Tama ba ang pagkarga kay baby? Maaari siyang magkaroon ng problema sa buto kung mali ito

May iba’t ibang paraan kung paano hawakan ang sanggol ngunit ang pinakaimportante rito ay ang pagbibigay suporta sa kaniyang ulo at leeg na mahina pa lalo na sa mga newborn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanong ng maraming magulang, “Paano hawakan ang sanggol?” Alamin rito ang mga ligtas na paraan.

Isang tanong na hindi lamang maririnig sa mga first-time parents. Kundi pati na rin sa iba pang magulang ay kung paano dapat hawakan ang sanggol.

Marami kasing natatakot hawakan ang kanilang newborn baby dahil sa pag-aalala na baka masaktan ang mahina at malambot pa nilang katawan.

Subalit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang mga sanggol ay may mas maraming buto sa matatanda (300 kumpara sa mga adults na may 206) at ang kanilang buto, o cartilage ay mas flexible kaya hindi naman ito mababali kaagad.

Ito ay flexible dahil kailangan ni baby na mamaluktot ng ilang buwan sa loob ng tiyan ng kanilang nanay at upang makalabas sila nang maayos mula sa pwerta.

Pero sa kabila nito, dapat pa ring ingatan ang paghawak sa iyong sanggol. Lalo na ang pagkarga dahil ang maling pagkarga kay baby ay posibleng magdulot ng problema sa kaniyang buto, lalo na sa bahagi ng kaniyang balakang.

Bakit kailangang tama ang pagkarga kay baby?

Ayon kay Dr. Gellina Suderio-Maala, o mas kilala ng kapwa TAP moms bilang Doc Gel,  isang pediatrician mula sa University of Perpetual Help Medical Center, mahalaga na bigyan ng tamang suporta ang katawan ng isang sanggol kapag siya ay kinakarga.

Isa sa mga dahilan ay maaaring hindi natin mamalayan na nagkakaroon na pala siya ng problema sa kaniyang buto, at huli na kapag gusto nating i-wasto ito.

“Hindi kasi natin ‘yan mapapansin agad unless na maglakad na si baby. Kaso usually hindi sila umiiyak sa sakit kapag na-dislocate ‘yong mga bones nila.

Pero kapag nag-start nang mag-move, napapansin mo nang hindi na gumagalaw ‘yong arm ni baby or hindi na maayos maglakad. Doon mo masasabi na baka may problem sa hip or leg area ni baby,” ani Doc Gel.

Hip Dysplasia

Para sa mga magulang naman na gumagamit ng ibang accessories sa pagkarga sa kanilang sanggol tulad ng baby sling o baby carrier, dapat mag-ingat sa pagpili ng tamang produkto na gagamitin.

Sapagkat kapag mali ang pagsuot o posisyon ni baby, maaaring magkaroon siya ng problema sa kaniyang balakang na makakaapekto sa kaniyang paglalakad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang important lang naman is nasusuportahan natin si baby. But if parang gumagamit nga mga slings, mga carrier type, ang advice is dapat M shape ‘yong legs ni baby. Dapat ganoon siya kasi otherwise magkakaroon ng problem sa development ng hips ni baby,” pahayag ni Doc Gel. 

Paliwanag ng doktora, kapag mali ang posisyon ng mga balakang at binti ni baby habang nasa kaniyang carrier, maaari siyang magkaroon ng hip dysplasia ang sanggol.

“Kapag hindi kasi proper ‘yong position ni baby, hindi niya ma-mimic iyong fetal position, mas common na magkakaroon ng developmental dysplasia of the hip which is common in the first 6 months of life. So dapat ang pagkarga natin kay baby ay well supported siya,” aniya. 

Kaya naman para masiguro ang kanilang kaligtasan sa iyong mga kamay, narito ang mga tamang paraan kung paano hawakan ang sanggol na hindi lang magiging komportable para kay baby kundi pati na rin sa taong humahawak o nagkakarga sa kaniya.

