X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sinusubukang makabuo? Makakatulong ang 9 tips na ito

5 min read

Kapag nagdesisyon na gusto nang magka-anak, maaaring maging stressful ang pagsubok na mabuntis. Pabutihin ang iyong fertility sa ilang pagbabago sa lifestyle, maging bago o pagtanggal ng ilang nakagawian. Matutulungan ka nito sa kung paano makabuo ng baby.

Ang genetics at swerte ay maaaring may papel din. Ngunit marami ring ibang bagay sa iyong kontrol ang pumipigil sa iyong tsansang makabuo. Ito ang 9 na bagay na dapat bantayan para ma-maximize ang posibilidad na mabuntis!

Paano makaubo ng baby? Sundin ang mga tips na ito

1. Tumigil sa paninigarilyo

paano makabuo ng baby

Image source: iStock

Siguradong alam mo na ang panganib ng paninigarilyo kaya hindi na kita kukulitin tungkol sa dulot na health issues nito. Sa halip, tutukan natin kung paano nito naaapektuhan ang tsansang makabuo ng baby.

Ang pagtigil sa paninigarilyo ay nakakabenepisyo sa babae at lalaki! Sa babae, napapababa ng paninigarilyo ang pagiging mapagtanggap ng iyong uterus sa egg. Sa mga lalaki, napapababa ng paninigarilyo ang sperm count at nakakapinsala sa DNA. Dagdag pa dito, ang mga kababaihang naninigarilyo ay nasa 2 taon na masmaagang nagme-menopause kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ito ay malinaw na indikasyon kung paano napipinsala ng paninigarilyo ang iyong reproductive system.

2. Itigil ang pag-inom ng kape at alcohol

paano makabuo ng baby

Image source: iStock

Ang parehong inumin na ito ay dapar iwasan para sa maximum fertility. Sa isang pag-aaral ng The Fertility Society of Australia, napag-alaman ng mga mananaliksik na “Ang mga babaeng umiinom nang wala pang isang tasa ng kape ay doble ang tsansang mabuntis bawat cycle, habang ang mga moderate coffee drinkers at ang tsansang hindi makabuo ay tumataas kasabay ng pagdami ng naiinom.”

Kaya kung iniisip mo kung paano makabuo ng baby ng mas mabilis, mahalagang umiwas sa pag-inom ng kape.

Kahit pa aminado ang pagsusuri na kaunti pa lamang ang ebidensya na ang pag-inom ng alcohol ay nakakasama sa sumubok makabuo, napag-alaman ng mga eksperto na ang pag-inom ng alcohol ay nakaka-pagpababa sa fertility ng mga lalaki. Ayon sa pag-aaral, “Sa mga lalaki [ang pag-inom ng alcohol] ay nagdudulot ng impotence, pagbaba ng libido, at nakaka-apekto sa kalidad ng sperm.”

3. Matutong mag destress

paano makabuo ng baby

Image source: iStock

Ang stress ang ugat ng maraming prublema sa kalusugan. Bagaman walang malinaw at direktang ugnayan ang stress at infertility, may isinasagawang pagsusuri para makita ang relasyon ng dalawa. Maraming mga duktor ang naniniwalang ang stress, lalo na ang mga talagang pinipilit makabuo, ang dahilan ng nasa 1/3 ng problema sa infertility.

Ang direktor ng Shore Institure for Reproductive Medicine sa Lakewood, N.J. na si Alex Morgan, MD ay nagsabing kaunti pa lamang ang alam ng mga duktor sa ugnayan ng dalawa. Subalit, “Ang alam [ng mga eksperto] ngayon ay kung gumamit ng stress-reduction techniques, may nangyayari sa ibang kababaihan na nabubuntis sila kahit hindi makabuo nung una.”

4. Uminom ng multivitamins at supplements

Okay, ang pag-inom ng multivitamin ay maaaring hindi “organic” na solusyon sa infertility. Ngunit, ang pag-inom ng multivitamin o prenatal supplement ay nakakatulong sa overall fertility. Ang supplements na may folate/folic acid ay nakakatulong sa tsansang makabuo, mga mommy!

5. Bantayan ang iyong timbang

paano makabuo ng baby

Image source: iStock

Sa isang pag-aaral na ipinublish sa British Medical Journal, natagpuan na ang mga sobrang payat at obese (BMI >38) na babae ay masmababa ang conception rates. Kaya, ang kailangan ang healthy eating at pag-eehersisyo nang mapanatili ito hanggang sa pagbubuntis.

Ang pinakamabisang paraan para malaman ang tamang timbang ay ang pagkuha ng iyong BMI (Body Mass Index). Kung curious sa iyong BMI, mag click dito para mapuntahan ang Australian Government’s BMI calculator at healthy weight infotmation page.

6. Kumain na tila buntis: malinis at masustansiya

Kung gumagawa ng magandang lulugaran ng iyong anak, mabuting magsumulang kumain na tila buntis na. Para gawin ito, maaaring kumain ng mayaman sa whole grains. Dagdagan din ang pagkain ng prutas at gulay. Kumain din ng mga mayaman sa omega-3 fatty acids, na components sa lahat ng cell membranes. Isa sa mga pagkain na mayaman dito, para sa mga fans ng seafood, ay ang salmon. Kung nais pabutihin ang pagkain ng omega-3, maganda paraan ang Mediterranean Diet.

Siguraduhin din na nakakakuha ng sapat na sustansya sa mga kinakain! Ang pagkain ng sapat na protein, iron, zinc, at madaming vitamins ay nagreregulate ng menstrual cycle at nagpapababa ng panganib na makunan.

7. Bantayan ang kinakain

paano makabuo ng baby

Image source: iStock

Kahit pa masmadali at masmura ang pagbili ng prutas at gulay mula sa malapit na tindahan, maaaring masmarami itong pesticides. Ang mga kemikal na ito ay nagpapababa ng fertility ng lalaki na nakaka-apekto sa tsansa mo na mabuntis. Makakabuting lumipat sa organic na prutas at gulay para mapababa ang panganib ng pesticides.

8. I-track ang iyong cycle

paano makabuo ng baby

Image source: iStock

Ang pakikipagtalik isang araw bago mag-ovulate ay nakakapagpataas ng tsansang makabuo. Karaniwan itong nangyayari 2 lingo o 14 araw matapos ang una o huling araw ng iyong period.

Ang pag-alam sa iyong menstrual cycle ay makatutulong na malaman mo ang tamang panahon para makipagtalik.

Partner Stories
Postpartum Hair Loss: 5 Most Effective Tips To Restore Your Luscious Locks
Postpartum Hair Loss: 5 Most Effective Tips To Restore Your Luscious Locks
Drinking Milk During Pregnancy: Is It Really Necessary?
Drinking Milk During Pregnancy: Is It Really Necessary?
Meals and Snacks Perfect for the Third Trimester
Meals and Snacks Perfect for the Third Trimester
Mommy Meals: A Comprehensive Meal Plan for a Healthy Pregnancy
Mommy Meals: A Comprehensive Meal Plan for a Healthy Pregnancy

Maaari kang mag-download ng app upang makatulong maintindihan ang cycle kung hindi sigurado. Maaari rin i-track ang iyong Basal Body Temperature (BBT) gamit ang thermometer.

9. Gumamit ng tamang lubricant

Hindi ka mabubuntis nang hindi nakikipagtalik. Subalit, kung nakikipagtalik para mabuntis, maaaring maging pabigat ito kaysa maging masaya. Maaaring nasa mood ka, ngunit pakiramdam ay kailangan itong gawin dahil sa fertile window. Maraming couple ang gumagamit ng lubricant para makatulong. Subalit, hindi lahat ng lubricant ay sperm-friendly. Piliin ang may label na “fertility friendly” para hindi mapababa ang sperm count ng lalaki.

Ngayong alam mo na kung anong products ang maaaring nagpapababa ng tsansang makabuo, pabutihin ang iyong fertility at gumawa ng ilang pagbabago sa lifestyle. Hindi kami makapag-antay na marinig ang magandang balita!

Basahin: 5 Everyday activities that can harm your fertility

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

ddc-calendar
Get ready for the baby’s arrival by adding your due date.
OR
Calculate your due date
img
Written by

Camille Alipio-Luzande

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Trying to Conceive
  • /
  • Sinusubukang makabuo? Makakatulong ang 9 tips na ito
Share:
  • STUDY: Mas madalang makabuo ng lalaki kapag high fat ang diet

    STUDY: Mas madalang makabuo ng lalaki kapag high fat ang diet

  • 10 nakakahiyang tanong tungkol sa pagbuo ng baby

    10 nakakahiyang tanong tungkol sa pagbuo ng baby

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • STUDY: Mas madalang makabuo ng lalaki kapag high fat ang diet

    STUDY: Mas madalang makabuo ng lalaki kapag high fat ang diet

  • 10 nakakahiyang tanong tungkol sa pagbuo ng baby

    10 nakakahiyang tanong tungkol sa pagbuo ng baby

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pagbubuntis.