13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak

Paano nga ba maiiwasan ang sibling rivalry ng mga magkakapatid? Narito ang 13 steps na makakatulong sa inyo parents. Alamin dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi maiiwasan na magkaroon ng sibling rivalry sa magkapatid o magkakapatid, pero paano nga ba maiiwasan ang rivalry sa pagitan ng iyong mga anak? Huwag mag-aalala parents, narito ang ilang tips para maiwasan ito!

Mababasa sa artikulong ito:

  • 13 kung paano maiiwasan ang sibling rivalry
  • Pahayag ng mga eksperto

13 kung paano maiiwasan ang sibling rivalry

1. Maggugol ng oras kasama ang isa’t isa

Isa sa mga paraan kung paano maiiwasan ang sibling rivalry ay maggugol ng oras kasama ang isa’t isa. Ayon kay Dr. Barbara Greenberg isang clinical psychologist maganda umanong maglaan ng isang onae-on-one schedule sa bawat anak ninyo. Upang maiiwasan ang pagkakaroon ng pag-aaway o sama ng loob nila sa isa’t isa.

Ang sibling rivalry umano kasi ay tungkol umano sa mga bata o anak na gusto lamang magkaroon ng sariling oras o panahon sa inyong mga magulang. Gusto lamang nila ang makatanggap ng acknowledgement at recognition sa kanilang mga magulang.

Halimbawa, kung ang gusto ng isa ay maglaro kayo ng bola sa labas o ‘di kaya naman ang isa ay gusto lamang manood ng movie kasama ka, siguraduhin lamang na pareho mong nabibigyang panahon at atensyon ang bawat isa.

Ito marahil ang maging susi sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa kanila sa loob ng inyong tahanan.

2. Maglaan ng oras para sa isang masaya at exciting na family bonding

Makakatulong din upang maiwasan ang pagkakaroon ng sibling rivalry sa pagitan ng inyong mga anak ang pagkakaroon ng family bonding. Ayon kay Dr. Greenberg, ang paglalaan ng quality time kasama ang buong pamilya ay makakapaglapit sa inyong mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maiiwasan din umano nito ang pagkakaroon ng sibling rivalry sa pagitan ng magkakapatid. Ipinapakita kasi nito sa inyong mga anak na hindi kailangan ng kumpetisyon sa atensyon ninyo.

Maaari gumawa ng mga regular na family tradition tulad ng weekly na movie night o ‘di kaya naman isang game night.

3. Alamin kung kailan mamamagitan

Isa pa sa makakatulong kung paano maiiwasan ang sibling rivalry ay alamin kung kailan ka mamagitan sa iyong mga anak. Ang mga magulang na mayroong higit sa isang anak ay laging natatagpuan ang kanilang sarili sa gitna ng pagtatalo ng kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa ang pag-aaway ng mga anak dahil sa laruan, channel sa TV, at iba pa. Tila kailangan mong maging referee, subalit ayon kay Dr. Greenberg hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong mamagitan sa kanila. Lalo na kung hindi naman umano pisikalan.

Pilitin na hindi mamagitan sa pag-aaway ng iyong mga anak. Subalit kapag umabot na ito sa pisikalan doon ka na mamagitan. Nakakadagdag din umano kasi ang mga magulang ng negative energy sa pagitan ng pag-aaway ng magkakapatid.

Madalas naman umanong nareresolba ng magkakapatid sa sarili nilang paraan ang kanilang issue sa isa’t isa. Paano maiiwasan ang silbling rivalry? Isang advice ayaw masyadong mangielam sa pag-aaway ng magkakapatid.

Isa rin itong paraan upang matutunan nila na makipag-negotiate sa kanilang kapatid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Bigyan din sila ng sarili nilang space paminsan-minsan

Lahat ng mga magkakapatid ay gustong matuklasan ang kakayahan na mayroon sila. Bawat isa sa iyong mga anak ay may unique goals at talents.

Pahayag ni Dr. Greenberg, kailangan ng iyong mga anak ng personal space. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng sariling kuwarto. Kailangan din nila ng mga aktibad na sila lamang ang gagawa.

Halimbawa na nga lamang kung gusto niya magkaroon ng fulfillment sa sarili na maglaro ng isang sport o ‘di kaya naman isang musical instrument. Mayroong option ang mga batang ito na magkaroon ng isang bagay, isang lugar, na sa kanila lang.

Ang pagkakaroon ng sarili nilang oras sa mga bagay na gusto nila ay pagbibigay sa kanila ng pahintulot na magkaroon sila ng sarili nilang individuality.

Kapag naramdaman ng isang bata na fulfilled siya at makita siya bilang isang indibidwal na may unique na abilidad. Inaalis nito ang need na makipagkompitensya sa kapatid o mga kapatid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Kilalanin ang kanilang pagkakaiba-iba

Minsan kapag magkakadikit ang mga edad ng magkakapatid ay hindi maiiwasan ang expectation nating mga magulang sa kanila. Hindi talaga umano ito maiiwasan.

Subalit isa ito sa maaaring magdulot ng kanilang insecurity at baka bumaba ang kanilang confidence sa kanilang sarili. Kaya naman dapat huwag masyadong mag-set ng expectations sa kanila.

Iwasan din ang pagkukumpara sa iyong mga anak. Halimbawa, pinuri mo ang panganay mong anak dahil mataas ang grade niya. Tapos sinabi mo sa pangalawa mong anak na gayahin mo si Kuya mo.

Tignan na baka sa ibang bagay magaling ang isa mong anak. Malay mo’y artist pala siya at magaling mag-drawing. Ang  pagkukumpara kasi sa iyong mga anak ay maaaring magdulot ng sibling rivalry sa pagitan nila.

6. Hikayatin ipagdiwang ang success ng bawat isa

Dapat ang mga magulang ay hinihikayat ang mga magkakapatid na ipagdiwang ang success ng bawat isa. Marahil puwedeng isang big celebration o kahit small celebration lang para sa mga maliliit na bagay na kanilang ginawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad ng pagiging mabait, academic success, o kahit ang pagkumpleto lang ng kanilang bawat gawain sa bahay. Puwede pa ang pag-cheer ng bawat isa ay makatulong sa bawat isa sa success na minimithi nila.

7. Siguraduhin may komunikasyon kayo sa isa’t isa

Larawan mula sa iStock

Isa ring paraan kung paano maiiwasan ang sibling rivalry sa pagitan ng iyong mga anak ay ang pagkakaroon ng open communication sa kanila.

Ayon kay Dr. Greenberg, wala dapat umanong secret conversations sa bawat isa sa magkakapatid. Kapag kinakausap mo sila ng magkakahiwalay, dapat wala kang sinasabi na paborito mo ang siya kaysa sa iba niyang kapatid.

Isang paraan ito para hindi umusbong o magkaroon ng silbing rivalry sa pagitan nila. Dapat kinakausap mo ang iyong mga anak ng patas. Tandaan na hindi rin maganda ang pagkakaroon ng favoritism.

BASAHIN:

3 paraan kung paano mapagkasundo ang laging nag aaway na mga anak

Ayon sa isang psychologist, narito ang maaaring gawin para maging close ang magkapatid

#AskDok: Paano disiplinahin ang magkapatid na magkaiba ang ugali?

8. Siguraduhin na hindi lagyan ng label ang mga anak

Sa panahon ngayon mayroon nagiging sakit ang mga magulang na paglalagay ng label sa bawat isa sa kanilang mga anak. Tulad na nga lamang ung sino ang matalino, ang mabait, ang maganda, at kung ano pa.

Pagnilagyan ng mga ganitong label ang bawat isa sa kanila ang marahil maisip ng iba ay baka hindi ito maaaring maging mabait, maganda o kung ano man.

Kahit na nga mga positibong salita ang mga ito, mayroon din itong mga negatibong mga epekto sa kanila. Marahil ang maaaring gawin ang sarilinin na lamang ng mga magulang ang kanilang obserbasyon sa iyong mga anak.

Hikayatin sila maging the best version ng kanilang sarili kaysa lagyan sila ng label.

9. Bigyan ang bawat isa ng mga responsibilidad na swak sa kanilang edad

Larawan mula sa iStock

Para sa mga ibang pamilya, ang mga panganay ay madalas naaatasan na magalaga ng kanilang mga mas nakakabatang mga kapatid.

Ayon kay Dr. Greenberg, hindi umano itong magandang gawin na nakasanayan natin. Sapagkat maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon ng sama ng loob ng iyong panganay na anak.

