8 inches ang best size para makamit ang orgasm ng babae, ayon sa pag-aaral

8 inches ang best size para makamit ang orgasm ng babae, ayon sa pag-aaral

Paano lalabasan ang babae?

Paano lalabasan ang babae? Ayon sa isang pag-aaal nakadepende ito sa dinadala ng isang lalaki ngunit hindi daw lahat ng oras ay mas mabuti ang malaki.

Paano lalabasan ang babae?

Sa isang mag-asawa ay napakahalaga ng usapin na ito. Lalo pa’t ayon sa mga eksperto ang pagtatalik ay nakakatulong para mas gawing malusog ang isang relasyon. Pero ang pagiging satisfied sa pagtatalik o sex ay hindi basta-basta makakamtan. At may mga bagay na dapat isaalang-alang upang makamit ng isang babae ang orgasm. Sagot nga ng isang bagong pag-aaral sa tanong na paano labasan ang babae? Naka-depende daw ito sa laki ng ari lalaki.

Paano lalabasan ang babae

Image from Freepik

Ano ang best size para makamit ang orgasm ng isang babae?

Para masagot ang tanong na ito ay isang survey ang isinagawa ng dating site na Big One Dating sa 4,761 na babae. Layunin nila na malaman kung paano labasan ang babae. At kung naka-depende nga ba talaga ito sa laki ng ari ng lalaki habang nakikipagtalik.

8 inches ang best size!

Paano lalabasan ang babae

Image from Freepik

Lumabas nga sa pag-aaral na 8 inches ang size ng penis na nagbigay ng satisfaction sa sex sa 44% ng mga babaeng nakilahok sa survey. Ito ay base sa pinakahuling beses nilang nakipagtalik at naabot ang orgasm sa pamamagitan ng penetration.

Mula sa ginawang survey ay napatunayan ring hindi naman sa lahat ng oras ay makakabuti ang malaki. Dahil para sa mga lalaking lumagpas sa 8 inches ang size ng ari ay bumagsak naman ang bilang ng babaeng nakamit ang orgasm at naligayahan sa sex. Nasa 42% ang naligayan sa 9 inches, 39% sa 10 inches at 30% naman sa 11 inches.

Mas mababa naman ang bilang ng mga babaeng naligayahan sa mas maliit na ari ng lalaki. Nasa 38% ang naligayahan sa 7 inches, 34% sa 6 inches at 31% sa 5 inches. Bumaba nga ng bumaba ang bilang ng mga babaeng naligayahan sa sex habang mas lumiliit pa ang ari ng lalaki.

Paano lalabasan ang babae

Image from Big One Dating

Pero hindi sa lahat ng oras ay naka-depende lang ang orgasm sa laki

Ayon pa nga sa pag-aaral ay maituturing na micro-penis ang erect penis na may laking 3 inches. Pero ito ay maari paring magdulot ng orgasm sa isang babae. At kahit na ba ang 1-inch lang ang laki ng ari ng lalaki, ang orgasm ay possible paring makamit ng babae. Ito ay nakadepende daw sa style o technique na gagawin sa pagtatalik.

“Our survey suggests the 8 inch guy has the easiest task but whatever your size you still have the potential to satisfy your partner.”

Ito ay isang pahayag mula sa ginawang pag-aaral.

Pero maliban sa haba ng ari, nakakatulong rin daw upang makamit ng isang babae ang orgasm kung may katabaan ang ari ng lalaking kaniyang nakatalik.

Iba pang paraan upang maabot ng babae ang orgasm

Paano lalabasan ang babae

Image from Freepik

Habang ayon naman sa mga sex experts, ang orgasm ay may maibibigay ng lalaki sa isang babae kung maabot nito ang kaniyang A-spot. Ito ay makakatulong sa kung paano labasan ang babae na magagawa sa mga sumusunod na paraan:

1. Isagad sa kailaliman o deep penetration.

Dahil nasa dulo ng vaginal canal ang A-spot ng kababaihan, kinakailangan ng deep penetration para maabot ito. Ilan sa mga posisyon na nirerekomenda upang maabot ang A-spot ng babae ay doggy style at cowgirl position. Habang ang iba naman ay sinusubukan ang anal sex na kung saan isang magandang paraan rin para maabot ang A-spot ng mga babae.

2. Gumamit ng sex toys.

Ayon kay Andy Duran ng Good Vibrations, isang sexual health outreach group, makakatulong ang paggamit ng sex toys na hinulma para sa deep penetration. Ang paglalaro o paggamit nito bago ang akwal na penetration ay makakatulong upang mas maging “wet” o basa ang isang babae na mas nagpapasigla sa pagtatalik.

3. Laruin ang mga pleasure zones.

Maliban sa deep penetration, dapat ding pukawin ang iba pang pleasure zones habang nakikipagtalik tulad ng G-spot ng babae. Maaring laruin ang clitoris ng babae habang nagpepenetrate sa loob ng vagina nito. Nakakatulong din ang paghalik o paghawak sa iba pang parte ng katawan niya na mas nakakapagbigay pa ng ibayong kasiyahan at kasiglahan habang nakikipagtalik.

4. Pagsasagawa ng foreplay o intimate acts.

Maliban sa A-spot at G-spot ng babae, isang mabisang paraan rin upang magkaroon ng totoong orgasm ang mga babae ay sa pagsasagawa ng foreplay o pagpapalitan ng intimate acts ng magkatalik. Maaring ito ay sa pamamagitan ng isang mainit na halik. O kaya naman ay sa paghimas sa mga sekswal na parte ng katawan ng bawat isa bago ang penetration.

5. Sumubok ng bago o kakaiba sa inyong pagtatalik.

Ang pagsubok ng bago o kakaibang bagay sa pagtatalik ay mas nakakapagbigay excitement sa isang relasyon. Ngunit, upang mas lalong mabigyan ng gratipikasyon ang mga mag-partner sa pagtatalik, dapat lang na maging bukas o open ang isa’t isa mga isyu ng pagtatalik. Kinakailangang malaman ng bawat isa kung ano ang gusto at ayaw nila pagdating sa sex. Sa ganitong paraan, mas nagiging maayos at lumalalim ang pagsasama nila. At ang pagtatalik ay nagiging  magandang paraan ng pagbobonding o pagkakaroon ng quality time sa isa’t-isa.

Marapat din na bago gumawa ng ibang aksyon o discoveries sa pagtatalik ay hingin rin muna ang approval o pahintulot ng bawat isa. Ito ay upang mas lalong masiyahan o maligayahan habang ginagawa ito. Oo nga’t ang pagtatalik nga ay isang paraan upang mas mapatibay ang pagsasama ng isang mag-partner. Ngunit ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay isa ding importanteng bagay na dapat nating pahalagahan para maabot ang tunay na kasiyahan sa isang relasyon.

 

Source:

Inquirer, Conscious Life News, Healthline

Basahin:

Makakatulong nga ba sa relasyon ng mag-asawa ang scheduled sex?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner