Narito kung paano kumuha ng voters ID 2020 at magpa-rehistro bilang botante ngayong may COVID-19 pandemic.
Voters Registration 2020
Kahapon, September 1 ay nagsimula na ang pagpaparehistro ng mga bagong botante ngayong darating na eleksyon. Ngunit hindi tulad ng nakasanayan ay may mga pagbabagong ginawa para sa kaligtasan ng lahat laban sa sakit na COVID-19. Kaya kung magpapa-rehistro at kukuha ng voter’s ID ay narito ang mga hakbang at mahalagang impormasyon na dapat mong malaman.
Paano mag-parehistro at paano kumuha ng voters ID 2020
Kwalipakasyon sa pagpaparehistro bilang botante
Una, bago makapagpa-rehistro bilang botante ay dapat qualified ka muna at nagtataglay ng mga sumusunod na eligibility requirements:
- Filipino citizen at hindi pa nakakapagpa-rehistro bilang botante sa COMELEC.
- Ganap na 18-anyos ang edad sa mismong araw o bago ang eleksyon.
- Naninirahan sa Pilipinas ng hindi bababa sa isang taon.
- Kailangan naman ay naninirahan na sa munisipalidad o siyudad na pagbobotohan ng hindi bababa sa 6 na buwan.
Requirements sa pagpapa-rehistro
Para naman sa requirements na kakailanganin sa iyong aplikasyon ay narito ang mga dokumento na kailangang ihanda:
- Valid ID na nagtataglay ng iyong address sa pagbobotohang lugar. Ang mga valid ID na maaring gamitin sa pagparehistro ay ang mga sumusunod:
- Company ID
- Driver’s License
- IBP ID
- NBI clearance
- Passport
- Postal ID
- PRC ID
- PWD ID
- School ID or library card (for students)
- Senior Citizen ID
- SSS/GSIS ID/UMID
- Certificate of Confirmation from the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)
- Kahit anong valid ID may larawan mo at pirma maliban sa cedula at police clearance
Kung walang valid ID na nagtataglay ng iyong address sa pagbobotohang lugar, mabuting kumuha muna para hindi ma-deny ang iyong aplikasyon.
- Dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, ay ini-encourage ng COMELEC ang mga magpapa-rehistro na mag-download muna ng voter’s registration form sa kanilang website na comelec.gov.ph. Saka ito manually na fill-upan ng mga importanteng impormasyon maliban nalang sa thumbmark at signature o pirma na kailangang gawin sa harap mismo ng isang Election Officer sa COMELEC office.
- Mahalagang mayroon naring TIN number na hihingin sa COMELEC application form.
- Para naman sa mga magpaparehistro na magiging ganap na 18-anyos palang sa araw ng eleksyon ay mahalagang magdala rin ng original at photocopy ng iyong birth certificate.
- Sa mga mag-update o mag-cocorrect ng kanilang voter’s information ay dapat ding magdala ng original at photocopy ng birth certificate. Ganoon rin ang marriage certificate para sa mga magpapa-rehistrong ikinasal na.
- Para sa magpapa-transfer ng voter’s registration ay kailangan ng proof of current residence na tulad ng ID na nagtataglay ng iyong address.
Mga hakbang sa pagpaparehistro
- Sa oras na ma-kompleto na ang mga requirements ay magpunta na sa COMELEC office sa inyong lugar.
- Ayon sa COMELEC, ang pagpaparehistro ay tuwing Marters hanggang Sabado. Magpapatuloy ito kahit na holiday o walang pasok sa oras ng alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
- Sa ngayon ay wala munang satellite voter’s registration at lahat ng pagpapa-rehistro ay gagawin lang sa mga COMELEC offices. Dahil dito ay lilimitahan lang ang bilang ng mga taong maaring magpa-rehistro sa isang araw.
- Mahalaga na pagpunta sa COMELEC offices upang magpa-rehistro ay mag-suot ng face mask at face shield. Dahil mahigpit nilang ipapatupad ang “no facemask, no face shield, no entry” policy. Ang mga face mask at face shield ay aalisin lamang sa oras na kukunan na ng litrato ang magpaparehistro para sa biometrics.
- Maliban sa face mask at face shield ay kailangan ring magdala ng sariling ballpen ng mga magpaparehistro. Ito ang gagamitin nila sa pag-pirma at pag-fillup ng mga health declaration forms kaugnayan parin sa pagpapatupad ng COVID-19 protocols.
- Sa oras na maipasa na ang mga requirements sa pagpapa-rehistro at nakuha na ang iyong biometrics ay kailangan mong isulat ang iyong pangalan sa isang logbook kalakip ang iyong pirma. Dito ka na bibigyan ng acknowledgment receipt bilang patunay na ikaw ay rehistradong botante na.
- Dahil sa nalalapit na pagpapatupad ng national ID system ay pansamantalang itinigil ang pagbibigay ng voter’s ID. Kaya naman ang acknowledgment receipt na ibinigay sayo ang magsisilbing patunay ng iyong pagka-botante. Dito makikita rin ang presinto na kung saan ikaw ay naka-lista at rehistradong bumoto.
Paalala sa mga OFW na magpapa-rehistro
Image from Canadian Inquirer
- Para sa mga OFW, ang pagpaparehistro ay maaring gawin sa Ground Floor ng Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Manila. Dito ay tatanggap ng aplikasyon ang Office for Overseas Voting o OFOV mula Lunes hanggang Huwebes, maliban sa holidays tuwing alas-8 hanggang alas-4 ng hapon. Ito ay strictly by appointment only. Kaya mahalagang tumawag muna sa kanilang opisina bago magpunta. Ang kanilang numero ay (02)521-2952 at (02)522-2251.
- Sa araw ng mismong appointment ay kailangang mag-suot ng face shield at face mask. Kailangan ring magdala ng sariling ballpen para sa pag-pirma ng health declaration form at voter’s application form.
- Kailangan ring mag-print ng screenshot ng appointment confirmation slip bilang patunay ng iyong appointment at ng papasukin sa pasilidad.
- Mahalaga rin na dalhin ang original passport o seaman’s book ng magpaparehistrong OFW.
- Para naman sa mga Pilipinong nasa ibang bansa at nais magpa-rehistro, makipag-ugnayan lang sa Philippine embassy o consulate na malapit sa inyong lugar para sa schedule ng for overseas voter registration.
Source:
Tribune, COMELEC PH
BASAHIN:
5 requirements na kailangan sa pagkuha ng birth certificate ni baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!