Bakit hindi ka dapat galit sa tuwing pinagsasabihan ang iyong anak? Ito ang paliwanag ng eksperto

Alamin rin ang ilang tips na maaring gawin para makinig sayo ang anak mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano pagsabihan ang bata? Ayon sa isang family therapist ay hindi dapat galit o pasigaw. Narito ang paliwanag niya kong bakit.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano pagsabihan ang bata.
  • Ang epekto sa iyong anak sa tuwing pinagsasabihan mo siya ng ikaw ay galit.

Paano pagsabihan ang bata?

Larawan mula sa Family photo created by freepik – www.freepik.com 

Bilang mga magulang ay nais nating lumaking responsable at disiplinado ang ating mga anak. Kaya naman parte ng ating pagiging magulang ang pagsabihan o kagalitan sila.

Pero paalala ng isang licensed family therapist hindi raw dapat galit o pasigaw kung pagalitan ang isang bata. Dahil ito ay may negatibong epekto sa kanila.

Ayon kay David Schwartz, isang licensed marriage at family therapist, ang pagpapakita ng galit sa tuwing pinagsasabihan ng iyong anak ay maaaring magdulot sa kaniya ng stress, fear at anxiety.

Lalo na kung ang pakikipag-usap sa kaniya ay pasigaw o may kasamang pananakot o pagbabanta. Paliwanag ni Schwartz, ang mga bata at adolescents ay hindi tulad nating matatanda kung mag-isip.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung para sa ‘yo ang iyong sinabi ay para paalalahanan siya o gabayan sa mas matuwid na landas iba ang dating nito sa mga bata. Ito ay maaaring maging too overwhelming para sa kanila. Dahil hindi pa sila marunong mag-handle ng mataas na emosyon sa bata nilang edad.

Paliwanag ni Schwartz,

“The problem is, at those moments when we are emotionally overwhelmed, we may not be taking into account the person on the other end of our upset.

Children and adolescents are not fully developed emotionally and may not be equipped to emotionally handle our outbursts.”

Isa sa mga halimbawang ibinigay ni Schwartz ay ang pagbabanta na palalayasin natin ang ating anak sa oras na siya ay may ginawang mali o hindi mo nagustuhan.

Bagama’t para sa ‘yo ay biro o nasabi mo lang ito dala ng galit mo, sa mga bata ay literal ang pag-iintindi nila dito. Iniisip nilang sila ay mawawalan na ng bahay at magiging mag-isa na labis na makakasakit ng damdamin nila. Lalo pa’t ikaw na kanilang magulang at nakikita nilang tanging mapagkakatiwalaan at maasahan nila sa mundong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni Schwartz, huwag umano  isipin na hindi nakikinig ang iyong anak sa iyong sinasabi. Sadya lang daw na hindi niya ito naiintindihan.

Kaya naman mas lalong nagiging mas magulo para sa kaniya kung papakitaan mo siya ng galit sa tuwing siya ay iyong pinagsasabihan.

Mas mainam na hangga’t maaari ay maging mahinahon sa pakikipag-usap sa iyong anak. Laging isaisip na sila ay bata at mas malawak ang iyong pang-unawa.

Iwasang pagsabihan ang iyong anak sa tuwing ikaw ay galit. Ito ay para maiwasan ang negatibong epekto nito na maaring magmarka sa kaniyang pagkatao sa mahabang panahon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni Schwartz,

“The way we talk with them, the way we explain things has to be age-appropriate.”

Larawan ni Meruyert Gonullu mula sa Pexels 

BASAHIN:

7 parenting mistakes kaya madali kang nagagalit sa anak mo

STUDY: Batang laging nasisigawan at napapagalitan, lumalaking may mas maliit na utak!

8 tips para makontrol ang iyong galit at mabawasan ang pagiging mainitin ang ulo

Paano dapat ang tamang pakikipag-usap sa bata para siya ay makinig sa iyong sinasabi?

Larawan ni Ketut Subiyanto mula sa Pexels

Para masigurong makikinig ang iyong anak sa iyong mga sinasabi, narito ang ilang tips na maaring gawin.

1. Tawagin o gamitin ang kaniyang pangalan sa pakikipag-usap sa kaniya.

Ito ay para makuha ang kanilang atensyon at mailagay sa kanilang isip na ang iyong sinasabi ay patungkol sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Hangga’t maaari ay iwasang gumamit ng mga negative language tulad ng mga pahayag na may salitang no o hindi.

Mainam na i-maintain ang positive language. Halimbawa, “Maglakad lang sa loob ng bahay, please” at huwag sabihing “Hindi puwedeng magtatakbo sa loob ng bahay.” Iwasan ding gumamit ng mga salita na mapapahiya o makakasakit sa damdamin ng iyong anak.

3. Sa pakikipag-usap sa iyong anak ay dapat magkaroon kayo ng eye contact.

Sa ganitong paraan ay nakukuha mo ang kaniyang atensyon. Sabayan din ito ng paulit-ulit na pagsabi ng kaniyang pangalan.

Larawan mula sa Shutterstock

4. Huwag kausapin ang iyong anak sa mataas o galit na boses.

Tandaan, tinuturuan mo ng magandang asal ang iyong anak kaya naman daw ay maging mabuti kang halimbawa. Nauna narin na nabanggit na kapag ikaw ay galit ay na-isstress o na-ooverwhelm ang iyong anak dahilan para hindi niya mas lalong maintindihan ang iyong sinasabi. Dapat ay matuto kang kausapin siya ng kalmado at sa mahinahon na paraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Bigyan ng options o alternatives ang iyong anak sa tuwing nakikipag-usap sa kaniya.

Ito ay para maramdaman niya na mayroon rin siyang kontrol sa mga nangyayari at pinapahalagahan mo ang kaniyang nararamdaman.

6. Maging simple at direct to the point sa pakikipag-usap sa iyong anak.

Gumamit ng mga simpleng salita na maiintindihan niya o mga salitang makaka-relate siya.

Source:

Psychology Today, Child Development Info