Tamang paraan kung paano hawakan ang sanggol

1. Siguruhing malinis ang iyong katawan bago kargahin si baby.

“Pandemic man o hindi, importante rin na ipa-remind natin na dapat malinis tayo kapag nagkarga tayo ng bata, comfortable tayo kapag binubuhat natin sila. Hindi ko naman sasabihin na magpalit ka ng dapit kagpag bubuhatin mo si baby, but make sure na malinis yung katawan para safe pa rin si baby,” paalala ni Doc Gel. 

Bago humawak o kumarga ng sanggol, siguruhing malinis ang iyong mga kamay. Ito ay para maiwas si baby sa mga germs at bacteria na maaring makasama sa kaniyang mahina pang kalusugan.

Hugasan ang iyong mga kamay ng tubig at sabon para masiguro ang kalinisan nito. Maghanda rin ng hand sanitizer o alcohol para sa mga taong gustong hawakan at kargahin si baby.

2. Maging komportable sa paghawak kay baby.

Para maging komportable si baby habang siya ay hawak mo. Kailangan rin na komportable ka o confident sa paghawak sa kaniya. Sa una, nakakaba at nakakatakot humawak ng isang sanggol. Subalit sa pagdaan ng ilang minuto ay masasanay ka rin at magiging komportable sa paghawak sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Laura Jana, isang Omaha-based pediatrician at author ng Heading Home with Your Newborn, nararamdaman ng isang sanggol ang stress o kaba ng humahawak sa kaniya. Kaya naman kahit kinakabahan ay dapat makipag-usap kay baby sa mahinahon at kalmadong boses ang humahawak sa kaniya.

Gayundin, kung sa palagay mong hindi mo kayang hawakan ang sanggol nang maayos. Huwag mahiyang humingi ng suporta at ipahawak ang baby sa iba.

Ito ay dahil ang mga bagong-panganak na babae ay prone sa tinatawag na de Quervain’s tenosynovitis kung saan sumasakit ang kanilang kamay dahil sa madalas na pagkarga o pagpapadede sa kanilang sanggol.

“Kung hindi po kayang magbuhat ng bata, kapag may weakness sa isang hand, mag-ask po tayo ng help. Hindi po masamang humingi ng tulong if kailangan pong buhatin si baby,” paalala ni Doc Gel. 

3. Bigyan ng suporta ang katawan ni baby.

Ayon kay Dr. Jana, ang pinakamabigat na parte ng katawan ng isang newborn baby ay ang kaniyang ulo, at ang leeg naman nito ay wala pang ganap na lakas.

Kaya naman sa paghawak kay baby kailangan laging nakasuporta ang kamay ng kumakarga sa kaniya sa kaniyang ulo at leeg. Ganoon rin sa kaniyang puwetan na may dala naman ng bigat ng kaniyang katawan.

“All you have to do is carry the baby na well-supported, lalo na ang head and neck and then the hip area kapag gagamit tayo ng baby carrier,” ani Doc Gel.

Sa pagbuhat kay baby, ilagay ang isang kamay sa ilalim ng kaniyang ulo at ang isa naman ay sa kaniyang puwetan at dahan-dahan siyang buhatin pataas sa iyong dibdib.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ingatan at pangalagaan rin ang pinakamalambot na parte ng ulo ng iyong baby. Ito ay ang kaniyang bunbunan o fontanelles. Nag-dedevelop naman ang muscles sa leeg ni baby na susuporta sa kaniyang ulo sa ikaapat na buwan ng kaniyang buhay.

4. Pumili ng tamang posisyon sa paghawak kay baby.

Samantala may mga posisyon na maaring pagpilian kung paano hawakan si baby. Ilan sa mga ito ay ginagawa upang makatulong sa maayos na pagpapasuso at pagpapadighay sa kaniya.

Mga posisyon kung paano hawakan ang sanggol

Cradle hold

Image from HealthLine

Ang cradle hold ay isa sa pinakamadali at pinakamagandang paraan kung paano hawakan ang sanggol lalo na ang mga newborn.

Mula sa tamang pagbuhat na may suporta sa kaniyang leeg at puwetan ay ihiga ng pahalang sa iyong braso si baby na malapit sa iyong dibdib.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat ang ulo niya ay nakapatong sa iyong braso samantalang ang puwetan niya ay sinasalo ng iyong kamay. Sa ganitong posisyon, maaari mong gamitin ang isa mo pang kamay bilang dagdag na suporta. Pwede rin naman para makagawa ng iba pang bagay.

