10-day-old baby patay pagkatapos madaganan ng unan habang natutulog

Mga mommy at daddy! Mahalagang malaman ang Sudden Infant Death Syndrome. Ano nga ba ang sanhi nito at paano maiwasan ang SIDS?

Sa mga hindi inaasahang pagkakataon, kadalasang dito talaga nangyayari ang mga pangyayaring babaunin nating aral sa buhay. Kaya kailangan ng dobleng pag-iingat sa bawat agos ng buhay. Isang sanggol ang namatay pagkatapos nitong matabunan ng unan sa mukha. Isinugod pa ito sa ospital ngunit dineklara na rin itong dead on arrival. Ano at paano nga ba maiwasan ang SIDS?

10-day-old baby patay pagkatapos madaganan ng unan habang natutulog

Mga mommy, bantayan ng maigi ang inyong mga anak dahil maaari itong madisgrasya nang hindi natin namamalayan!

Agad na binawian ng buhay ang isang 10-day old na si Baby Jane nang matabunan ang mukha nito ng unan habang natutulog sa Brgy. San Jose Del Monte, Quezon City.

Ayon kay Dana Kathrene, nanay ni baby Jane, iniwan niya saglit sa kwarto ang kanyang anak upang bumili lamang ng gatas para sa kanyang baby. Laking gulat na lamang niya nang nakatabon na ang unan nila sa mukha ni Baby Jane.

Saka na lamang niya ito nalamang wala nang buhay ng inalis niya ang nakatabong unan sa mukha. Nangingitim na ang mukha ng bata at hindi na rin humihinga.

Isinugod pa sa ospital si Baby Jane ngunit sa kasawiang palad ito ay dineklarang dead on arrival.

Desisyon na rin ng magulang na hindi na ito iimbestigahan dahil ito ay aksidenteng maituturing.

Sudden Infant Death Syndrome

Ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS ay maaaring mangyari sa lahat ng sanggol. Lalo na kung walang sapat na pag-aalaga ang magulang na pinapakita sa kanilang anak. Ngunit may iba ring pagkakataon na kahit anong alaga ng isang magulang sa kanilang anak ay nagkakaroon pa rin ito ng SIDS.

Ayon sa pag-aaral noong 2010, tumaas ng halos 33% ang bilang ng mga namamatay na sanggol kapag sumasapit ang Bagong Taon.

Ang tinuturong dahilan nito ay ang labis na pag-inom ng mga magulang o tagapag-alaga ng sanggol. Nababawasan kasi ang oras ng mga magulang na mag-alaga sa kanilang mga anak dahil naka focus sila sa ibang bagay. Nakakalimutan nila ang tamang pag-intindi sa kanilang mga anak dahilan katulad na lamang sa tamang paghahawak ng sanggol. Kadalasan na hindi nakakahinga ang mga ito kung nakadapa o nakatagilid ang pwesto nila.

Image from Dakota Corbin on Unplash

Dahilan ng SIDS

Sensitibo ang mga sanggol kaya mahalagang malaman ng bawat magulang ang tamang pag-aalaga sa kanila upang makaiwas na rin sa disgrasya. Walang nakakapagsabi kung ano ba talaga ang tunay na dahilan sa likod ng Sudden Infant Death Syndrome. Ngunit, kadalasan, ang mga sanggol na nakakaranas nito ay bigla na lang humihinto ang paghinga.

Ang ilang sanhi nito ay:

  • Pre-mature baby
  • Ang mga magulang ng sanggol ay naninigarilyo, umiinom ng alak o gumagamit ng illegal drugs habang nagbubuntis
  • Mga sanggol na hindi nakakatanggap ng maayos na pre-natal check-up.
  • Underweight o kulang sa timbang ang isang sanggol nang ipinanganak ito.
  • Kapag ang inyong sanggol ay lantad sa ilang nakakabalisang bagay (gaya ng nakadapa matulog o sobrang lambot ng higaan)

Paano maiwasan ang SIDS

1. Maayos na ihiga ang sanggol

Ang tamang paghiga ng sanggol ay napaka importateng bagay upang maiwasan ang SIDS.

Dapat tandaan ng mga magulang na kung ihihiga ang isang sanggol ay dapat nakalapat ang likod nito sa kama. At iwasan ang sleeping position ng baby kapag matutulog na nakatagilid at nakadapa. Mahihirapan kasi ang isang sanggol na huminga sa gamitong posisyon,

2. Pumili ng maayos na higaan

Para sa higaan ng sanggol marapat lang na pumili ng matibay na kutson at maayos na sapin sa higaan. Pagdating naman sa kumot, pumili ng tela na mahimulmol o fluffy hangga’t maari.

Image from Caesar Aldhela on Unsplash

Ang mga unan o laruan ay dapat wala sa paligid ni baby. Maaari kasi itong maging sanhi pagbabara ng daluyan ng hangin habang tulog ang inyong anak.

3. Alisin ang mga Bumper Pads

Ang pinakamahalaga, iwasang gumamit ng mga bumper pads. Sa pag-iwas dito nababawasan ang panganib na baka masakal o makulob ang iyong anak sa kuna, malayang makakadaloy ang hangin sa loob nito at maari mo pang makita ng walang sagabal ang iyong anak sa loob ng kuna.

4. Ugaliin na matulog kasama ang anak

Sanayin ang sarili na matulog sa kama kasama ang anak. Sa paraang ito, mababantayan mo ang iyong anak kahit na ito ay tulog.

Image from Kevin Liang on Unsplash

Siguraduhin lang na tama ang espasyo ng inyong higaan at hindi mo madadaganan ang anak mo. Kung uugaliin ng bawat magulang ito, makakatulong ito sa pagiging malapit ng bawat miyembro ng pamilya sa isa’t-isa.

Basahin ang kumpletong detalye tungkol sa SIDS: Ang mga dapat malaman tungkol sa Sudden Infant Death Syndrome

 

Source: Philstar

BASAHIN: 9-buwan baby patay matapos masakal sa kumot

Sinulat ni

Mach Marciano