Tulad ng sinabi ni Will Smith sa Fresh Prince of Bel-Air, naramdaman niyang bumaliktad ang buhay niya sa paglipat sa bagong tahanan.
Maraming mga magulang ang pareho ang nararamdaman kapag napanganak na ang kanilang anak. Wala nang oras mag-ehersisyo, laging kulang sa tulog, at ang buhay ay umiikot sa isang baby na tila ambilis lumaki.
Maaaring ma-miss ang dating regulat na spinning class o yoga sessions. Ngunit maaaring mapansin na ang natutunaw na calories sa pagiging magulang ay higit pa sa natutunaw bago magka-baby!
Ayon sa pag-aaral, nakakatunaw nang nasa 50,000 na calories kada buwan ang pagiging magulang
Image source: Wren’s Kitchen
Isang bagong pag-aaral ng UK-based na Wren Kitchens ang nag-survey ng 1,000 magulang. Ang mga lumahok ay may mga edad sa pagitan ng 3 hanggang 6 na taong gulang. Sinukat ng kitchen retailer ang pagsisikap at calories na natutunaw sa calorielab.com bilang pagtantsa. Ang calorie values ay kinuha base ang average na timbang.
Makikita sa mga resulta na nakakatunaw ng nasa 1,478 na calories araw-araw ang mga gawaing bahay at pag-aalaga sa bata.
Sa paghahanap pa ng ibang detalye, makikita na ang pinakanakakatunaw ng calories ay ang pagbubuhat ng mga bata.
Ang mga magulang ay gumagamit ng nasa 2 oras na buhat ang anak na tumutunaw ng 259 calories. Ibig sabihin, katumbas nito ang paggawa ng nasa 218 na burpees!
Ang sumunod dito ay ang pag-aalaga ng bata, na binubuo ng paglinis, pagpapaligo, at pagpapakain ng anak. Ang pag-aaalaga ng bata ay may average na 102 minuto, na tumutunaw ng nasa 245 na calories.
Image source: Wren’s Kitchen
Sa katapusan ng linggo, 2,374 ang calories na natunaw mula sa mga tipikal na aktibidad ng mga magulang.
Ang pinaka-matinding aktibidad sa isang linggo ay ang pag-mop ng sahig. Ayon sa mga magulang ay ginagawa nila ito ng average na 138 minuto (o 2 oras at 18 minuto), para siguraduhing malinis ang mga sahig. Nakakatunaw ito ng 405 na calories! Maaaring maugnay ito sa kung gaaano nakakapagod ang paglilinis ng bahay (huwag sobrahan ito gamit ang crazy cleaning schedule!)
Ang pinaka hindi nakakapagod ay ang paglalaba. Ang average na nauubos na oras ay 71 na minuto na tumutunaw ng nasa 202 na calories.
Kung ang burpees ay ang pinakapinagbasehan, ang iyong mga hita ay siguradong manlalambot na para lamang mapantayan ang ganitong calorie value!
Pakiramdam ba ay nakakatunaw ng ganito karaming calories kada-buwan?
Isinalin mula sa wikang Ingles (theAsianparent Singapore).
Basahin: STUDY: Pagkain ng breakfast, mas nakakataba para sa mga gustong mag-diet
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!