Paano magkaroon ng dimple? Malamang ay narinig mo na ang mga katagang ito sa ibang tao kapag nakita nila ang cute na cute na dimple ng anak mo.
Cute DIMPLES: Paano nga ba ito nakukuha?
Hindi natin maikakaila na kapag nakakakita tayo ng taong may dimple, agad tayong naa-attract sa kanila. Para bang may magic na dala ang dimples nila sa magkabilang pisngi.
Pero on the scientific side, bakit nga ba may tila malalim na tuldok na kung tawagin ay dimple sa pisngi? Bukod sa pisngi, kadalasan din itong nakikita sa iyong baba at likuran.
Ayon sa National Institutes of Health’s Genetics,
“A dimple is an anomaly of the muscle that causes a dent in the cheek, especially when the individual smiles.”
Iba-iba ang itsura at lokasyon ng dimples ng isang tao. May iba na isa lang o dalawa na matatagpuan sa magkabilang side ng kanilang bibig. Ito ay dahil iba-iba rin ang structure ng muscle sa mukha ng mga tao at usap-usapan pa rin na ito ay maaaring namamana. Kung ang pareho mong magulang ay may dimple, mataas ang tiyansa na ang kanilang magiging anak ay magkakaroon din nito.
Ayon pa kay Dana Bressette, isang molecular geneticist at university genetics instructor,
“Since dimples aren’t heavily studied, though, it isn’t clear if it is truly just one gene (or maybe more) that will determine if you have them. Also, you may not get dimples even if you have the gene. So that is why they are considered irregular.”
Ang pagkakaroon ng dimples ng tao ay dahil sa zygomaticus major o pagbabago ng facial muscle na may kinalaman sa facial expression. Ito ay lumalabas kapag ngumingiti o tumataas ang corner ng kanilang bibig.
Nabubuo ang dimple sa loob pa lamang ng tiyan habang ang baby ay lumalaki. Ang paggalaw ng balat sa ibabaw ng double zygomaticus major muscle ay ang dahilan ng pagkakaroon ng dimple. Dahil nga ito ay nakukuha sa loob pa lamang ng tiyan ng ina habang sila ay lumalaki, ito ay napagkakamalang birth defect. Ngunit tandaan na ang pagkakaroon ng dimple ay ligtas at walang negatibong epekto sa kalusugan.
Sa ibang kaso, kung ipinanganak ang isang bata na walang dimple, maaari pa rin nilang ma-develop ang pagkakaroon nito habang sila ay lumalaki.
Paano magkaroon ng dimples?
Sa modernong panahon, madali na lamang para sa mga nangangarap na magkaroon ng dimple sa pisngi at ibida rin ito. Isang paraan para magkaroon ng dimple ay sa pamamagitan ng plastic surgery na tinatawag na dimpleplasty.
Sa dimpleplasty, lalagyan ng hiwa ang isang bahagi ng iyong pisngi at dito makikita ang ginawang dimple. Sa procedure na ito aalisin ang maliit na bahagi ng tissue. Tandaan lamang na bago dumaan sa plastic surgery na ito, alamin muna ang risks o benepisyo na iyong matatanggap.
Source:
BASAHIN:
Sino sa mga magulang ang magiging kamukha ng baby?
Namamana ng mga anak ang kanilang talino sa nanay, ayon sa pag-aaral