Paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan? Tila mahirap gawin pero para sa isang batang tulad ni Jerick Caminero mula sa Argao, Cebu, ito ay maipapakita sa simpleng paraan.
Sino nga ba si Jerick at paano niya ipinakita ang pagmamahal sa bayan?
Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan
Si Jerick ay isang Grade 1 student mula sa Bogo Elementary School na gumising sa makabayang puso ng mga netizens ng kumalat ang larawan nito sa social media habang nakatayo at nakalagay ang kanang kamay sa kaniyang kaliwang dibdib.
Ito ay tanda ng kaniyang pagrespeto sa pambansang awit ng Pilipinas na kasalukuyang tumutugtog nang makunan ang kaniyang litrato.
Larawan ng pagmamahal sa bayan mula sa Facebook page ng RMFB SEVEN
Ayon sa photo uploader na si Glynis Amazona, nakasakay siya sa bus at papasok diumano sa kaniyang trabaho nang matigil ang sinasakyan niyang bus sa kinatatayuan ni Jerick. Agad niyang inupload ito sa kaniyang Facebook account na kung saan sinabi niya na isa siyang inspirasyon at sana lahat ay maging tulad niya.
Ang post na ito ni Glynis ay umani ng comments at ishinare ng mga netizens na natouch sa simpleng gawing ito ni Jerick.
Sa ngayon ay may lagpas na itong 5,000 shares at nag-simula ng maifeature sa pambansang pahayagan gaya ng Philippine Daily Inquirer.
Sa isang interview ng Inquirer kay Amazona ay ikinuwento nito na ang tagpo kung saan nakunan niya ng litrato ang 9 years old na si Jerick Caminero bandang alas-siyete ng umaga nitong February 12.
Tumigil daw ito sa paglalakad at inilagay ang kanang kamay agad sa kaniyang kaliwang dibdib ng marinig na tumugtog ang Philippine National Anthem sa kanilang flag ceremony.
Dagdag ni Amazona ay tila nahiya ito ng makitang maraming sasakyan ang huminto sa harap niya pero hindi ito nagpatinag sa kaniyang hiya at nanatili sa kaniyang puwesto hanggang matapos ang kanta.
Naawa din daw si Amazona kay Jerick na naka-tsinelas lang at hindi naka-uniform ng araw na iyon.
Ngunit sa kabila ng kalagayan nito ay pinakita nito kung paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagbigay galang nito sa pambansang awit ng Pilipinas—hindi tulad ng ibang estudyante na nakauniporme na hindi man lamang huminto habang tumutugtog ang pambansang awit.
Larawan ng pagmamahal sa bayan mula sa Freepik
Na-inspire nga ang mga netizen sa post na ito ni Amazona. At patuloy na ishine-share ito sa social media na may kaniya-kaniya ring comment sa litrato ni Jerick.
“A young hero of the modern-day. SALUTE!”
“A child worthy of every education you students on rally is asking of. A patriot child. A true Filipino. This is a perfect example of a good citizen of the Philippines. I hope every Filipino is like you little one. The flag will wave higher for people like you. Mabuhay ang Pilipinas!”
“Salute to this kid. Eto gawin nyo mga kambalan ko everytime na may flag raising ceremony kayo madadaanan. Stop what you do and sing our national anthem. Alam ko konti na lng gumagawa nito pero that doesnt mean na di na dapat gawin.”#raiseyourflag
“Such a patriotic! kids plss emulate this child.” ❤
“Some heroes don’t wear capes. Some simply respect the flag.”
“During the 80s, students and people from all walks of life were so respectful of our flag. Now, it’s seldom to see people even students to see honoring our flag during flag ceremony and flag retreat.”
Dahil sa patriotic act o makabayang gawi na ito ni Jerick ay maraming Pilipino ang na-inspire sa kaniyang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
Isa na nga rito ay ang Regional Mobile Force Battalion o RMFB 7 ng Cebu. Na inimbitahan siya ngayong araw upang umattend ng kanilang Monday flag raising ceremony.
Binigyan din siya ng grupo sa pamumuno nito Force Commander Police Supt Hector Grijaldo ng mga regalo at groceries para sa kaniyang pamilya.
Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan?
Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan ay ang simpleng pagbibigay respeto sa watawat. At pambansang awit na sumasagisag rito gaya ng ginawa ni Jerick Caminero.
Ito ay nakasaad sa batas ng Pilipinas na makikita sa Section 21 ng Republic Act 8491. Kilala rin sa tawag na The Flag and Heraldic Code of the Philippines. Ayon sa batas ay dapat gawin ang sumusunod:
- Ang sinumang Pilipino na makakarinig ng pagtugtog ng Pambansang awit ng Pilipinas mula sa unang nota nito ay dapat tumigil o huminto sa kung ano man kaniyang ginagawa. At dapat ilagay ang kaniyang kanang kamay sa kaliwa niyang dibdib bilang pagbibigay respeto sa pambansang awit ng Pilipinas.
- Ang sinumang Pilipino na lumabag sa batas na ito ay maaring magmulta ng hindi bababa sa P5,000 at hindi tataas sa P20,000. Na maari ring humantong sa pagkabilanggo na hindi naman lalagpas sa isang taon.
Sana nga ay maging inspirasyon si Jerick sa lahat ng mga Pilipino. Lalo na sa mga tulad niyang kabataan na pag-asa ng ating bayan.
Bukod sa pagbibigay pugay sa watawat at pambansang awit ng Pilipinas narito pa ang ilang maaaring gawin upang maipakita ang pagmamahal sa bayan.
Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa simpleng paraan?
- Maglinis ng kapaligiran at itapon ang mga basura sa tamang tapunan. Bahagi ng pagmamahal sa bayan ang pag-iingat sa mga likas yaman. Ang mga likas na yaman na ito ay mapupuno ng polusyon kung hindi natin pananatilihing malinis ang paligid.
- Makiisa sa mga mabubuting programa ng pamahalaan sa inyong komunidad.
- Maging bukas ang isipan at makitungo nang maayos sa kapwa. Tandaan na ang pagmamahal sa bayan ay nangangahulugan din ng pagmamahal sa kapwa mamamayan. Subukang unawain ang bawat isa at maging mabuti sa kapwa.
- Aralin at isabuhay ang mga aral mula sa mga bayani ng bayan.
- Maging mabuting halimbawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na nakabubuti sa bayan.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Basahin: 9-year-old, pinagsasabay ang pag-aaral ng Grade 4 at College
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!