Alam ng mga magulang, lalo na ang mga Mommies, kung gaano ka-kumplikado ang mag-alaga ng sanggol at ang pagkarga sa kanila nang tama ay katulad din nang kung paano sila alagaan hanggang sa kanilang paglaki. Pero hindi lahat ay may alam kung paano kargahin ang sanggol nang wasto. At ang maling pagkarga nito ay nagdudulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan.
Ayon sa chiropractor na si Dr. Jason Hare, ito ang ilan sa mga kaugnayang-pangkalusugan na kanyang nakikita sa hindi tamang pagkarga sa sanggol.
Hip Dysplasia
Tamang pagkarga sa sanggol | Photo: hipdysplasia.org
Kilala rin bilang congenital hip disorder, ito ay nangyayari kung saan ang ugpungan ng balakang ay hindi normal o masyado itong mababa. Nagdudulot ito ng dislocation ng mga buto sa hita o thighbone ng sanggol.
Naniniwala si Dr. Hare na ang pagbalot sa sanggol ay nakaka-apekto rin. Payo niya, mas mabuting ituwid muna ang kanilang mga binti bago kargahin. Iwasan din ang pagpaha o pag-swaddle nang mahigpit sa kanilang mga hita at binti dahil nagdudulot ito ng hindi normal na tubo ng balakang.
Dagdag pa niya, luwagan ng kaunti ang pag-swaddle, kahit ito ay taliwas sa paniniwala ng nakararami. Sa pagkarga ng sanggol, siguraduhing ang kanilang tuhod ay nakabaluktot o mas kilala sa tawag na “frog position”. Hayaan ninyong gawin ito ng sanggol nang kusa, saka isiksik ang kanilang mga tuhod sa inyong baywang.
Tamang pagkarga sa sanggol | Photo: hipdysplasia.org
Tamang pagkarga sa sanggol | Photo: hipdysplasia.org
Spondylolysis
Ito ay isang seryosong sakit sa gulugod o spinal cord dahil sa patuloy na stress na nagiging sanhi ng mga bali. Ito ay malala at pang-matagalan, ayon kay Dr. Hare, na nangangailangan ng surgical operation.
Para maiwasan ito, huwag hayaan ang iyong sanggol sa isang mahigpit at mataas na backed baby carrier. Pwede pa rin silang kargahin nang tuwid habang gumagamit ng carrier na tumutulong sa kanilang gulugod upang kumurba nang palabas sa halip na paloob. Normal sa edad na anim na buwan pababa ang may gulugod na pabilog na panlabas.
Kung newborn ang baby, kailangan pang newborn din ang carrier. May mga carrier na may kasamang insert para sa mga bagong silang na sanggol.
Paano kargahin ang sanggol nang wasto?
Gumamit ng isang soft fabric carrier, tulad ng mga slings, o wraps, ngunit ikaw ang mas makaka-alam kung ano ang mas makakabuti para sa iyong sanggol. Pumili ng carrier na ligtas at kumportable ka at iyong sanggol. Tandaan ang mga sumusunod kapag kinakarga ang sanggol na malapit sa iyong dibdib:
- Ilagay ang sanggol sa isang posisyon na makakatulong sa natural na pag-develop ng kanyang hip joint.
- Siguraduhing may malambot na suporta ang kanyang ulo.
- Suportahan ang natural na pagkurba sa mababang parte ng spine.
Mga dapat iwasan ayon sa Pure Chiropractic;
- Huwag ilagay ang sanggol sa isang jumping chair na konektado sa door frame. Maaaring hindi kayanin ng gulugod ng sanggol ang sarili niyang bigat.
- Bawasan ang pagkarga sa iyong sanggol nang nakaharap palabas dahil mas nakakabuti sa pagbuo ng kanyang balakang ang nakaharap paloob.
- Iwasan ang mga carrier na hinahayaang nakalambitin ang binti ng sanggol. Siguraduhing ang mga binti ay malambot at ligtas para sa magandang development ng kanilang balakang.
- Bantayan ang pagtunog ng balakang ng o “hip clicking”. Anumang pagkakaiba sa haba ng mga binti, o hindi pantay na tiklop o fold ng balat ay agad na ipagbigay-alam sa iyong pediatrician, lalo kung may mapapansing senyales ng hip dysplasia.
If you want to read the english version of this article, click here.
Translated by Yddette Civ A. Cruz
BASAHIN:
17 best baby carriers, ayon sa mga ina
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!