Mga magulang, alamin rito kung paano pagsabihan ang bata sa tamang paraan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga bagay na hindi mo dapat sabihin sa iyong anak kapag pinapagalitan siya
- Paano pagsabihan ang bata sa tamang paraan
- Mga dapat tandaan ng magulang sa pagdidisiplina sa anak
Isa sa mga pinakamahirap na bahagi ng pagiging magulang ay ang pagdidisiplina sa ating mga anak. Ayaw natin silang makitang malungkot at masama ang loob. Subalit tungkulin natin na palakihin sila nang maayos at mabuting asal, kaya kailangan talaga ang pagdidisiplina paminsan-minsan.
Magkakaiba ang ating paraan ng pagdidisiplina sa ating mga anak, pero paano ba pagsabihan ang bata sa paraan na maiintindihan niya?
Anong HINDI dapat sabihin kapag dinidisiplina ang bata?
Kapag mayroong nagagawang mali ang anak natin, minsan ay nadadala rin tayo ng sariling galit at nakakapagbitaw ng mga salita na sa palagay natin ay tama (maaaring dahil narinig natin ito sa mga magulang natin dati) subalit nakakasakit at nakakasama pala sa bata.
Narito ang ilang mga salita at kataga na hindi natin dapat sinasabi sa ating anak kapag pinagagalitan siya:
-
“That’s not a big deal” / “Para ‘yon lang!”
Larawan mula sa iStock
Maaaring patungkol ito sa bagay na gusto niya o kinatatakutan niya. Maliit na bagay man para sa ating matatanda, pero importante pala ito sa ating anak.
Kapag sinabi mo ang katagang iyon sa iyong anak, parang ipinaparamdam mo na hindi mahalaga ang kaniyang nararamdaman at hindi niya ito dapat pagkatiwalaan.
Bukod sa magdadalawang-isip na silang magsabi sa ‘yo, nagiging dahilan rin ito para bumaba ang self-esteem ng bata at kwestiyunin ang kaniyang sarili.
-
“You’re such a bad boy” / “Pasaway ka talaga”
Ang pagbabansag sa kaniya bilang masama o pasaway ay hindi nakakatulong, at sa halip, nakakasama dahil maaaring dalhin ng bata ang mga salitang ito sa kaniyang paglaki at paniwalaan na rin niya na masama o pasaway talaga siya. Dahilan rin ito para bumaba ang kaniyang self-esteem.
Parang ipinapahiwatig ng mga salitang ito sa bata na masamang magpakita ng emosyon. Dapat ay hayaan lang ang bata na umiyak at ipahayag ang kaniyang damdamin lalo na kung wala naman siyang sinasaktan.
Larawan mula sa iStock
-
“Sige umiyak ka pa, makikita mo.”
Ang pagbabanta sa iyong anak na paparusahan mo siya ay hindi rin nakakatulong para disiplinahin siya. Maaaring tumigil lang siya o pakinggan ka lang niya dahil sa takot at hindi dahil naintindihan at natutunan niya ang kaniyang leksyon.
-
“Isusumbong kita sa tatay mo.”
Huwag gawing panakot o excuse ang ibang tao.
Kapag sinabi mo ito sa iyong anak, parang ipinapahiwatig mo na wala kang kakayahang disiplinahin siya at dapat niyang katakutan ang kaniyang ama o kung sino mang tao ang tinutukoy mo.
Maaari itong magdulot ng lamat sa inyong samahan bilang pamilya dahil inilalarawan mo si Tatay bilang isang tao na magbibigay ng parusa.
Dapat at magkasundo ang mag-asawa kung paano niyo didisiplinahin ang iyong anak, at kailangang iparating sa bata na pareho kayong nagdidisiplina sa kaniya.
-
“Ginagalit mo talaga ako.”
Larawan mula sa iStock
Sa pagsasabi nito, ipinaparating mo sa bata na wala kang kakayahang kontrolin ang iyong sariling emosyon, at nakabase ang iyong mararamdaman sa kaniyang ginagawa. Ipinapahiwatig nito na hindi tayo responsable sa ating mga reaksyon dahil nakadepende ito sa ibang tao.
-
“Stop arguing” / “Sumasagot ka pa ha!”
Muli, nagiging dahilan ito para magkalamat ang iyong relasyon dahil ipinapahiwatig nito na hindi mahalaga ang kaniyang sasabihin at hindi mo siya binibigyan ng pagkakataon para magpaliwanag ang kaniyang panig.
-
“How many times do I have to tell you?” / “Ilang beses ka dapat pagalitan?”
Lahat naman ay nagkakamali. Huwag mong asahan na isang sabi mo lang ay susunod at matatandaan na ito agad ng bata. Subalit kung gusto mong matandaan ng bata ang iyong sasabihin.
Ipaliwanag ito sa kaniya nang maayos at iparating ang maaaring kahinatnan o parusang naghihintay kapag ginawa na naman niya ang bagay na iyon.
-
“Because I said so.” / “Ako ang matanda, ako ang tama.”
Ang “my-way-or-the-highway” approach ay matagal nang ginagamit ng matatanda. Subalit hindi naman ito ang tamang paraan ng pagdidisiplina.
Maaaring susunod sa iyong ang iyong anak, subalit gagawin lang niya dahil sa takot at hindi dahil naiintindihan na niya kung bakit hindi niya dapat gawin ito.
Gayundin, ipinapahiwatig nito na ang mas matanda ay mas may kapangyarihan at bukod sa bababa ang kaniyang self-esteem, maaaring maging dahilan ito para saktan o pagsamantalahan niya ang mga mas maliit o mas bata sa kaniya.
Larawan mula sa iStock
-
“Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?”
Hangga’t maaari, iwasan ang ikumpara ang iyong anak sa kaniyang kapatid o sa ibang tao. Maaari itong magdulot ng sibling rivalry at lamat sa relasyon ng magkapatid.
BASAHIN:
13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak
STUDY: Mas nagiging pasaway ang bata kapag pinapalo
6 na paraan nang pagdidisiplina ng walang parusa
Paano pagsabihan ang bata?
Kung ang mga nabanggit ang maling paraan para pagsabihan ang bata, ano ba ang tamang paraan?
Iba-iba ang ating paraan ng pagdidisiplina sa ating anak, sa kung ano sa tingin natin ang pinakamakakabuti para sa kaniya. Subalit tandaan na anumang paraan, dapat ay maging mabuting modelo tayo sa bata lalo na pagdating sa pagharap sa mga suliranin at pagtrato sa iba.
Kapag may nagawang mali ang iyong anak, narito ang ilang bagay na dapat tandaan kapag pagsasabihan siya:
- Maging kalmado. Bago mo kausapin ang iyong anak, huminga muna ng malalim at pakalmahin ang sarili para maiwasang makapagbitaw ng mga masasakit na salita. Iwasan ding magtaas ng boses.
- Importante ang body language. Kung pagsasabihan ang bata, itigil ang ibang ginagawa at ibigay ang atensyon sa kaniya. Tingnan siya sa kaniyang mata. Kung maaari, umupo ka o lumuhod para pareho kayo ng eye level ng bata at hindi siya nakatingala sa iyo.
- Bigyan ng pagkakataon ang iyong anak na magpaliwanag at pakinggang mabuti ang kaniyang panig. Hayaan siyang umiyak at ipahayag ang kaniyang emosyon.
- Gayundin, kung hindi pa handang makipag-usap ang bata, bigyan siya ng ilang minuto para kumalma.
- Narito ang ilang halimbawa ng salita na pwede mong sabihin sa iyong anak:
Larawan mula sa Pexels
-
-
“Anong problema anak? Makikinig si Mommy.”
-
“Naniniwala ako sa’yo.”
- “My answer is no. You’re allowed to be upset about that.”
-
“You’re a good kid who’s having a hard time.”
-
“Okay lang umiyak.” / “It’s okay to cry.”
-
“It’s okay to feel sad. But it’s not okay to hurt someone.”
-
“It seems like you’re not ready to talk. Take your time. I’ll be here when you’re ready.”
-
“How can I help you?”
- Kung kailangan mong bigyan ng parusa o consequences ang iyong anak, ipaliwanag mo sa kaniya nang malumanay kung bakit kailangang gawin ito. Gayundin, dapat ay may kinalaman ito sa maling aksyon ng bata. Halimbawa, kinalat niya ang kaniyang laruan. Ang tamang consequence ay hindi niya ito pwedeng paglaruan sa kasunod na araw. O kung hindi kinuha niya ang iyong cellphone ng walang paalam, hindi siya mabibigyan ng screen time kinabukasan.
- Kailangang habaan ang pasensya, lalo na sa pagdidisiplina sa maliliit na bata. Iwasan ang pagpapakita ng inis o pagka-irita at iparamdam sa kanila na mahalaga ang oras na kausap sila.
Mahalaga ang bawat salitang bibitawan natin sa ating anak. Ayon sa isang kasabihan, “The way we talk to our child becomes their inner voice.”
Kung gusto mong maging masaya, mabuti at positibo ang pag-iisip at pag-uugali ng iyong anak, siguruhing positibo at puno rin ng pagmamahal ang sasabihin mo sa kaniya.
Source:
Psychology Today, Verywell Family
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!