Ayon sa pag-aaral, isa sa pangunahing sanhi ng pagputi ng buhok ay ang stress. Paano nga ba matanggal ang white hair at paano ito maiiwasan na dumami?
Photo from Unsplash
Kadalasan nating nakikita ang white hair sa mga may edad na. Ngunit bakit nga ba hindi lang ang mga matatanda ang nagkakaroon white hair? Sa katotohanan niyan ay kahit anuman ang iyong edad, pwede kang tubuan ng white hair o uban.
Sanhi ng white hair
Genes
Kapag ang isang tao ay sinimulang tubuan ng white hair sa kanyang murang edad (bago mag 20 years old), mataas ang posibilidad na namana niya ito. Maaaring ang kanyang mga magulang ay mabilis ding nagkaroon ng puting buhok.
Kakulangan ng Melanin
Ang Melanin ay nagbibigay ng kulay sa ating mga balat at buhok. Kadalasan, ang kakulangan ng melanin sa buhok ang sanhi ng pagputi nito. Kung kulang ka sa nutrition at protein, maaaring ito ang sanhi ng kakulangan ng melanin sa buhok.
Chemicals
Ang paggamit ng chemical-based shampoo, conditioner, sabon, pangkulay sa buhok ay isa ring sanhi ng white hair. Sa una maaari kang magkaroon ng side effects katulad ng allergy reactions. Kapag naabuso ang iyong buhok ng mga produktong ito, maaari itong masira.
Paninigarilyo
Ayon sa pag-aaral, ang paninigarilyo ay isa sa mga pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng white hair. Ito ay dahil sa reactive oxygen na sumisira sa mga hair follicle melanocytes kaya nagiging puti ang buhok.
Photo from Unsplash
Stress
Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng white hair ay stress. Ang Oxidative stress ay sanhi ng labis na pagpapagod ng ating mga sarili. Ang hindi balance na pagkain o lifestyle ang nagdudulot nito. Dahil dito, maaaring makaranas din ng sumusunod:
- Pagbabago ng eating habits
- Problema sa pagtulog
- High Blood Pressure
- Anxiety
Paano matanggal ang white hair?
1. Tumigil sa paninigarilyo at bisyo
Ang maayos na lifestyle ay magdudulot sa iyo ng maayos at maginhawang pamumuhay. Ang paninigarilyo ay nakakasira ng ilang mga hair follicle melanocytes dulot ng mga kemical nito kaya dapat iwasan na agad para mabawasan ang iyong white hair.
2. Kumain ng masustansya at wastong pagkain
Bigyan ng sustansya ang iyong katawan. Kumain ng pagkaing mayaman sa Vitamin B12. Katulad na lamang ng itlog, gatas, meat products, manok at seafoods. Importante rin ang ginagampanan ng Vitamin B12. Ito ang nagbibigay ng energy at nakakapagdulot ng paglago sa iyong buhok.
Photo from Unsplash
3. Home Remedy
Kung nais mong gawing itim ulit ang iyong white hair, maari mong gawin ang mga simple tips na ito. Mas maganda ang natural remedies kaysa sa paggamit ng mga kemikal na makakasira lalo sa iyong buhok.
- Coconut Oil. Bago matulog, maglagay nito sa iyong buhok at anit. I-massage lang ito nang marahan. Hugasan din ang buhok kinabukasan.
- Luya. Kumain ng isang teaspoon ng dinurog na luya, haluan din ito ng isang tablespoon ng honey.
- Black Sesame Seeds. Kumain ng isang tablespoon ng black sesame seeds. Ugaliin itong gawin dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
- Sibuyas. Gamit ang katas ng sibuyas, pahiran ang iyong anit at iwanan ito ng 30 minutes.
- Carrot Juice. Ugaliing uminom ng isang baso ng carrot juice araw-araw.
SOURCES: Healthline , BBC News
BASAHIN: STUDY: Pang kulay at pang-straight ng buhok, maaaring magdulot ng cancer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!