Hindi ibig na siya ang panganay ay nasa kaniya na ang responsibilidad sa pagiging magulang kapag wala ka. Mas maganda umano ayon kay Dr. Greenberg na bigyan sila ng mga responsibilidad na swak sa kanilang edad.

Maaaring bigyan niyo ang mga magkakapatid ng oportunidad na magkaroon ng teamwork. Halimbawa na nga lamang kung nasa grocery kayo ay imbes na pag-awayan ng magkapatid kung sino ang kukuha ng cereals, marahil bigyan mo sila ng tiyansa na kumuha sila ng tig-isa.

O ‘di kaya naman mag-take turns sila sa pagkuha ng mga bagay na nasa iyong listahan. Dito mo makikita at mapa-praktis pa nila ang kanilang pagta-trabaho bilang isang team.

10. Siguraduhin na hindi mo sila ikukumpara sa isa’t isa

Mahalaga rin na paraan kung paano maiiwasan ang sibling rivalry ay hindi mo sila ikukumpara sa isa’t isa. Madalas nasasabi nating mga magulang na, “Bakit hindi ka maging katulad ng kapatid mo?” o “Bakit ‘di mo tularan ang kapatid mo?”

Nagkakaroon ito ng masamang epekto sa kanilang pagkatao at pakikitungo rin sa kanilang magkakapatid. Dapat siguraduhin ng mga magulang na hindi maikukumpara ang mga anak sa bawat isa.

Tandaan lahat ng mga anak o mga bata ay gustong makita sila sa kung ano at sino sila bilang isang inidbidwal na hindi kailangan ikumpara sa kahit kanino man.

11. Disiplinahin sila ng magkahiwalay

Hindi sa lahat ng panahon ay madidisiplina mo ang iyong anak ng pribado lamang. Pero kung maaari ang pinakamagandang gawin ay gawing pribado ang lahat.

Mayroon ugali ang mga bata na idamay ang isa sa isang gulo, at hindi ito maiiwasan. Pero bilang magulang kung nais natin silang pagsabihan ay hindi dapat sa harap ng ibang tao. Lalo na sa harap ng kanilang kapatid o mga kapatid.

Sapagkat ang mga insidenteng ganito ay magdudulot nagpagpapahiya sa iyong anak. Nakakapagdulot din ito ng galit at sama ng loob sa kanila.

Kung wala mang kwarto na pwede kayong mag-usap, marahil sa tabi na wala masyadong tao o dumadaan ay pwede na, basta sapat na kayong dalawa ang mag-uusap one-on-one. Importante rin na maramdaman ng mga anak na nirerespeto din sila at pinapakinggan.

12. Mag-usap kayo bilang isang pamilya

Larawan mula sa iStock

Marahil na dapat makita ng mga magkakapatid na isa silang team. Kailangan din nilang malaman na kabilang sila sa mas malaki pang team, ang inyong pamilya.

Ang mga mas nakakatandang mga kapatid ay marahil magbenepisyo sa mga family meetings lalo na kung mga teenager na ang mga ito.

Bigyan ng konsiderasyon ang pagsche-schedule ng mga weekly meetings. Marahil itanong sa bawat isa kung kumusta na sila, ano ang mga maganda at hindi magandang nangyayari.

Ito nagsisilbi kasing oportunidad na makapagbigay ng mga compliments sa bawat isa o ‘di kaya naman makakuha ng mga opinyon tungkol sa kung ano man ang nangyayari sa bawat isa.

13. Bigyan pansin din ang mga positibong ginagawa ng anak

Madalas ang mga magulang ang mga negatibo o ang mga kamalian lamang ng anak ang nakikita nito. Marahil maganda rin kung titingnan din ang mga positibo o magandang nagagawa ng mga anak.

Ang pagbibigay pansin sa mga positibong nagagawa ng bawat isa ay susi din sa magandang relasyon ng bawat kapatid. Maganda rin kung bibigyan ng mga reward ang mga anak kahit sa simpleng pagbabakabait lang nila kapag nasa labas.

Basta siguraduhin na bigyang pansin ang mga positibong pag-uugali ng mga ito at mag-offer ng reward kung kinakailangan. Ang reward naman hindi naman kailangan enggrande, kahit simple bibilhan mo siya ng paborito niyang pagkain ay reward na iyon.

 

Source:

Reader’s Digest, Psychology Today, Healthline