Kasalukuyan raw na nagsasagawa ng tinatawag na “Akiya” scheme ang gobyerno ng Japan. Sa Akiya scheme na ito, ipinamimigay o kaya binebenta ng mura ang mga lumang tahanan sa Japan.
Nais raw ng gobyerno na magamit ang mga tahanan na ito, lalong-lalo na para sa mga nais magsimula ng pamilya.
Pabahay sa Japan, pinamimigay raw ng libre!
Kasalukyan raw na mayroong humigit-kumulang na 10 milyong abandonadong bahay sa Japan na epekto ng pagbaba ng kanilang populasyon. Karamihan raw ng mga tahanan ay nasa probinsya kung saan mas ninanais ng mga tao na tumira sa siyudad sa halip na sa probinsya.
Upang hindi raw masayang o kaya mapabayaan ang mga tahanang ito, ay ibinibigay ito ng gobyerno ng libre, o kaya sobrang mura upang makatulong sa mga bagong pamilya. Minsan ay nagbibigay pa ng subsidy ang gobyerno para maipaayos ng mga pamilya ang mga lumang bahay.
Nangyayari raw ito dahil mas ninanais ng mga tao na tumira sa siyudad sa halip na sa mga probinsya. Ang isa pa raw problema ay ang pamahiin na malas o kaya may multo raw ang mga tahanan na iniwan ng mga dating nakatira dito Kaya’t hindi nagiging madali para sa gobyerno na patirahin ang mga tao sa mga abandonadong bahay.
Kahit mga foreigners ay maaaring bumili ng bahay sa Japan
Ang ikinaganda ng Akiya scheme ay hindi lang ito limitado sa mga Japanese citizen. Kahit ang mga foreigner, tulad ng mga Pilipino, ay maaaring bumili ng tahanan sa Japan.
Marami-rami rin ang nagugustuhan ang lokasyon ng mga bahay, dahil tahimik at maaliwalas sa probinsya. Kadalasan, ang pumipigil lang sa mga tao sa pagbili ng mga bahay na ito ay sa pagkakaroon ng pamahiin tungkol sa inabandonang tahanan.
Ngunit hindi naman perpekto ang mga tahanan na ito. Madalas raw ay kinakailangang magsagawa ng renovation, at mayroong mga pagkakataon na hindi alam ang dahilan kung bakit inabandona ang bahay.
Minsan raw ay may pagkakataon rin na bigla na lang bumabalik ang dating may-ari ng bahay, at dito nagkakaroon ng mga problema.
Para sa mga nagnanais bumili ng Akiya na tahanan sa Japan, importanteng magsagawa muna ng research, at maging sigurado sa kanilang desisyon na bumili ng ganitong klaseng tahanan.
Source: Daily Mail, Japan Times
Basahin: Paano nga ba makakamit ang pangarap na bahay? Narito ang mga paraan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!