#AskDok: Irregular ang regla ko, may paraan ba para mabuntis ako agad?

Narito ang mga tips na maaaring gawin para mabuntis agad sa kabila ng irregular na regla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano mabuntis agad ang irregular na babae.
  • Kailan nasasabing irregular ang regla.
  • At mga dahilan kung bakit nagiging irregular ang regla.

Paano mabuntis agad ang irregular na babae?

Nasa punto ka na ba ng buhay mo ngayon na gustong-gusto mo ng magkaanak? Bagama’t pareho na kayong ready ni mister, may isang bagay naman na tila bumabalakid dito.

Ito ang irregular mong regla na hindi mo alam kung kailan darating o hindi. Ayon sa OB-Gynecologist na si Dr. Gergen Marie S. Lazaro-Dizon mula sa Makati Medical Center, isa ito sa mga dahilan kung bakit nahihirapang magbuntis ang isang babae.

Sapagkat kung irregular ang regla, nagiging mahirap tukuying kung kailan magiging fertile ang isang babae o kung kailan mataas ang tiyansa niyang mabuntis.

“Ang usual fertile period nagsisimula kung 30 days ang cycle mo. Nagsisimula yung fertile period mga day 12 to day 18 ng cylcle.  Ang first day o yung day 1, ayun ang 1st day of the period.  Kung magbibilang ka day 12 doon magsisimula. Tapos dun kayo mag-iintercourse ng madalas. Doon sa time frame na iyon.  Hindi natin ma-ieksakto kung kailan ‘yung isang araw na iyon kasi nag move-move every cycle. Ngayon kung hindi regular yun ang magiging problema.” ani ni Dr. Dizon.

Pero bago natin sagutin ang tanong na kung paano mabuntis agad ang irregular na babae, talakayin muna natin kung paano nasasabing irregular ang regla at bakit ito nangyayari.

Kailan nasasabing irregular ang regla ng isang babae?

Woman photo created by user18526052 – www.freepik.com 

Ayon sa health website ng WebMD, may tatlong palatandaan para masabing irregular ang regla o period na isang babae. Ito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Ang haba ng araw sa pagitan ng bawat regla ay paiba-iba.
  • Maaaring napakakonti o biglang napakarami ng regla.
  • Naiiba-iba ang haba ng araw kung kailan tumatagal ang regla.

Paliwanag naman ng US Office on Women’s Health, nasasabing irregular ang menstrual cycle ng isang babae kapag ito ay mas maikli sa 21 days o kaya naman ay mas mahaba sa 35 days.

Sa pagbibilang ng araw ng menstrual cycle, ito ay nagsisimula sa unang araw ng pagdurugo o regla. Nagtatapos naman sa unang araw ng kasunod na regla o pagdurugo.

Bagama’t ang regla ay tinatawag na buwanang dalaw, may mga babae na hindi nireregla buwan-buwan. Sila ang pinakamagandang halimbawa ng mga babaeng may irregular na regla.

Ngunit bakit nga ba may mga babaeng nakakaranas nito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan kung bakit nagiging irregular ang regla ng isang babae at paano ito nakakaapekto sa pagbubuntis

Space photo created by freepik – www.freepik.com 

BASAHIN:

Paano malalalaman kung buntis ang babaeng may irregular period?

My PCOS Story: Doctors told me, “Baka hindi kana magka-anak.”

Gusto mo ba mabuntis? Mag-take ka ng mga vitamins na ito!

Maraming possibleng dahilan kung bakit nagiging irregular ang regla ng isang babae. Pero ang mga madalas na dahilan ay ang mga sumusunod:

  • Pagbabago sa hormone level ng katawan.
  • Pagkakaroon ng intrauterine device o (IUD).
  • May iniinom na gamot o medikasyon.
  • Labis na pag-i-exercise.
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS)
  • Stress
  • Overactive thyroid (hyperthyroidism) or underactive thyroid (hypothyroidism)
  • Pagkapal ng polyps o abnormal tissue growth sa uterine lining.
  • Pagkakaroon ng uterine fibroids.

Paliwanag ng Healthline, kung nakakaranas ng sumusunod, hindi lang regla ang maaaring maging irregular sa isang babae. Maaari ring maging irregular ang kaniyang pag-o-ovulate o pagre-release ng egg na unang hakbang para maging posible ang pagbubuntis.

Ang pahayag na ito mula sa Healthline ay sinuportahan naman ni Dr. Dizon. Ayon pa sa kaniya kung irregular ang period at nagnanais ng mabuntis, mas mabuting magpakonsulta agad sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay upang matukoy ang tunay na kondisyon o kalagayan ng iyong katawan pagdating sa kakayahan nitong magdalang-tao.

Tips para mabuntis agad ang babaeng may irregular na period

Magpakakonsulta sa doktor.

Pahayag ni Dr. Dizon

“The best rin talaga kapag ganun sobrang irregular magpakonsulta kasi baka nga hindi siya nag-o-ovulate so the chances of getting pregnant mas mababa. And also, kapag yung mga ganung cases kailangan mo i-investigate. Bakit hindi nag-oovulate ang isang babae baka may ibang dahilan na need to correct.”

Ito rin ang payo ng Healthline sa mga kababaihan. Sapagkat kapag irregular ang regla at dulot ng isang health condition ay may inireresetang gamot ang mga doktor na maaaring makatulong para i-induce ang ovulation.

Tulad ng gamot na clomiphene citrate o Clomid para sa mga babaeng may polycystic ovary syndrome. Ang levothyroxine para naman sa mga babaeng may hypothyroidism.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Woman photo created by pressfoto – www.freepik.com 

Madalas na pakikipagtalik o unprotected sex.

Makakatulong rin umano ang pagbabawas o pagdadagdag ng timbang ng isang babae para mabuntis agad kung siya ay irregular. Higit sa lahat ang madalas na pakikipagtalik o unprotected sex.

Ito ay dapat ginagawa ng hindi bababa sa kada dalawa o tatlong araw. Para makasigurado na makakatiyempo ang sperm ni mister ng hinog na egg ni misis na magpapasimula ng pagbubuntis.

Kaugnay sa nasabing pahayag, paliwanag naman ni Dr. Dizon, kung gustong magbuntis ay hindi dapat inaaraw-araw ang pakikipagtalik. Ito ay para ma-maximize ang amount o volume ng sperm ni mister.

Pagbabantay sa palatandaan na fertile ka.

Isang tip pa kung paano mabuntis agad ang irregular ay ang pagtitiming sa pakikipagtalik sa tuwing fertile siya. Kung hindi ito matutukoy gamit ang kalendaryo dahil siya nga ay irregular, makakatulong naman kung babantayan ang cervical mucus o white mens na lumalabas sa kaniya.

“Iyon ‘yung white men’s sa tinatawag natin. Titingnan mo ‘yun eh. Kapag naging slimy, kapag nagiging parang watery, yun very fertile ‘yun.”

Ito ang sabi pa ni Dr. Dizon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapanatiling malusog ang katawan.

Ang iba niya pang payo kung paano mabuntis agad ang irregular ay sa pamamagitan ng pagpapanatiling healthy ang katawan. Pagtigil sa mga bisyo at pag-iwas sa stress.

“Iyon ang pinaka number 1 dapat healthy. Mag-exercise. ‘Yung weight mo dapat tama sa height mo. Dapat ideal ‘yung bodyweight mo. So, mag-exercise then the diet. Lifestyle modification walang vices no yun ang pinakama-advice talaga sa lahat.” dagdag pa ni Dr. Dizon.

Source:

Healthline, WebMD, Women’s Health