Isa sa mga inaabangan bago ipanganak ang isang sanggol ay ang magiging itsura nito. Ngunit paano malalaman pag kamukha ng nanay ang anak? Marami ang mga pinagbabasehan pagdating dito. Mula sa mata, buhok, at iba pang pisikal na katangian hanggang sa ugali at iba pa. Ang mga magulang ay talagang excited malaman kung sino ang magiging kamukha ng baby.
Genes at chromosomes
Ang responsable sa mga katangian na namamana ay ang tinatawag na DNA. Ito ay binubuo ng mga genes na naghahalo sa pagbuo ng baby. Naaayos ang mga ito at bumubuo ng mga chromosomes.
Ang iyong baby ay makakakuha ng 46 na chromosomes, tig-23 mula sa mag magulang. Bukod sa kasarian ng baby, ito rin ay ang makakapagsabi ng ilan pang mga katangian tulad ng:
- Mata
- Buhok
- Hubog ng katawan
- Dimples
- Boses pang kanta
- Tangkad
- Kulay ng balat
Ang nasa 30,000 na genes na nasa chromosomes na makukuha ng baby ay ang bubuo ng mga kombinasyon sa kung ano ang magiging katangian ng baby. Dahil sa dami ng mga posibilidad, hindi madaling hulaan ang eksaktong magiging kamukha ng baby. Ganunpaman, dahil sa kaalaman tungkol sa genes, maaaring mahulaan ang malapit na magiging itsura niya.
Genetics
Ang mga kulay ng balat, mata at buhok ay nakukuha mula sa genes na nagdidikta ng kombinasyon ng pigments. Dahil dito, ang kulay ng mga nabanggit ay maaaring maging mas maputi o mas maitim.
Mula sa mga larawan at kaalaman, maaaring malaman ang mga nangingibabaw na katangian. Maaari ring malaman ang mga katangian na maaaring lumaktaw ng henerasyon. Maaari ring makita ang mga katangian na minsang lumalabas sa ibang mga kamag-anak.
Imposible mang hulaan ang eksaktong kalalabasan, mayroon paring mga pagkakaintindi kung paano nakukuha ang ma katangian na ito. Ito ay dahil sa dalawang bersiyon ng genes – ang malakas (dominant) at mahina (recessive). Namamana ng mga baby ang mga ito mula sa parehong mga magulang, maging dominant man o recessive. Paano nito naaapektuhan ang mga katangian tulad ng mata?
Mata
Kung makita na halos lahat ng mga kamag-anak ay bilugan ang mata, masasabing ito ay ang dominant gene. Kung ang isa pang magulang ay singkit kahit pa bilugan din ang mata ng karamihan sa mga kamag-anak nito, malamang na maging bilugan ang mata ng iyong baby.
Ganunpaman, hindi ibig sabihin nito ay mawawala na ang genes ng singkit na mata. Maaari parin itong lumitaw sa iyong mga apo kung mangyari ang tamang halo ng genes.
Ganito rin ang susundin para malaman ang magiging buhok ng iyong baby.
Buhok
May dalawang uri din ng genes pagdating sa magiging buhok ng bata. Depende kung ano ang genes na masmalakas, makikita sa pagsusuri kung ano ang malamang na magiging buhok ng iyong baby.
Kung kulot ang iyong buhok, maaari parin na nagdadala ka ng genes para sa unat na buhok. Kung ganito rin ang sa iyong partner, may posibilidad parin na maging unat ang buhok ng inyong magiging anak. Ganunpaman, masasabi parin na ang dominant gene ay ang kulot na buhok kung ito ang makikita sa karamihan ng mag kamag-anak.
Sino ang magiging kamukha ni baby?
Kadalasan, mapapansin na ang mga bagong panganak ay mas kamukha ng mga tatay. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na ang tatay na ang magiging kamukha ng baby habang buhay. Ayon sa mga mananaliksik, ilang dekada nang nakalipas, ang pagkakamukha sa tatay ay bilang pampagana sa tatay na magtrabaho para sa anak.
Sa ngayon, tanggap na ng mga tao na maaaring maging kamukha ng parehong magulang ang baby. Ngunit, kadalasan ay ang nagiging itsura ng baby ay halo ng mga magulang na may ilang katangian mula sa mga kamag-anak. Pag kamukha ng nanay ang anak, dahil ito sa genes na maaaring makita rin na katangian mula sa mga lolo at lola.
Ano pa man ang inaasahang magiging itsura ng baby, sigurado na kababaliwan mo ito pagkapanganak niya. Ano pa man ang kanyang mata, buhok, kulay ng balat, iyong mamahalin ang kanyang pagiging natatangi.
Source: Healthline
Basahin: 7 bagay na namamana ng mga bata sa kanilang ama
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!