Hindi biro ang magpalaki ng mga anak lalo kung ikaw ay isang single mom. Maraming gawain at tanong ang kailangan mong paghandaan. Pero sabi nga nila "walang mahirap na gawain kapag ina kana".
"Paano Ko Tinuturuan ang mga Anak Ko:"
1. Paggalang (paggamit ng PO at OPO at Pagmamano).
Ito dapat ang pinaka-unang tinuturo natin sa mga anak natin. Dahil habambuhay nila dadalhin ang ugaling ito. Turuan natin sila sa pamamagitan ng masinsinang pakikipagusap kung ano ang tama at mali sa tuwing makikipagusap sila sa ibang tao. Turuan gumamit ng po at opo sa mas nakakatanda, Malaking bagay ito sa haharapin nila realidad ng buhay.
2. Maging positibo sa buhay.
Marami ngayong kabataan ang namumulat ang kaisipan ng maaga sa kung ano ano problema sa mundo dahil sa technolohiya. Mabuting turuan sila kung ano ang dapat at hindi dapat bigyan ng pansin. Wag hayaan na maapektuhan sila ng mga simple problema. Dahil dito naguumpisa malungkot at mag-isip ng di magandang gawain ang mga bata.
3. Maging masinop
Hindi habang buhay ay kasama tayo ng mga anak natin, kaya kailangan natin silang turuan maging masinop. Turuan sila ibalik ang bagay sa dati nitong pwesto. Kasama na rin dito ang pagbabalik ng mga hinihiram na bagay.
4. Maging isang mabuting tao.
Wala nang mas sasaya pa sa magulang kung nakikita nya ang anak nyang lumalaki bilang isang mabuting tao. Turuan natin silang kilalanin ang tao hindi lang sa physical na anyo neto kundi sa panloob na kaanyuan. Wag hayaang nakakarinig ang anak mo ng pangungutya sa ibang tao.
5. Wag magtanim ng sama ng loob
Bilang single mom, eto ang pinaka isa sa nagiging problema. Wag na wag nyong tuturuan ang anak nyo magtanim ng sama ng loob sa tatay nila o kahit sinong tao. Turuan nyo sila sa pamamagitan ng wag magsasalita ng masasama kapag ang pinaguusapan ay ang tatay nila. May problema man kayo ng tatay nya, wag na wag nyo idamag ang mga anak nyo.
Note: please dont publish my name.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!