Importante ang potty training sa development ng isang bata. Para sa mga dads at moms na may anak na lalaki, mayroon pang toilet-related milestone ang kailangan mong paghandaan pa, ang turuan si baby boy na umihi ng nakatayo. Ang tanong, paano nga ba turuan umihi ng nakatayo ang bata?
Para turuan ang boys na umihi ng nakatayo, kailangan mo munang i-ready siya. Narito ang ilang reminders na kailangan mong tandaan sa process na ito!
Kapag alam na nilang umihi ng nakaupo, madali na lang para sa kanila na umihi ng nakatayo
Sanayin ang boys na umihi ng nakaupo. May ibang bata na natatapon ang kanilang ihi sa bowl kapag umiihi kahit na nakaupo ang mga ito. I-guide sila na ipababa ang kanilang ari para direktang mapunta ang ihi sa bowl.
Malalaman mong handa ng umihi ng nakatayo ang iyong anak kapag nasanay na sila dito.
Paano turuan umihi ng nakatayo ang bata | Image from Freepik
Pagsapit ng 3 years old ng iyong anak, nagpapakita na ito ng sign ang pagkahanda. Iba iba ang development ng isang bata. Kaya naman may iba na maagang natututunan ang potty training.
Mahalagang matutunan ito ng iyong anak habang maaga pa lamang, makabubuti kung sasanayin mo rin na gawin nila ito ng sarili lamang nila. At syempre sa tulong pa rin ng gabay mo.
Paano turuan umihi ng nakatayo ang bata?
Narito ang mga tips kung paano simulan ang pag-ihi ng iyong anak mula pa-upo hanggang patayo.
1. Kausapin ang iyong anak
Isa pang senyales na ready na iyong anak ay ang pagbantay sa kanyang motor development at cognitive skills. Alam na ba niya ang dahilan kung bakit niya kailangang pumunta sa banyo? Nakakaupo ba siya ng stable hanggang matapos siyang umihi?
“Then when they’re ready to try it, you buy them briefs, or they go commando,” ayon ito kay Vincent Sales, may tatlong anak na lalaki. “When they’re ready you have to commit to no diapers. [My sons] were accident-free after a week.”
Tandaan na sagutin ng maayos ang kanilang mga katanungan at sanayin na ipaliwanag ito ng mas maiintindihan nila.
2. I-guide sila
Ibinahagi ng ni Mommy Camille Carvajal ang struggle niya sa pagtuturo sa kanyang little boy kung paano umihi ng patayo. Dahil ang ari ng bata ay naka point palayo sa kanila, ito ang dahilan kung bakit mahirap para sa kanila ang maturuan umihi ng patayo.
Paano turuan umihi ng nakatayo ang bata | Image from Freepik
“Being a fast learner, my little boy picked it up quickly in just a few days,” ito ang sinabi ni mommy Camille sa amin.
Tandaan na i-guide sila na magconcentrate sa potty training. Kung masyadong maliit ang anak mo para maabot ang toilet, maaaring gumamit ng step tool dito.
3. Subukan silang mag-isa lang
Hayaang subukan ng iyong anak ang umihi ng mag-isa, trial and error kumbaga.
“There’s a lot of prep-work involved. You talk to them about peeing,” paliwanag ni Vincent Sales, may tatlong anak na lalaki. “And you see if they can take off their pants. You even let them watch you do your business.”
Siguraduhin na alam nila ng pagkakaiba ng pag-ihi at pagdumi. Ang pagdumi ay kailangang nakaupo lang sila sa potty. May ibang bata na nakakalimutan na kailangan nilang dumumi at ito ay nagiging dahilan ng constipation.
4. Practice makes perfect
Hayaan na sanayin nila ang kanilang mga sarili ng mag-isa lamang. Ngunit kung natatakot silang umupo sa potty, tulungan sila sa ibang paraan.
“I let my sons pee in the shower first because kids are scared of the toilet,” paliwanag ni Vincent Sales, may tatlong anak na lalaki. Maging pasensyoso sa pagtuturo sa iyong boys. Ito ang payo ni Vince.
5. I-encourage siya kapag nagkakamali
Expect mo na ang madaming pagkakamali ng iyong anak habang nagsasanay ng training. Maaaring maglagay ng absorbent mats sa paligid ng kanyang potty. ‘Wag i-pressure ang iyong baby boy!
“There will be lots of accidents in the first days. Get the towels ready!” babala ni Vince
“It was messy at first! But well worth the effort,” pag-sangayon ni Camille
Paano turuan umihi ng nakatayo ang bata | Image from Freepik
6. Turuan siya ng good hygiene habits
Pinakahuli, kapag mastered na ni baby boy ang pag-ihi habang nakatayo, turuan sila na maghugas ng kamay pagkatapos umihi at itapon ang gamit na toilet paper sa basurahan.
Ang paghuhugas ng kamay at pananatili ng kalinisan sa banyo ay mabuti para sa good habits ng iyong anak.
If you want to read the english version of this article, click here.
BASAHIN: