13 tips kung paano makakatipid sa kuryente sa inyong bahay

Nako, dahil sa init ng panahon, talagang dapat naka-todo ang mga electric fan at aircon sa bahay. Kaso, kailangan din nating magtipid ng kuryente! Alamin dito kung paano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano makatipid sa kuryente lalo na ngayong summer? Narito ang mga paraan na dapat mong gawin.

Sa artikulong ito ay malalaman ang mga sumusunod:

  • Paano makatipid sa kuryente ngayong mainit na panahon.
  • Paano makakatulong ang pagtitipid ng kuryente sayong pamilya at sa inyong kapaligiran.
  • Benepisyo ng pagtitipid ng kuryente.

Teaching kids to save money: Practical tips from real parents

Mas tipid nga ba kapag gumamit ng induction cooker kaysa gas stove?

Tipid tips: 10 paraan para maka-menos sa grocery bill

13 Tips kung paano makatipid sa kuryente sa inyong bahay

Pataas nang pataas ang bayad sa kuryente nating mga Pilipino habang tumatagal. Ito ay dahil mas dumadami ang pangangailangan natin dito habang dumadami ang gamit natin sa habay. Sa pamamagitan kasi ng kuryente at mga appliances na pinagagamitan nito ay gumagaan ang ating buhay. Lalo na ngayong tag-init na mahalaga ang ginagampanang papel ng kuryente para panatilihing maaliwas ang ating pakiramdam.

Partikular na sa Maynila na dikit-dikit na ang kabahayan at bihira kang makaramdam na ng presko at sariwang hangin na iyong kailangan. Ang epekto nito, mas gusto nating tumutok sa electric fan o magbabad sa loob ng de-aircon nating mga kuwarto. Kinalaunan, ito naman ang magiging dahilan para bumulusok pataas ang bill ng kuryente mo.

Pero may magagawa naman paraan para ma-kontrol o paano makatipid sa kuryente lalo na ngayong mainit ang panahon. Ang mga paraan na ito ay ang sumusunod na makakatulong ng malaki sa finances o gastos ng pamilya ninyo.

Food photo created by jcomp – www.freepik.com 

1. Uminom ng maraming tubig.

Minsan, malamig na tubig lang talaga ang kailangan mo para hindi ka mainitan. Kadalasan kasi, kahit nakatutok na sa’yo ang electric fan, eh hindi talaga lumalamig ang pakiramdam mo kasi ‘yong loob ng katawan mo ang naiinitan. Kaya naman napakalaking tulong ng pag-inom ng tubig sa kung paano makatipid sa kuryente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalaga din na laging uminom ng tubig ngayong summer upang makaiwas sa heat stroke. Kaya siguraduhin na lagi kang hydrated at ang iyong buong pamilya.

2. Dalasan ang paliligo.

Ang mga Pilipino talaga, mahilig maligo. Kahit pupunta lang sa tindahan sa kanto, minsan gusto natin na lagi tayong presko at bagong ligo.

Kaya kung pakiramdam niyo na naiinitan kayo, sa halip na buksan ang aircon, o itutok lahat ng electric fan sa bahay, bakit hindi niyo subukan na maligo? Minsan kailangan lang talaga nating maligo para maging presko at maging malamig ang pakiramdam.

Maganda din kung gumagamit kayo ng menthol na shampoo o sabon, para lalong mas malamig sa pakiramdam. Pero syempre, kailangan ring magdahan-dahan sa paggamit ng tubig. Dahil baka mataas na water bill naman ang sunod na problemahin mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa paliligo, ay mainam na paraan rin ang pagpupunas ng katawan gamit ang basang bimpo. Nagbibigay din nito ng preskong pakiramdam effect sayo.

3. Siguraduhing palaging malinis ang mga aircon at electric fan.

Kapag naiipon ang dumi at alikabok sa mga aircon o electric fan sa bahay, mas madaming kuryente ang nakokonsumo ng mga appliances na ito. Kasi bumabara ang dumi at alikabok at ito ay nagpapahina ng hangin na lumalabas.

Kaya ngayon pa lang, siguraduhin niyo na malinis ang mga electric fan at mga aircon ninyo, para mas efficient at mas tipid sa kuryente! Nakakatulong rin ito para makaiwas sa alikabok na maaring makasama sa inyong kalusugan lalo na kung mayroong may ashtma sa pamilya ninyo.

4. Lumabas ng bahay!

Dahil summer na, at wala nang pasok ang mga chikiting, maganda din yung minsan lumalabas-labas kayo ng bahay. Isa ito sa pinakamainam na paraan ng pagtitipid ng kuryente. Hindi naman kailangan na magpunta kayo sa mall at gumastos, yung simpleng lalabas lang kayo, at maglalakad papunta sa park, o kaya isama niyo yung mga kids pagpunta sa supermarket para mag-grocery.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maganda din itong bonding experience kasi magkakaroon kayo ng oras na makasama ang mga anak ninyo. Tandaan lang sa panahon ngayon na may kumakalat na sakit ay mas maging maingat. Mag-suot ng mask kung makikihalubilo sa ibang tao. At higit sa lahat, panatiling malusog ang pangangatawan. Kumain ng masustansyang pagkain, uminom ng bitamina at matulog sa sapat na oras na kailangan mo!

5. Buksan ang mga bintana.

Sobrang init ba sa bahay ninyo palagi? Baka naman laging nakasara ang mga bintana ng bahay niyo. Maganda din yung hinahayaan natin na pumasok ang preskong hangin para hindi puro hangin ng electric fan at aircon ang nasasagap natin.

Syempre, wag niyong bubuksan ang bintana kapag naka-aircon kayo. Dahil sayang ang lamig mula rito.

Frame photo created by gpointstudio – www.freepik.com 

6. Wag masyadong lakasan ang aircon.

Minsan, hindi naman natin kailangan na naka todo palagi ang aircon. Kahit yung “low” setting, sakto na para hindi mainit sa bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya importante din na wag palaging nakatodo ang mga electric fan at aircon. Kasi mahirap din yung galing sa sobrang init, papunta sa sobrang lamig. Posibleng magkasakit ang ating mga kids kapag nabibigla yung katawan nila sa pagpalit ng temperatura. Dito na sila maaring magkasipon o kaya naman ay lagnatin. Bagamat hindi naman seryoso, mas mabuti ng makasigurado.

Tandaan, ang importante, dapat laging sakto lang. Hindi sobra, hindi kulang. Pagdating sa pagtitipid ng kuryente, disiplina rin ay kailangan.

7. Patayin ang mga ilaw na hindi ginagamit.

Sa araw kung hindi naman kinakailangan ay huwag gumamit ng ilaw at payatin ang mga ito. Dahil sa bawat dalawang 100-watt na incandescent bulbs na nanatiling patay ng dagdag na dalawang oras sa isang araw ay paraan upang makatipid ng higit sa P700 sa isang taon. Mas mainam rin ang paggamit ng LED lights na mas hindi umiinit at nangangailangan ng malakas na kuryente.

8. Imbis na gumamit ng ilaw sa araw ay gumamit ng natural light.

Kung hindi naman kadiliman ang inyong bahay ay mas mabuting gumamit ng natural light sa araw. Maliban sa nakakatipid ito ng kuryente ay nababawasan rin nito ang init o alinsangan sa loob ng bahay.

Kung may kailangang gawin sa gabi ay mas mabuting gumamit ng table lamps, track lighting at under-counter lights kaysa sa mga ceiling lights.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

9. Tanggalin sa saksak ang hindi ginagamit na mga appliances.

Ang standby power ay responsable sa 10% ng average annual electricity bill ng isang bahay. Kaya mas mainam kung tatanggalin ang mga appliances na nakakasaksak ngunit hindi naman ginagamit upang makatipid. Kung may anak na maliliit pa, paraan rin ito para maiwasan nilang mapaglaruan ang mga appliances sa inyong bahay na hindi mo namamalayan. Pero dapat ay siguraduhin rin na ang mga saksakan sa inyong bahay ay child-proof o hindi basta-basta masasaksakan ng iyonga anak. Ito ay para hindi lamang makatipid sa kuryente, kung hindi para narin sa kaniyang kaligtasan.

10. Patayin ang air conditioner o electric fan kung aalis ng bahay o sa tuwing malamig ang panahon.

Ang air conditioner at electrican fan ang dalawa sa mga appliances sa bahay na malakas na kumain ng kuryente. Kaya mas mainam na patayin ang mga ito sa mga oras na hindi naman kailangan upang makatipid. Lalo na kung aalis ng bahay o kaya naman malamig na ang panahon tulad nalang sa tuwing umuulan. Sa pagtitipid ng kuryente, ang nasabing dalawang appliances ang nangunguna sa mga dapat ninyong bantayan.

Man photo created by shayne_ch13 – www.freepik.com 

11. Panatilihin na nasa ideal temperature lang ang iyong refrigerator at freezer.

Ang ideal temperature ng refrigerator ay 2°C and 3°C. Habang ang freezer naman ay -18°C. Hindi kailangang lakasan ng todo ang mga ito. Dahil kahit nasa pinaka-mababang level ay gumagana o nag-fufunction parin naman ang ref at freezer ninyo.

12. Palitan na ang mga lumang appliances.

Maraming mga bagong appliances ngayon ang may mga energy-saving functions na the best sa pagtitipid ng kuryente. Kaya naman makakatulong kung papalitan na ang mga lumang appliances ng mga ito. Tulad ng desktop computer at old box TV. Pero kung walang budget pamalit ay mas mabuting limitahan o kaya naman patayin ang mga ito kung hindi naman ginagamit.

13. Gumamit ng mga solar panels para makatipid sa kuryente.

Syempre, ang pinaka-magandang paraan kung paano makatipid sa kuryente sa ngayon ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga solar panels. Dahil sa pamamagitan ng solar panels ay nakakagawa ka ng sarili mong source ng kuryente sa loob ng inyong bahay. Hindi ka nga lang nakakatipid sa kuryente, nakakabawas ka rin sa polusyon. Dahil imbis na gumamit ng coal para magkaroon ng kuryente ay gumagamit ka ng natural heat at light na mula sa araw.

Samantala, ang laki ng matitipid mo sa kuryente ay depende sa laki ng solar panels na iyong gagamitin. Mas malaki, mas maraming energy ang iyong maiimbak at magagamit sa inyong bahay.

Benepisyo ng pagtitipid ng kuryente

Dapat ding isaisip na sa pagtitipid ng kuryente ay hindi ka lang basta nakakabawas ng iyong gastos sa bahay. May mga benepisyo rin ito sa kalusugan at kaligtasan ng iyong pamilya. Ilan nga sa mga benepisyo ng pagtitipid ng kuryente ay ang sumusunod:

1. Environmental conservation

Sa pamamagitan ng pagtitipid ng kuryente ay nakakatulong kang ma-reduce ang carbon footprint ng mundo. Sa pamamagitan nito ay nababawasan ang epekto ng climate change. Pati na ang extreme weather conditions at pagtaas ng tubig sa dagat.

2. Nababawasan ang air pollution

Sa pagtitipid ng kuryente ay nakakatulong ka ring mabawasan ang air pollution. Dahil mababawasan rin ang kailangang sunugin na fossil fuels ng mga power plants para makapagproduce ng kuryente. Mas mababang emissions sa mga power plants mas magandang air quality para sa ating lahat.

3. Energy security

Sa pagtitipid mo ng kuryente ngayon ay tumutulong ka ring magkaroon tayo ng reserba pagdating ng panahon. Hindi natin tantyado ang mga susunod na mangyayari. Kaya naman tulad ng tubig dapat matuto rin tayong magtipid ng kuryente.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga benepisyo na maidudulot ng pagtitipid mo ng kuryente. Maliban sa inyong bahay ay ikalat o ibahagi rin ang mga tips na tampok sa artikulong ito sa iyong mga kaibigan, kamag-anak at pamilya.  Ito ay para mas marami pa ang makaalam sa mga paraan sa pagtitipid ng kuryente.

Sana makatulong ang mga tips na ito sayo hindi lang sa kung paano makatipid sa kuryente ngayong mainit ang panahon. Kung hindi para panatilihing ligtas at healthy lagi ang iyong pamilya!

 

Sources: energy.govgracelinks.org

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!