3 signs para malaman kung safe makipag-contact kay mister

Narito kung paano i-track ang iyong fertile window na kung kailan dapat iwasan ang pakikipagtalik kung walang planong magbuntis.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang paraan kung paano malalaman kung safe ang babae na makipagtalik para maiwasan ang mabuntis
  • Puwede bang mabuntis kahit hindi fertile.
  • Paano malalaman ang iyong fertile window.
  • 3 signs para malaman kung safe makipag-contact kay mister

Paano malalaman kung safe ang babae na makipagtalik para maiwasan ang magbuntis?

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Maraming sinasabing side effects ang paggamit ng mga artificial contraceptive methods. Kaya naman marami sa atin ang mas ninanais na gumamit ng natural family planning method upang maiwasan ang pagbubuntis. Isa nga rito ay ang tinatawag na calendar method o kilala rin sa tawag na rhythm method.

Sa natural family planning method na ito ay ginagamit ang menstrual history ng isang babae para matukoy ang mga araw na siya ay mag-o-ovulate o fertile.

Sa mga araw na ito ipinapayong iwasan muna ang pakikipagtalik upang maiwasan ang pagbubuntis. Sapagkat ang pag-o-ovulate ay tumutukoy sa pagre-release ng eggs ng babae na kapag pumares sa sperm cell ng lalaki ay nagiging simula nang pagbubuntis.

Pero ayon sa OB-Gynecologist na si Dr. Gergen Marie S. Lazaro-Dizon mula sa Makati Medical Center, ang method na ito ay ipinapayong gamitin lang ng mga babaeng may regular na menstrual cycle. Ito ay para masiguro na magiging tama o eksakto ang kalalabasang resulta nito.

Kailan fertile ang isang babae?

Pagapapaliwanag ni Dr. Dizon,

“Number one para masabi natin na ibabase sa calendar, dapat regular ang menstrual cycle o ‘yung regla ng isang babae. Dapat very regular. That’s the only time na masasabi mo na mabe-base mo sa kalendaryo ang fertile period.” “Ang usual fertile period nagsisimula kung 30 days ang cycle mo. Nagsisimula ‘yung fertile period mga day 12 to day 18 ng cycle.  Ang first day o yung day 1, ayun ang 1st day of the period.  Kung magbibilang ka day 12 doon magsisimula. Tapos dun kayo mag-i-intercourse ng madalas, kung gustong magbuntis. Doon sa time frame na iyon.”

Mabubuntis ka ba kahit hindi fertile?

Love photo created by freepik – www.freepik.com

BASAHIN:

Iba’t ibang uri ng family planning method at gaano ka-epektibo ang mga ito

5 senyales na fertile na ang babae

Safe ba at maaaring mabuntis kapag nakipag-sex after menstruation?

Ang nasabing pagtukoy ng fertile window ay ang eksaktong paraan na maaaring gamitin upang maiwasan ang pagbubuntis. Sapagkaat ang mga araw na kabilang sa fertile window ay ang mga araw na hindi safe na makipagtalik.

Lalo na sa mga babaeng hindi nais magbuntis dahil isa sa mga araw na ito nakatakdang maglabas ng eggs ang kaniyang ovaries.

“Kung regular ang period, of course hindi na mabubuntis kasi hindi na fertile yung windows ‘yun eh. In fact, dun sa mga nagpa-family planning iniiwasan nila ‘yong window na iyon at doon muna sa labas. Ngayon kung irregular ang period, pwedeng mag-ovulate sa mga araw na outside of that interval.” ani ni Dr. Dizon.

Paliwanag niya pa, ang sperm ng lalaki ay maaaring tumagal ng hanggang sa dalawang araw sa loob ng katawan ng babae. Anumang oras na makapares nito ang egg cells ng babae ay nagsisimula ang pagdadalang-tao.

Kaya naman mas mainam na iwasan muna ang pakikipagtalik 2 araw bago ang ovulation. Madalas ito ay ang araw, 14 days bago ang susunod mong regla o ang mga araw na nasa loob ng iyong fertile window.

“Yes, 2 days nag-stay yung sperm ng lalaki sa katawan ng babae. Pero ‘yong eggs ng babae 1 day lang. Kaya nga, it’s a window. Kaya maski nag-intercourse sila today o ‘yong nag-ovulate ma-cacatch niya pa ‘yun.” pagbabahagi ni Dr. Dizon.

Ano ang ovulation?

Isa sa mga paraan kung paano malalaman kung safe ang babae na hindi magbuntis ang pag-alam niya sa kaniyang ovulation cycle.

Ang kababaihan ay nagsisimulang magkaroon ng menstruation sa pagitan ng 10 at 15 taong gulang. Dito sa panahon na ito ay nagsisimula na silang mag-ovulate at maaari na ring magbuntis.

Sa pangkaraniwan, ang mens ng kababaihan ay may cycle na 28 hanggang 32 na araw at ang unang araw ng mens ang sinasabing simula ng cycle. Ang egg cells ay lumalabas madalas sa ika-12 o ika-16 na araw bago magsimula ang susunod na menstruation period.

Nakararating sa menopause stage ang mga kababaihan sa pagitan ng edad 50 at 51 at doon ay madalas na humihinto na ang kanilang ovulation. Sa kabila nito, sa perimenopausal o menopausal trasition period ay maaari pa ring magtuloy-tuloy ang ovulation.

3 signs para malaman kung safe makipag-contact kay mister

Narito ang mga paraan kung paano malalaman kung ikaw ba ay nag-o-ovulate o hindi. Sa paraan ito maiiwasan ninyo ni mister ang makabuo ng anak, lalo na kung hindi kayo gumagamit ng contraceptive method.

  1. Kapag walang masyadong cervical mucus na lulumas sa pwerta ng babae. O ang mababang estrogen level.
  2. Isa pang paraan upang malaman na safe ang at hindi kayo makakabuo ni mister ay pagtingin sa iyong body temparature. Ang kaunting pagtaas ng iyong body temparature ay nangyayari tuwing ovulation period. Ayon sa mga eksperto, ang mga kababaihan ay pinaka-fertile 2 o 3 araw bago tumaas ng husto ang kanilang temperature. Kaya naman mainam na tignan ang body temparature upang malaman kung ikaw ay fertile o nag-o-ovulate na. Pwedeng gumamit ng basal thermometer para malaman ang maliliit na pagbabago at pagtaas ng iyong temperature.
  3. Kapag tapos na ang ovulation period. Kaya naman mahalaga na malaman ang iyong ovulation period. Gumamit ng calendar method o gumamit ng mga apps online na pwedeng ma-download sa pag-track ng iyong ovulation period. May din mga ovulatory predictor kits ngayon na available at maaaring mabili sa mga drug store na pwedeng gamitin. Upang malaman kung mataas ng tiyansa ng pagbubuntis sa araw na kayong magbabalak magtalik upang maiwasan ang pagbubuntis.

Paano ba nakakatulong ang ovulation calendar para maiwasan ang mabuntis?

Nakatutulong ang ovulation calendar para malaman mo kung kailan ang iyong pinaka-fertile na mga araw. Ito ay importanteng gamit para mabantayan ang iyong cycle at para makita at maintindihan ang mga iregularidad.

Sa pagbabantay sa iyong menstrual cycle ay malalaman mo ang mga araw na hindi kayo maaaring magtalik ni mister lalo na kung ayaw niyo pang magka-aanak ulit.

May ilang mga apps na maaari ninyong ma-download para ma-track ang inyong ovulation period.

Ovulation period at ano ang mga yugtong dapat mong bantayan

Mayroong tatlong yugto sa kabuuan ng ovulation period, ito ang:

  • Periobulatory: Sa yugtong ito, ang mga layer ng cells na nakapaikot sa ovum ay magsisimulang maging kamukha ng mucus at lalapad ito. Ang uterus lining ay magsisimula na ring kumapal.
  • Ovulatory phase: Dito naman ay kung saan ang mga egg cells ay lumalabas mula sa mga dominant follicle na nasa loob ng ovary at napupunta sa falloipian tube. Maaaring ma-fertilize ng sperm cell and egg sa puntong ito. Tandaan na ang pangkaraniwang itinatagal lang ng buhay ng egg cell ay 24 hours. Kaya mamamatay ito liban na lamang kung nakatagpo ng sperm cell. Ito lamang ang tanging oras sa menstruation cycle ng kababaihan na maaari siyang mabuntis. Kaya naman kung iniiwasan mo ang mabuntis mahalaga na malaman mo ito.
  • Luteal phase: Ang fertile egg ay mapupunta na sa sinapupunan habang ang mga unfertlized naman ay mabagal na titigil sa pag-produce ng  mga hormones at mamamatay pagkatapos ng 24 hours. Ang uterus lining ay magsisimula ng maalis at maghahanda nang umalis sa katawan sa oras ng mag-mens.

Basahin ang buong ulat ni Charlen Mae Isip patungkol sa ovulation. Basahin ito rito!

Paano i-track ang iyong fertile window?

Para sa mas malinaw na pagpapaliwanag, narito ang mga hakbang kung paano maita-track ang iyong fertile window.

  • Sa loob ng 8-12 buwan ay i-record ang simula ng iyong menstrual period. Ang unang araw ng menstrual period ay ang first day ng iyong regla. Habang ang huli naman ay ang unang araw ng pagsisimula ng iyong regla sa susunod na buwan.

Calendar photo created by freepik – www.freepik.com 

Halimbawa:

Kung ang regla mo ay nagsimula ng March 15, ito ang day 1 ng iyong menstrual cycle. Ang last day naman ay ang petsang tumapat ang regla mo sa kasunod na buwan. Halimbawa ay April 14.

  • Isulat ang pinakamahaba at pinakamaikling mga araw na itinagal ng iyong regla buwan-buwan.
  • Para makuha ang first day ng iyong fertile period ay i-subtract ang 18 days sa pinakamaikling araw ng menstrual cycle mo.

Halimbawa:

Kung 28 days ang pinaka-maikling menstrual cycle mo ay bawasan ito ng 18. Ang sagot ay 10. Ito ang petsa na simula ng iyong fertile window. Para naman sa pagtatapos ng iyong fertile window ay i-subtract naman ang 11 sa pinaka-mahabang menstrual cycle mo. Halimbawa kung 31 days ang pinaka-mahabang menstrual cycle mo ay i-subtract ito sa 11. Ang sagot ay 20. Ito ang huling araw ng iyong fertile window.

  • Muli sa nasabing halimbawa 10-20 ang petsa ng iyong fertile window. Ito ang mga araw na dapat mong iwasan o hindi safe na makipagtalik kung ayaw mong mabuntis.

Tulad ng sinabi ni Dr. Dizon, kung regular ang menstrual cycle ay mababa ang tiyansang mabuntis sa mga araw na hindi kabilang sa iyong fertile window. Kaya naman ang mga petsang 21-9 o ang 12 araw matapos ang iyong fertile window ay ang mga araw na safe kang makipagtalik na may mababang tiyansa ng pagbubuntis.

Source:

Healthline, Mayo Clinic, Medical News Daily

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.