Ang cradle hold ay ang pinakamagandang paraan upang maayos na mapasuso ang isang sanggol.

Shoulder hold

Image from HealthLine

Isa ito sa mga magagandang posisyon na gawin lalo na kapag kakatapos lang dumede ng iyong sanggol at kailangan mo siyang ipa-burp.

Gawin ang ganitong posisyon sa loob ng 20 minuto bago ibaba sa crib si baby pagkatapos niyang dumede. Gawin ito para makaiwas sa kabag.

Buhatin si baby pataas sa iyong balikat. Siguraduhing nakasuporta ang isa mong kamay sa kaniyang leeg at ulo at ang isa naman ay sa kaniyang puwetan. Maari mo ring ipwesto ang kaniyang ulo sa iyong dibdib upang marinig niya ang iyong heartbeat.

Belly hold

Image from HealthLine

Ihiga ang iyong baby na nakadapa sa iyong braso. Ang ulo niya’y dapat nakahiga sa iyong braso pahalang. Kung saan ang kaniyang bewang pababa ay sinasalo ng iyong kamay.

Ang belly hold ay makakatulong rin sa mga baby upang makadighay. Dahan-dahan lang ring tapikin o hilutin ang kaniyang likod upang tulungan siyan mailabas ang gas o hangin sa kaniyang tiyan.

Lap hold

Image from HealthLine

Umupo sa isang upuan at pagdikitin ang dalawa mong binti. Ihiga ang iyong baby sa iyong lap o kandungan na nakaharap sa iyo. Ang iyong dalawang kamay ay dapat sinasalo ang kaniyang ulo samantalang ang iyong braso ay nasa ilalim ng kaniyang katawan at ang mga paa ni baby ay dapat nakaipit sa iyong bewang.

Dagdag tips kung paano hawakan ang sanggol

  • Kung umiiyak o iritable si baby habang siya ay karga mo, palitan ang kaniyang posisyon na kung saan siya magiging komportable.
  • Ang pagbibigay rin ng mahinang “shushing” sound ay makakatulong sa pagpapakalma sa baby. Dahil ang white noise na ito ay tulad ng tunog sa sinapupunan ng isang babae na naging tahanan ni baby noong hindi pa siya isinisilang.
  • Ang paghehele o dahan-dahang pag-ugoy kay baby rin ay makakatulong para pakalmahin siya. Huwag lamang siyang i-shake o yugyugin dahil ito ay makakapagdulot ng pagdurugo sa kaniyang utak na maaring makasama sa kaniya o maging dahilan ng kamatayan.
  • Kung sakali namang gustong magkarga ng baby ngunit hindi komportable sa pagbuhat sa kaniya, maaring maupo muna sa isang upuan o couch at dahan-dahang ipalipat ang sanggol sa iyong braso.
  • Iwasan ring humawak ng matatalim o maiinit na bagay habang hawak si baby upang makaiwas sa anumang aksidente na maaring magpahamak sa kaniya,
  • Kung aakyat sa hagdan, ugaliing laging nakahawak ang dalawa mong kamay kay baby bilang dagdag suporta sa kaniya.
  • Kung papatulugin si baby sa iyong dibdib, siguruhin na hindi ka makakatulog dahil maari itong humantong sa matinding aksidente. Kapag nakakaramdam ng antok habang karga ang iyong sanggol. Mas mabuting ipahawak muna siya sa iba, o ilagay siya sa kaniyang kuna para masigurong ligtas siya.

Ang paghawak o pagkarga mo sa iyong anak ay isa sa mga bagay na dapat mong sariwain habang maliit pa siya. Nakakatakot man sa umpisa, masasanay ka rin at mae-enjoy mo ito.  Siguruhin lang na may suporta ang katawan ni baby sa lahat ng oras. Kung mayroon kang katanungan tungkol sa pagkarga ng sanggol, huwag mahiyang tanungin ang kaniyang pediatrician.

 

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon