7 paraan para makaiwas sa dengue

7 paraan para makaiwas sa dengue

Narito ang mga paraan na maaring gawin para makaiwas sa dengue.

Paano makakaiwas sa dengue? Iyan ang madalas na tinatanong ng karamihan sa atin ngayon. Lalo na ng mga magulang na may maliliit na anak. Ano nga ba ang maaring gawin para maiwasan ang sakit na ito at hindi maging biktima ng mga kumplikasyong dulot nito?

National dengue alert sa Pilipinas

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa Pilipinas ay nagdeklara ng national dengue alert ang Department of Health o DOH.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, mula January 1 to June 29, 2019, naitala ang 106,630 kaso ng dengue sa buong bansa. Ito ay katumbas ang 85% na pagtaas mula sa naitalang 57,564 na mga kaso noong nakaraang taon.

Ang mga rehiyon na kung saan naitala ang pinakamataas na kaso ang dengue ay ang Western Visayas na nangunguna sa bilang na 13,164. Sinundan ng Calabarzon ng 11,474 cases, Central Visayas na may 9,199 cases, Soccsksargen na mayroong 9,107 cases at Northern Mindanao na may 8,739 cases.

Kaya naman mahigpit na paalala ng DOH ay maging maingat at dapat alamin ng lahat kung paano makakaiwas sa dengue at sa mga kumplikasyon nito sa ating kalusugan. Lalo pa’t sa ngayon ay walang bakuna o specific na gamot ang maaring gawing lunas dito.

Pero paano nga ba makakaiwas sa dengue? Anu-ano nga ba ang mga paraan na maaring gawin.

Paano makakaiwas sa dengue
paano makakaiwas sa dengue

Image from Freepik

Ayon sa CDC o Center for Disease Control and Prevention, ang numero unong paraan para makaiwas sa dengue ay umiwas sa kagat ng mga lamok na nagdadala ng sakit na ito.

Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

1. Gumamit ng insect repellent

Ayon sa Environmental Protection Agency o EPA ay dapat gumamit ng mga registered insect repellent na safe at effective. Hindi lang para sa mga bata kung hindi pati narin sa mga buntis at breastfeeding mommies.

Ang mga insect repellent ay maaring mai-apply sa balat tulad ng lotion o kaya naman ay mai-spray sa kapaligiran na kilala sa tawag na insect repellent sprays.

Para mas siguradong protektado laban sa dengue, sa pagpili ng insect repellent ay dapat tingnan kung nagtataglay ito ng sumusunod na active ingredients. Mas mataas na percentage na taglay ng insect repellent mas matagal ang proteksyon laban sa mga lamok.

  • DEET
  • Picaridin o KBR 3023 at icaridin
  • IR3535
  • Oil of lemon eucalyptus (OLE) o para-menthane- diol (PMD)
  • 2-undecanone

Sa pag-a-apply ng insect repellent ay kailangang tandaan ang mga sumusunod na tips at paalala:

  • Laging sundin ang nakasaad na label instructions sa gagamiting insect repellent
  • Kung gagamit ng sunscreen, unahin muna itong i-apply sa balat bago ang insect repellent.
  • Huwag gumamit ng insect repellent sa mga sanggol na 2-months old pababa.
  • Iwasang mai-apply ang insect repellent sa mata, kamay, bibig o irritated skin ng isang bata.
  • Huwag gumamit ng mga insect repellent na may taglay na oil of lemon eucalyptus (OLE) o para-menthane-diol (PMD) sa mga batang 3 years old pababa.
2. Gumamit ng cover mula sa lamok tulad ng kulambo, lalo na sa mga baby.
3. Mag-suot ng pantalon at long-sleeves jacket lalo na kung lalabas ng bahay.
4. Para sa dagdag na proteksyon ay gumamit ng insecticide na permethrin sa mga gamit sa katawan tulad ng sapatos, pantalon, medyas at iba pa. O kaya naman ay bumili ng permethrin-clothing at gears.

Ngunit tandaan na hindi dapat i-apply ang permethrin products sa iyong balat, kung hindi sa mga surfaces o gamit lang na maaring dapuan ng mga lamok.

5. Maglagay ng screen sa mga bintana at pintuan ng bahay. O i-repair ang mga butas sa screens ng inyong bahay para hindi makapasok ang mga lamok.
6. Gumamit ng aircon kung mayroon. Dahil pinatutuyo nito ang hangin sa paligid na hindi gusto ng mga lamok.
7. Maglinis sa inyong kapaligiran.

Tanggalin ang mga maaring pamahayan ng lamok tulad ng imbakan ng tubig, mga gulong, pools, laruan at kahit ano pang puwedeng pag-ipunan ng tubig. Dahil gustong-gusto ng mga lamok ang basang lugar na kung saan sila nangitngitlog.

 

Source: Inquirer News, Center for Disease Control and Prevention
Photo: Freepik

Basahin: Dengue: May gamot ba para sa nakamamatay na sakit na ito?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner