gumawa ng baby boy? Heto ang sabi ng isang pag-aaral
Binase ng mga scientists sa Exeter at Oxford University sa UK ang kanilang pananaliksik sa pagkain ng nasa 740 na first-time na buntis na British mums.
Ang mga datos sa mga datos sa pagkain ng mga babaeng ito ay kinolekta sa mga mahahalagang panahon. Ang mga ito ay preconception, early pregnancy at late pregnancy.
Naipublish ang pag-aaral sa The Royal Society.
Ayon dito, tila nakukumpirma na ang ilang tradisyunal na paniniwala ay mauugnay sa kinakain at kasarian, habang pinapabulaanan ang iba.
Sabi ng lead researcher na si Fiona Matthers, kanilang nakumpirma ang sabi-sabi na ang pagkain ng saging at pagtaas ng natatanggap na potassium ay maiuugnay sa pagkakaroon ng lalaki, pati na ang pagtanggap ng maraming sodium.
Kanyang idinagdag na sa unang pagkakataon, napakita ang malinaw na ugnayan ng kinakain ng ina at kasarian ng magiging anak. Naiimpluwensyahan ng mga ina ang survival ng sperm o fertilised egg sa mga unang bahagi, bago pa ito maimplant.
Mataas na energy intake = mataas na enerhiyang mga bata?
Hindi lang saging ang nakakatulong sa pagbuo ng mga lalaki. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang 56% ng mga kababaihan na mataas ang energy intake sa mga panahon ng conception, ay nagka-lalaki.
Sa madaling salita, “ang mataas na calorie intake bago mabuntis ay nakakapag-pataas ng posibilidad na magka-anak na lalaki”. Nakikita ito sa 10 hanggang 11 napapanganak na lalaki sa bawat 20 panganganak.
Ito ay kinumpara sa 45% ng mga babaeng may mga pinakamababang energy intake.
Upang lalong maipaliwanag:
- Average calorie intake ng ina ng mga lalaki: 2,413
- Average calorie intake ng ina ng mga babae: 2,283
Bukod sa potassium sa mga saging, ang mga nanganak ng lalaki ay kumain din ng masmadami at masmataas na range ng mga nutrients. Kabilang dito ang vitamin C, E at B12, pati na ang calcium sa panahon ng conception.
Isa pang dagdag sa mga kinakain ng mga may anak na lalaki habang sinusubukang mabuntis ay breakfast cereals. (Kung gusto ng baby boy, lagyan ng mga hiwa ng saging ang iyong morning cereal!)
Salungat dito, ang mga babaeng mas pili ang kinakain ay madalas nagkaka-anak na babae.
Sabi ni Matthews sa New Scientist magazine, natuklasan ng pag-aaral ang simpleng dietary trick:
“Kung gusto ng lalaki, kumain ng masustansyang diet na may mataas na calorie intake, kabilang ang almusal.”
Makatwirang pagkain sa pagbubuntis
Tandaan dapat na lahat ng health professional – kabilang ang mga nagsagawa ng pag-aaral na ito, ay hindi inirerekumenda ang biglaang pagbago ng kinakain sa kagustuhang maimpluwensyahan ang kasarian ng baby. Halimbawa, ang pagkain ng sobrang sodium ay nakakasama sa kalusugan.
Tulad ng sabi ni Matthers, kung gusto ng lalaki, ang pagkain araw-araw ng ligtas na dami ng breakfast cereal, makatwirang dami ng sodium, potassium at calcium, pati tamang pagkain ng protein ay magandang option. Ito ang kabaligtaran kung gusto ng babae, basta nasa ligtas na mga limitasyon.
BASAHIN:
Maaari bang magkamali ang ultrasound sa gender at due date ni baby?
STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng baby boy ang mga nakaranas ng stressful pregnancy
Fertility Diet: Mga pagkain na nakakapag-increase daw ng chance na mabuntis?
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.