TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Teacher’s group: Dapat paigtingin ang pagdidisiplina sa mga paaralan, mga guro dapat ring magkaroon ng proteksyon laban sa mga abusadong estudyante

3 min read
Teacher’s group: Dapat paigtingin ang pagdidisiplina sa mga paaralan, mga guro dapat ring magkaroon ng proteksyon laban sa mga abusadong estudyante

Guro sa viral video, hindi makakatanggap ng anumang penalty ayon sa Vice-President at DepEd Secretary Sara Duterte.

Teacher in viral video pinagtanggol ng isang grupo ng mga guro. Apela nila sa publiko, huwag agad i-judge ang nasabing guro base sa kumakalat na video.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Teacher in viral video na nagagalit sa kaniyang estudyante.
  • Grupo ng mga guro pinatanggol ang teacher sa viral video.

Teacher in viral video na nagagalit sa kaniyang estudyante

teacher na dinisiplina ang estudyante niya

Larawan mula sa Shutterstock

Kumakalat ngayon sa social media ang video ng isang guro na nagagalit sa kaniyang estudyante. Sa video ay maririnig ang guro na sinasabi ito sa kaniyang klase.

“Una sa lahat hindi ninyo kami binabayaran dito para magtau-tauhan at gawin ninyong robot at gawin ninyong katatawanan sa harapan.”

“Pangalawa, hindi ako nag-board exam para lang hindi i-respeto ng mga katulad niyong wala pa namang nararating sa buhay. Ang kakapal ng mga mukha niyo, hindi niyo nga kaya buhayin mga sarili niyo.”

“Magboard-exam din kayo para malaman niyo kung hanggang saan lang kayo. Hindi na nga kayo matalino eh, sama pa ng ugali ninyo.”

Ang video na ito ng naturang guro ay maraming beses ng na-share sa social media at umabot na sa kinauukulan.

Grupo ng mga guro pinatanggol ang teacher sa viral video

Pero apela ng grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC), dapat ay huwag basta i-judge ang teacher sa viral video. Lalo pa’t ang nasabing video ay patunay na may mas malalim na issue na dapat i-address pagdating sa pagdidisiplina ng mga bata sa eskwelahan partikular na sa mga public schools.

teacher in viral video

Larawan mula sa Shutterstock

Ayon sa kanila, dapat ma-review ang child protection policy ng DepEd. Pati na ang anti-child abuse law na kung saan nalalagay sa alanganin ang mga guro at nagiging daan para mas maging abusador ang mga estudyante sa eskwelahan. Maraming beses na umanong na akusahan ng mali, napahiya, na-iskandalo at nabigyan ng punishment ang mga guro sa mga pagkakamaling dala ng kanilang trabaho. Kahit na ang layunin nila ay ma-disiplina lang ang kanilang estudyante.

Kaya naman apela ng grupo, ay protektahan rin ang mga guro laban sa harassment, threats, extortion at pati na pag-iiskandalo laban sa kanilang mga estudyante. Dapat ring magkaroon sila ng free legal assistance sa oras na maharap sa kasong kaugnay ng kanilang propesyon. Higit sa lahat kailangan daw maka-formulate ang DepEd ng positive discipline approach sa mga estudyante sa mga eskwelahan. Para naman maiwasan na ang mga ganitong insidente.

pagdidisiplina sa bata

Larawan mula sa Shutterstock

Ang hinaing ng grupo ay sinuportahan naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte. Ayon sa kaniya, hindi makakatanggap ng kahit anong penalty ang nasabing guro. Bagamat may paalala siya dito, pati na sa iba pang mga teachers sa bansa.

“Lahat tayo umaabot sa punto na nagagalit tayo, lalo ‘pag nafu-frustrate tayo. This is especially true sa mga teachers dahil ang teachers natin hindi lang isa na tao ang kausap nila.”

“Sinabihan ko ang regional office natin na there will be no penalties for the teacher. Just to remind the teacher that if she is angry, she has to pause. Itigil muna iyong klase. And when she’s not angry anymore, saka siya magklase ulit,”

Ito ang sabi pa ni Duterte.

Manila Bulletin

 

 

Partner Stories
The Brilliant Hour: How Just One Hour a Day Can Shape a Lifetime of Learning
The Brilliant Hour: How Just One Hour a Day Can Shape a Lifetime of Learning
Hansel’s ‘Hanselly Ever After’: A Journey of Learning, Growth, and Good Values
Hansel’s ‘Hanselly Ever After’: A Journey of Learning, Growth, and Good Values
Nurturing Tomorrow’s Stewards: Eco-Centric Initiatives for Students
Nurturing Tomorrow’s Stewards: Eco-Centric Initiatives for Students
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Edukasyon
  • /
  • Teacher’s group: Dapat paigtingin ang pagdidisiplina sa mga paaralan, mga guro dapat ring magkaroon ng proteksyon laban sa mga abusadong estudyante
Share:
  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

    Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

    Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko