Paano hindi lumaking spoiled ang bata? Narito ang mga dapat mong gawin.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tips sa magulang para mapalaki ang anak na hindi spoiled
Paano hindi lumaking spoiled ang bata?
Bilang isang magulang, wala tayong ibang ninanais kung hindi lumaking mabuti at responsable ang ating mga anak. Ayon sa mga eksperto, bilang isang magulang tayo ang pangunahing instrumento para makamit ito. At marami tayong maaring gagawin sila ay lumaking hindi spoiled at maging disiplinado. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Pagawain siya ng gawaing-bahay.
Ayon kay David J Bredehoft, isang psychologist, maraming dapat gawin upang mapalaking hindi spoiled ang isang bata. Pero mayroong isang paraan ang dapat nating inuuna sa lahat. Ito ay ang pagbibigay sa kanila ng chores o task sa gawaing-bahay. Dahil sa ganitong paraan sila ay hindi magiging spoiled. At lalaki silang responsable at magiging successful sa kanilang pagtanda.
Ang pahayag na ito ni Bredehoft ay sinuportahan ng ilang pag-aaral na tumukoy din sa naibibigay na mabuting epekto sa mga bata ng paggawa sa mga gawaing-bahay. Ito ay ang sumusunod:
Mabuting epekto ng paggawa ng gawaing-bahay sa mga bata
- Ang mga batang binibigyan ng task sa bahay ay natuturuan na maging responsible, competent, self-reliant at may self-worth sa kanilang paglaki. Nagiging batayan rin ito ng kanilang tagumpay at magiging career sa buhay kapag sila ay nasa tamang edad na. Ito ay napatunayan ng isang pag-aaral na ginawa sa 84 na bata na sinundan mula noong sila ay 3 taong gulang palang hanggang mag-20 anyos na.
- Ayon sa 2019 study, mas nagiging performer sa school ang isang batang binibigyan ng gawaing-bahay. Sila rin ay mas nagpapakita ng emphaty sa iba, mas confident sa academic abilities nila at mas nagkakamit ng satisfaction sa kanilang buhay.
- Base naman sa isang 2020 study, ang paggawa ng mga gawaing-bahay ay nagtuturo sa mga batang maging self-competent. Pati na magpakita ng prosocial behavior at self-efficacy na magagamit nila bilang introduksyon sa halaga ng pagbabanat ng buto o pagtratrabaho.
Photo by Alex Green from Pexels
Epekto ng hindi pagbibigay ng gawaing-bahay sa mga bata
Ang mga nabanggit na mabuting epekto ng paggawa ng gawaing-bahay sa mga bata ay napatunayan ng isang 1998 study na totoo.
Base sa pag-aaral na ginawa sa 730 adults, napag-alamang ang pag-ispoil na ginawa ng kanilang magulang ay nagdulot ng hindi mabuting epekto sa kanilang pagkatao. Sila ay naging deficient sa kanilang communication, interpersonal, relationship skills, mental and personal health skills, decision-making skills, money and time management skills at pagiging responsable.
Nang tanungin kung paano sila na-spoil ng kanilang magulang noong sila ay bata pa, nanguna ang hindi pagpayag o pagbibigay ng mga ito sa kanila ng task o gawaing-bahay. Sinundan ito ng pagbibigay sa kanila ng pribelihiyo o pagsunod sa kanilang mga luho at gusto.
2. Disiplinahin ang iyong anak.
Isa pang paraan na sinasabing nakakatulong kung paano lumaking hindi spoiled ang isang bata ay ang pagdidisiplina at pagtatama ng mali nilang ginagawa. Hindi nangangahulugan ito na kailangan ng gumamit ng kamay na bakal sa iyong anak. Matuturuan siya ng tamang disiplina sa pamamagitan ng pagbibigay ng rules o patakaran na kailangan niyang sundin. Sa oras na siya ay hindi sumunod ay hayaan siyang maranasan o makita ang epekto ng kaniyang ginawa. Sa ganitong paraan siya ay matututo at magiging responsable sa kaniyang mga ikinikilos.
Ayon sa mga eksperto, ang mga batang naturuan ng disiplina at good conduct ay lumalaki ng maayos. Sila rin ay may mahabang pasensya at marunong magself-control. Kaya naman sila ay mas maraming kaibigan at nagiging successful sa pakikisalimuha sa iba.
BASAHIN:
Ang iyong maling pag-aakala sa tamang pagpapalaki ng iyong anak
STUDY: Resulta ng poor lifestyle ng ina, maaaring maipasa sa anak sa pamamagitan ng sakit
3. Turuan sila sa kahalagahan ng pera o pag-iipon.
Photo by Karolina Grabowska from Pexels
Ang pagtuturo sa iyong anak sa kahalagahan ng pera ay isa ring paraan upang sila ay hindi lumaking spoiled. Dahil kapag alam nila ang kahalagahan ng pera ay hindi na sila basta-basta magpapabili ng mga gusto nila. At gagamitin lang ang pera sa mga bagay na alam nilang mahalaga at kailangan nila. Gawin ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng pag-iipon. O kaya naman pagbibigay sa kanila ng reward system sa bawat gawaing-bahay na kanilang nagagawa. Turuan silang ipunin ang reward na nakukuha nila at gamitin ito upang maibili ang bagay na gusto o kailangan nila. Sa ganitong paraan ay natututo rin silang magtrabaho at magbanat ng buto para sa kanilang sarili.
4. Huwag masyadong purihin ang iyong anak lalo na ang mga mali niyang ginagawa.
Bagamat ayaw nating masaktan ang damdamin ng ating mga anak, mali na purihin sila sa lahat ng oras. Lalo na kung mali na ang kanilang ginagawa. Dahil sa ganitong paraan ay natuturuan natin sila ng mali. At masasanay sila na laging nakakatanggap ng papuri at mahihirapan ng tumanggap ng rejection o kanilang pagkakamali.
Dapat ay turuan ang iyong anak na ang buhay ay may maganda at pangit na bahagi. May mga oras na siya ay maaring nasa taas. May mga oras na siya ay maaring nasa baba. Ayos lang ang magkamali. Dahil ang pagkakamaling nararanasan niya ay magtuturo sa kaniya na mas pagbutihin pa. At magiging daan ito upang mas maging matagumpay siya.
5. Turuan silang maging mapagbigay sa kanilang kapwa.
People photo created by rawpixel.com – www.freepik.com
Isang pang paraan kung paano lumaking hindi spoiled ang isang bata ay ang pagtuturo sa kaniyang maging mapagbigay sa kaniyang kapwa. Ituro ito sa kaniya sa pamamagitan ng maliliit na paraan. Gaya ng paghahati sa kaniyang kapatid ng pagkaing mayroon siya. O kaya naman ay pag-dodonate ng lumang laruan niya sa iba. Sa ganitong paraan ay natututo siyang magbigay halaga sa kung anong mayroon siya. At magiging grateful rin sa kaniyang buhay at sa pamilyang kinabibilangan niya.
Source:
Photo:
Photo by Alex Green from Pexels