Peppa Pig, tinuturuan nga ba ng British accent ang mga bata?

Natututunan nga ba ng mga bata ang pagsasalita ng English na may British accent sa pamamagitan lamang ng panonood ng TV? Alamin ang opinyon ng mga eksperto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tinuturuan mo na ba kung paano matuto magsalita ng English ang iyong anak? Paano kung isang araw ay marinig mo siyang nagsasalita na may British accent na? Ito ang napuna diumano ng ilan sa mga magulang na may mga anak na mahilig manood ng cartoons na Peppa Pig.

Posible nga bang matutunan ang pagsasalita nang may accent sa pamamagitan ng panonood lamang ng isang palabas sa TV?

Paano matuto magsalita ng English

Ang mga bata ay may mas mabilis na kakayahan na gayahin ang anumang nakikita o naririnig nila sa kanilang paligid.

Nagsisimula ito sa development at paglaki ng baby sa ika-5 buwan at nahuhubog ang kanyang accent sa edad na 20 buwan ayon sa isang pag-aaral sa University of Plymouth. Mayroon ding pag-aaral na nagpapatunay na maaari ring magsimula ang pagkatuto ng isang bata na magsalita ng maaga kahit nasa sinapupunan pa lamang ito.

Malaki ang impluwensiya ng mga tao sa paligid ng isang bata sa kanyang pagsasalita. Kung siya ay maagang tinuruan na magsalita ng isa o higit pang wika at dayalekto gaya ng Tagalog at English, mabilis niya ring maa-adapt ang accent nito.

Subalit, magkakaroon lamang sila ng ispesipikong accent kapag sila ay tumuntong na sa edad na lima at nakakahalubilo na ng mas maraming tao na nagsasalita rin ng iisang accent.

”It might widely be assumed that toddlers pick up their early grasp of language from their parents. But this research shows their social context is much more important than people might think, even at an early age,” ayon kay Dr. Caroline Floccia, isang associate professor sa University of Plymouth School of Psychology.

“Studies have show that, once they reach the age of five, children are more likely to speak with the accents they are surrounded by at school.” dagdag niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tinuturuan nga ba ng Peppa Pig ng British accent ang mga bata?

Ilan sa mga magulang na may mga anak na edad dalawa hanggang lima ang nagsabing natuto ang kanilang mga anak kung paano matuto magsalita ng English na may halong British accent sa pamamagitan ng panonood ng cartoons na Peppa Pig.

Mula sa simpleng “Mama” o “Mommy” ay naging “Mummy” na ang tawag sa kanila ng kanilang mga anak. Ginaya na rin umano ng mga bata pati ang tono ng pananalita ng karakter sa palabas at minsan ay pati ang pagsasabi ng trademark nitong “oink” pagkatapos ng pangungusap.

May paliwanag naman ang isang eksperto kaugnay sa biglaang pag-adapt ng mga bata sa british accent sa pamamagitan lamang ng panonood ng TV.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“If your child seems fluid in both American English and Peppa English, that’s because they aren’t processing them as discrete languages,” sabi ni Roberto Ray Agudo, language program director ng Department of Spanish and Portuguese ng Dartmouth College sa Estados Unidos.

“At some level they may notice a difference in the choice of words, in the pronunciation of certain sounds, vowels, what happens to Rs after vowels but they don’t identify those things with an accent, per se,” dagdag niya.

Patunay sa kaniyang sinabi ay ang isang pag-aaral na inilathala sa British Psychological Study kung saan napatunayan ng mga reasearchers na ang mga batang may edad lima at anim ay kayang maunawaan na ang isang accent ay iba sa normal nilang accent ngunit hindi nila kayang malaman ang kaibahan ng bawat accent na ito sa isa’t-isa.

Hindi lamang Peppa Pig ang cartoons na ang accent ay ginagaya ng mga bata. Nariyan rin ang palabas na Dora the Explorer na may Spanish accent ang English.

Nababahala naman ang ilang magulang na baka hindi na bumalik sa dating natural na English accent ang pagsasalita ng kanilang mga anak. Mayroon ding iba na natutuwa sa bagong accent ng kanilang mga anak.

Paano nagagaya ng mga bata ang iba’t-ibang accent ng wika

“Kids have this amazing ability to pick up language,” ayon kay Dr. Melissa James, speech and language pathologist sa Toronto, Canada.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Their brains are ripe for the learning of language and it’s a special window of opportunity that adults don’t possess,” dagdag niya.

Ipinunto rin niya ang dahilan kung bakit mas nahihirapan ang matatanda na mag-aral ng bagong wika at accent kumpara sa mga bata. Ngunit pagdating sa pagbabalik ng orihinal na accent ng isang wika, mas madali ito para sa mga matatanda kumpara sa mga bata.

“Accent modification therapy is time-consuming, but for kids, their brains are so perspective to nuances of how words are pronounced,” sabi ni Dr. James.

“For most adults, ‘mummy’ is easily ‘mommy’ and we don’t have difficulty saying these words back with our own accent. But for children, they don’t have the ability to map the word back to an original source.”

“If they hear certain words on television, but they don’t hear it from their parents, relatives or friends, they have a hard time distinguishing how to pronounce the word,” paliwanag ni Dr. James.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkakaroon ng ibang accent sa pagsasalita: Dapat bang ikabahala?

Gaya ng ilang pagbabago sa development at paglaki ng isang bata, ang pagkatuto ng ibang wika o ibang accent ay may hangganan din—at depende ito sa iyong anak.

Isa lamang itong phase o bahagi ng development ng isang bata kung saan ay kinokopya niya ang anumang nasa paligid niya. Walang dapat ikabahala kung magsalita man ng British accent na English ang iyong anak dahil sa panonood ng Peppa Pig.

“For any parent who has a concern, most of these accents phase out. It’s unlikely to result in a longtime accent change. You have other influences that balance out the particular word,” sabi ni Dr. James.

“It’s not going to be a permanent accent. Accents really develop with repeated and consistent exposure,” dagdag niya.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: The Guardian, Global News Canada, Romper, The Telegraph

Image source: Peppa Pig website

BASAHIN: Mas maaga raw nagsasalita ang mga baby kapag ginawa ito ng magulang