Ang paglalaba ng damit ng isang baby nakakapagod, matrabaho at nakaka-ubos ng oras na gawain. Kahit na bago pa man o lumang damit, narito ang tips at paraan ng paglalaba at pagtabi ng mga damit ng sa ganon ay tumagal ito hanggang sa susunod na anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tips kung paano labhan ang damit ng baby
- Paano labhan ng maayos ang mga damit ni baby na may dumi?
- Paglinis sa damit kapag nadumihan habang nasa labas ka
- Paano ang pagtabi at pagtago sa damit ng baby
Pero bago pa man naming ibigay ang mahalagang tips, kailangan mong malaman kung bakit mahalaga ang paglalaba sa damit ng isang sanggol.
Sa katunayan, karamihan sa mga damit na ito ay nilalagyan ng kemikal na formaldehyde bago ipadala para ibenta.
Ang kemikal na ito ay inilalagay para masigurado na ang mga damit ay mukhang bago at hindi gusot pagdating sa kanilang destinasyon. Ang balat ng isang sanggol napakasensitibo kaya naman dapat iwasan ang madikit sila sa kemikal ng bagong damit.
Tips kung paano labhan ang damit ng baby
Sa oras na makauwi na ang iyong anak, magsisimula na ang hamon sa totoong paglalaba ng damit ng sanggol. Suka, bakas ng kanilang dumi, pagkain at marami pang iba!
Kung naglagyan ng mantika ang ang damit ni baby, wag kang masyadong mag-aalala. Hugasan agad ang maruming dami ng tubig para mabawasan ang epekto nito sa damit. Pagkatapos ay ibabad ang damit sa tubig na may sabon sa loob ng 30 minutes.
Tip: Mas epektibo ang liquid na sabon kaysa sa powder na sabon sa pagtatanggal ng dumi.
Maaari ring subukang gamitin ang baby powder kung ang damit ay na-expose sa kahit na anong edible na oil.
Haluan ng baby powder ang kaunting tubig at saka ipahid at ikuskos sa parte na nalagyan ng oil. Ang baby powder ay napakabisa, sinisipsip nito ang natirang oil sa pagitan ng hibla ng tela. Itabi ito ng 30 minuto bago hugasan at labhan ang damit. Huwag patuyuin ang damit hanggang lahat ng bakas ng oil ay natanggal na.
Gumamit ng espesyal na mild detergent para sa mga damit ni baby. Huwag gumamit ng softener dahil ito ay nakakairita sa balat ng baby. Ang softener ay nakababawas din ng epekto ng flame retardant function sa mga foreign-made na pantulog.
Huwag kalimutan na labhan ang mga sapin ng higaan, kumot, mga damit, at iba pang maaaring madikit sa balat ng sanggol.
Paano labhan ng maayos ang mga damit ni baby na may dumi?
Kung pinili ng magulang na gumamit ng lapin o diaper cloth, narito ang mga tips para sa iyo. Ang dumi ng baby ay tiyak na mag-iiwan ng bakas sa mga diaper pad.
Sundan ang hakbang nang paglalaba na inirekomenda ng isang cloth diaper supplier.
Kung mayroong bakas sa telang diaper na hindi natatanggal, ibabad ang diaper sa pinaghalong tubig na may detergent at ¼ o ½ na baso ng bleach para sa de-color na damit. Ibabad ito ng 30 minuto, pagkatapos ay labhan ito gamit ang mainit na tubig at lagyan ng detergent. Ulitin ang hakbang hanggang sa mawala a ang bakas.
BASAHIN:
6 na dekalidad na Diaper Bag sa Philippines na dapat mong i-check-out!
Alamin ang “secret tip”para sa mas malinis at maputing mga damit
Paglinis sa damit kapag nadumihan habang nasa labas ka
Huwag magpalinlang sa mga nagbebenta na nagsasabing bumili ng portable pen na nakakapag-alis ng dumi sa damit.
Maaaring kang gumawa ng iyong sariling soap spray bottle. Paghaluin lamang ang tubig at detergent soap, 3:1 ratio para sa bawat spray bottle. 3 para sa tubig at 1 para sa sabon. Ilagay lamang ito sa diaper bag at gamitin kung kinakailangan.
Pagkatapos nito, huwag kakalimutan na labhan ang damit ni baby pagkauwi sa bahay.
Paano ang pagtabi at pagtago sa damit ng baby
Sa isang iglap lang ay lalaki kaagad ang iyong anak at hindi na magkakasya ang mga damit na isinusuot.
Kapag ito ay nangyari, maaaring ipamigay o ibenta ng magulang ang mga pinaglumaang damit. Ngunit kung gugustuhin naman ay maaari ring itabi para sa susunod na baby. Narito ang mga steps para sa pagtatabi.
Una, siguraduhin na lahat ng mga damit ay nilabhan ng hindi ginagamitan ng softener. Pagkatapos ay pagbukurin ng ayon sa uri at laki ng damit.
Lagyan ng libel ang mga kahon ng 1-3 months, 3-6 months at iba pa. Kung nakaayos at nakahiwalay ng naaayon ang mga damit, mapapadili ang trabaho ng ina sa susunod na kailanganing gamitin ang mga ito
Sana ay nakatulong ito sa lahat ng mga magulang.