Paano nga ba malalaman kung tumatangkad ang baby mo?

undefined

Narito ang ilang paraan para i-track ang height ni baby! | Lead image from iStock

Karaniwang tanong ng mga mommies, “Paano malalaman kung matangkad ang baby ko?”

Sa pag-aaral, mas magandang maglaan ng effort kung paano tumangkad ng mabilis ang iyong anak. Dito na papasok ang ehersisyo, pagkain na pampatangkad at mga supplements na kailangan nilang inumin. Magandang tutukan ito habang bata pa sila dahil tumitigil sa pagtangkad ang isang bata kapag natapos na ang kaniyang puberty stage.

Paano malalaman kung matangkad ang baby o bata? Height calculator!

paano malalaman kung matangkad ang baby

Paano malalaman kung matangkad ang baby? | Image from Unsplash

Ano ang kadalasang gamit mong measurement kapag tinitignan mo ang height ng anak? May mga simpleng paraan para malaman ang height ng isang bata.

  • Kunin ang height ng tatay at nanay ng bata. Maaaring ito ay inches o centimeters.
  • Kapag nakuha na ang height ng mga magulang, magdagdag ng 5 inches (13 cm) dito para sa mga lalaki; bawasan naman ng 5 inches (13 cm) sa mga babae.
  • Sa huli, i-divide ito sa 2.

Narito ang ilan pang paraan para malaman ang height ng iyong anak.

Pagdoble ng height

Maaaring gawin ang paraan na ito kapag 2 years old na ang iyong anak na lalaki.

Doblehin lamang ang estimated adult height ng iyong anak na lalaki. kapag 2 years old na siya. Ganito naman din ang paraan para sa mga babae sa edad na 18 months.

Tandaan ang kanilang laki ngayon

Isa sa pinakagamit na paraan ay ang pagsukat ng height ng iyong anak ngayon at susukatin ulit ito sa susunod para makita kung may pagbabago ba. Maari itong gawin kapag nakakatayo na ang iyong anak.

Para magawa ito, sundan lamang ito:

  • Sa pamamagitan ng growth curve na nakadikit sa pader ng inyong bahay, maaari mong malaman ang height ng iyong anak.
  • Maglagay ng markings sa current height ng iyong anak. Maaaring ilagay dito ang cm at date.
  • Pagkatapos ng ilang buwan, maaari mong sukatin ulit ito. Patayuin ang iyong anak sa parehong puwesto ng growth curve. Dito mo makikita kung may improvement ba sa height ng iyong anak. Tandaan, ito ay estimate pa lamang.
paano malalaman kung matangkad ang baby

Paano malalaman kung matangkad ang baby? | Image from Freepik

Moms, dads, tandaan na iba-iba ang panahon ng paglaki ng mga bata. Ito ay dahil sa genetics na mayroon ang kanilang magulang na siyang kumokontrol sa kanilang paglaki. May iba na mabilis tumangkad, may iba rin na mabagal. Mas maganda pa rin na kumonsulta sa iyong doktor para masubaybayan ang tamang paglaki ng iyong anak.

3 exercise tips na pampatangkad

Para mabigyan ng karagdagang inch ang tangkad ng iyong anak, narito ang iba’t ibang uri ng ehersisyong pampatangkad. Ang exercise routine na ito ay puwedeng-puwede sa kahit anong edad ng bata. Maaaring gawin ito bago ang puberty nila. Ang mga lalaki ay nasa maximum height na sa edad na 16 habang 14-15 years old naman sa mga babae.

Ang pampatangkad na ehersisyo na ito ay paniguradong makakatulong sa paglaki ng iyong anak! Bukod pa rito, magkakaroon ng magandang posture at malakas na pangangatawan ang iyong anak.

Stretching exercises

Ang stretching exercise ay nakakatulong sa spine ng bata. Dahil sa routine na ito, napapabuti ang vertebrae at napapanatili na ito ay naka-align ng mabuti. Ang ehersisyo na ito na galing kay Beauty Within, ay sobrang dali lamang at puwede sa kahit anong edad. Nakakatulong ito sa pagpapahaba ng cartilage ng spine na dahilan ng flexibility!

Downward dog

Ang stretch na ito ay para mapatibay at mapahaba ang spine. Kailangan ay nakadiretso ang iyong mga paa at nasa limit ito. Panatilihing straight din ang iyong spine sa routine na ito. Malalim na inhale at exhale, ulitin ito ng walong beses. Tandaan lamang na ang hamstrings ay maaaring sumakit sa stretching na ito.

paano malalaman kung matangkad ang baby

Paano malalaman kung matangkad ang baby? | Image from Freepik

Posture exercise

Dahil sa mabigat na school bag at matagal na pagbabad sa computer, ang mga bata ay hindi nakakakuha ng magandang posture. Ang pagtayo ng diretso ay nakakatulong na mapahaba ang spine ng iyong anak.

Ang exercise na mula sa Coolum Family Chiropractic ay makakatulong sa iyong anak habang siya ay nagpapatangkad.

I-click ito kung nais makita ang buong instruction sa exercise.

Neck exercises

Importante rin na i-exercise ang leeg dahil nakakapagbigay ito ng extra inch sa height at posture. Narito ang simpleng neck exercises na makakatulong na maalis ang tension sa leeg at thyroid.

I-click ito kung nais makita ang buong instruction sa exercise.

 

Source:

Mayo Clinic

BASAHIN:

Pampatangkad na ehersisyo na makakatulong sa iyong anak

8 na maling paniniwala sa pag-aalaga sa baby, ayon sa doktor

10 Masarap na pagkain na pampatangkad ng bata

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!