Ang pamemeke ng pera ay may kaukulang multa at pagkakakulong. Ganunpaman, may ilan parin na gumagawa nito. Ngunit kamakailan lamang ay may isang lalaki ang nagsabi na siya raw ay nakapag-withdraw ng pekeng pera mula sa ATM. Ito ang dahilan kaya mahalang malaman kung paano malalaman kung peke ang pera. Alamin ang 9 na paraan para hindi ka ma-peke.
Pekeng pera na-withdraw sa ATM
Bisperas ng bagong taon nang mag-withdraw si Rodrigo Casas, Jr. ng pera mula sa isang mall sa Taytay Rizal. Ayon sa lalaki ay pagkakuha niya ng salapi mula sa ATM ay hindi niya na ito sinuri. Kanya agad itong inilagay sa kanyang pitaka at umalis na mula sa ATM. Subalit, nang sinubukang ipangbayad ang na-withdraw na pera, tinanggihan ito ng hardware na kanilang pinagbibilhan.
Ayon sa tindera ng naturang hardware na si Elena Alao, naghinala siya nang naramdaman na hindi magaspang ang pera. Nang kanya itong suriin sa money detector, kanyang nakumpirma na ang isa sa mga binabayad sa kanya ay peke.
Sa ngayon ay nai-report na ni Casas ang pangyayari sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa bangko ang pangyayari. Sa kabila nito ay tiniyak ng BSP na ligtas paring gamitin ang mga ATM. Nais rin nilang ipaalala na dapat i-turnover agad sa mga bangko ang mga pekeng pera na makukuha.
Ngunit, paano malalaman kung peke ang pera?
8 na paraan para malaman kung peke ang pera
Source: BSP
Sa kabutihang palad, may ilang paraan na maaaring gawin para malaman kung peke ang pera.
1. Suriin ang kulay
Kung naghihinala na ang hawak na pera ay peke, maaaring ikumpara ang kulay nito sa iba pang kaparehong halaga na pera. Kadalasan, ang pekeng pera ay mas matingkad ang kulay kumpara sa mga totoo.
2. Makinis kapag hinawakan
Isa sa mga hindi kayang gayahin ng mga gumagawa ng pekeng pera ay ang gaspang ng totoong pera. Ito ay katangian na sadya ng BSP bilang paglaban sa mga namemeke ng pera. Ang totoong pera ay gawa sa abacca at cotton fibers bilang proteksyon.
3. Gaspang ng mga numero at imahe
Sa paghawak pa lamang, mararamdaman na dapat na may karagdagang gaspang na dulot ang mga numero at imahe sa mga totoong pera.
4. Madaling ma-damage ang pekeng pera
Kapag nabasa ang totoong pera, tulad ng mga naiiwan sa bulsa ng mga labahin, hindi agad-agad kumakalat ang mga naka-print dito. Subalit, kapag peke ang pera, bukod sa pagkalat ng mga kulay, ito rin ay madaling napupunit kapag nababasa. Kapag naman tuyo, ang kauting pagkutkot sa mga pekeng pera ay maaari rin agad makapinsala.
5. May watermark ang totoong pera
Ang totoong pera ay may watermark ng imahe nito sa kanang bahagi ng pera. Kailangan lamang itapat sa ilaw ang pera at suriin kung pareho ang mga imahe. Masmabuti kung masusuri ito gamit ang ultraviolet light na karaniwang ginagamit sa mga money detector.
6. Security thread
Ang mga papel na pera ay may security thread na kaakibat. Ang mga P20 at P50 na halaga ay may 2mm ang lapad na security thread habang ang P100 at mas mataas pa ay may 4mm na lapad ng security thread. Maaari rin suriin kung totoo ang security thread ng mga P100 pataas dahil nagbabago ang kulay nito kapag itagilid ang pagtingin sa pera.
7. Tandaan ang hologram
Isa rin sa mga hindi lubos magaya ng mga namemeke ng pera ay ang hologram na matatagpuan sa mga P500 at P1,000 na papel na pera. Ito ay ang mga bilog na hologram patch sa itaas na kaliwang bahagi sa harapan ng pera. Tulad ng security thread, nagbabago ang kulat nito kapag itinatagilid ang pagtingin sa pera.
8. Suriin ang serial number
Ang mga serial number sa pera ay naglalaman ng 2 letra at 6 na numero. Ito rin ay dapat lumalaki ang pagkakasulat mula sa kaliwa. Sa ibaba ng serial numbers ay mayroon dapat makikitang Baybayin na mga letra kapag itatapat sa liwanag. Suriin na hindi naulit ang serial number mula sa ibang pera na isang siguradong senyales na peke ang pera.
Paraan kung paano mag-ipon ng pera
Isang popular na topic sa Youtube channel ng TV host na si Bianca Gonzalez ang pag-iipon ng pera. Sa kaniyang panayam kay Rose Fres Fausto, isang dating investment banker at financial consultant, napag-usapan nila ang ilang mga ipon tips.
Gamitin ang 70-20-10 rule.
Isa sa paraan para makapag-save o paano mag-ipon ng pera ay ang pagpaplano kung saan mapupunta ang kinikita o sweldo mo buwan-buwan.
Maari mo itong gawin sa pamamagitan ng pag-a-allot ng percentage ng iyong sweldo sa mga bagay na kailangan mo o ang paggamit ng 70-20-10 rule. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng paglalaan ng 70% ng sweldo mo para sa mga major needs ng pamilya mo, 10% sa tithing o pagbabalik grasya sa Diyos at 20% para sa savings mo.
Ang 70% na inilaan mo para sa major needs and wants ay ang dapat mong budgetin at gastusin sa paraan na magiging wais ka para mapagkasya mo.
Samantalang, ang 20% naman ay maari mong hatiin sa investments at savings mo para sa future tulad ng pagaallot nito para sa iyong retirement.
Ang natitirang 10% naman ay nakadepende sayo kung ilalaan mo ba sa tithing o sa iba pang bagay na kailangan mo.
Mag-automatic savings at huwag umasa sa willpower mong mag-save.
Para naman hindi mahirapang, mag-save o magtabi ng pera mula sa income o sweldo mo buwan-buwan ay maari kang sumubok na magkaroon ng automatic savings.
Sa option na ito ay puwede mong kausapin ang HR ninyo na mag-deduct sa sweldo mo buwan-buwan automatically ng 20% para sa savings mo. Sa ganitong paraan ay hindi mo na kailangang gawin ito sa sarili mo.
Mayroon din namang mga banko ang nag-o-offer ng option para sa Automatic Savings Plan na mas makapagpapaliwanag sayo tungkol dito.
Basahin din: 7 tips para maka-ipon ng malaking pera
Sources: GMA News, Moneymax, Bangko Sentral ng Pilipinas
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!