Nais mo bang mag-enroll sa savings program ng Pag-IBIG? Alamin kung ano Pag-IBIG mp2 online registration, at iba pang dapat mong malaman tungkol sa programang ito.
Pag-IBIG MP2 Savings Program
Ang MP2 savings program ay isang voluntary savings platform para sa mga Pag-IBIG Fund members. Kaiba ito sa Pag-IBIG Fund Regular Savings na binabayaran ng mga miyembro sa ngayon ng buwan-buwan.
Dahil ang programang ito ay nangangailangan ng hindi bababa sa P500 monthly contribution. Na kung saan ang annual contribution sa loob ng 5 taon ay tumutubo base sa kita ng ahensya.
Para mapabilang sa programa ay kailangang mag-enroll dito ang isang active Pag-IBIG member. O former Pag-IBIG member tulad ng pensioners at retirees na may ibang source of income.
Paano makaka-save at makaka-benepisyo sa programa
Mula sa minimum P500 savings every month, ay maaaring maghulog ng kahit magkano ang isang member na enrolled sa programa. Ang savings sa buong taon ay tumutubo base sa dividend rate ng ahensya sa isang taon.
Sa loob ng tatlong taon mula 2016-2018, ang dividend rate ng Pag-IBIG ay 7.65%. At ito ay kinukuha mula sa 70% ng annual net income ng Pag-IBIG Fund. Ito ay maaaring mabago dahil base ito sa financial performance ng ahensya.
Ang perang nakalap ng Pag-IBIG mula sa programang ito ay idagdag sa pondo ng mga proyekto ng ahensya. Tulad ng housing finance at Short Term Loan (STL) programs. I-invest din sa mga government securities, time deposits at corporate bonds.
Ang sinumang gustong magpa-enroll sa programang ito ay hindi limitado sa pagkakaroon ng isang savings account lang. Ngunit ang kada MP2 savings account ay mayroong 5-year maturity period.
Matapos ang limang taon ay saka lamang puwedeng kunin ng isang member ang kaniyang MP2 savings. Habang ang tax-free earned dividends niya ay puwede niyang makuha sa dalawang paraan.
Una, kapag iwi-withdraw niya na ang kaniyang savings matapos ang 5-year maturity nito. O taon-taon na kung saan ito ay maaring i-credit sa savings o checkings account sa bangkong accredited ng Pag-IBIG.
Pwede ito sa Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), o sa iba pang banko na maaaring maging accredited ng Pag-IBIG fund in the future.
Para naman sa mga member na pinili ang annual dividend pay-out pero walang Philippine bank account, tulad ng mga overseas Filipino workers (OFW), ang mp2 dividends ay makukuha sa pamamagitan ng check payable sa mp2 saver.
Dahilan para mapaaga ang pag-wiwithdraw ng savings bago ang 5-year maturity
May mga kondisyon o sitwasyon naman na kung saan maaring makuha ng mas maaga ng isang miyembro ang kaniyang savings. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Total disability o insanity.
- Kawalan ng trabaho dahil sa problemang pangkalusugan.
- Pagkamatay ng miyembro o isa sa kaniyang immediate family member.
- Retirement
- Permanenteng pag-alis sa bansa.
- Distressed na miyembro dahil sa pagkakatanggal sa trabaho o pagsasara ng kumpanyang pinagtratrabahuan.
- Kritikal na pagkakasakit ng miyembro o isa sa kaniyang immediate family member.
- Repatriation ng isang OFW mula sa kaniyang host country.
Pero gamit ang mga nabanggit na kondisyon ay tanging 50% lang ng kaniyang earned dividends ang makukuha ng isang miyembro. Ito ay para sa piniling makuha ang kaniyang dividends matapos ang limang taon.
Habang ang mga kumukuha ng kanilang annual dividend payout ay wala ng makukuhang dividends kapag ginamit ang mga kondisyong ito.
Maaari bang mag-apply ulit ng new mp2 savings kapag nag-mature na ang nauna?
Kapag na-reach na ng iyong mp2 saving account ang 5-year maturity nito ay maaari ka nang mag-apply ulit para sa bagong savings account.
Ang bawat member ay maaaring i-claim ang kanilang mp2 savings anytime kapag nareach na nito ang maturity. Kung hindi mo naman ito na-claim, patuloy pa rin itong tutubo ng dividends base sa rate ng regular Pag-IBIG saving program (P1), hanggang dalawang taon. Matapos ang dalawang taon at hindi pa rin ito na-claim, magiging accounts payable na ito ay hindi na kikita ng dividends.
Samantala, ang bawat member ay maaaring magbukas ng higit sa isang mp2 savings account.
Paano magbabayad ng monthly savings
Maaari kang mag-remit ng Pag-IBIG mp2 savings over-the-counter sa pinakamalapit na Pag-IBIG branch sa inyong lugar. Pwede rin naman ito sa pamamagitan ng salary deduction. Kailangan mo lang nang maayos na agreement at arrangement sa iyong employer.
Mayroon ding accredited collections partner ang Pag-IBIG tulad ng mga sumusunod:
- PayMaya
- G-Cash
- ECPay sa 7-11 outlets
- Cashpinas
- Coins.ph
- CIS Bayad Centers
- Online banking
- Overseas remittance
Pag IBIG mp2 online registration
pag ibig mp2 enrollment: Alam mo ba na maaari nang iproses online ang registration sa mp2 program ng pag ibig? Paano nga ba ang Pag ibig mp2 online registration?
How to apply mp2 online?
Ang Pag IBIG mp2 online registration ay magagawa sa pamamagitan ng E-services ng Pag-IBIG website. Para magpa-register online sa programa ay narito ang mga steps na dapat gawin:
Pag ibig mp2 online registration: How to apply mp2 online
- Bisitahin ang Pagibigfund.gov.ph.
- Magpunta at i-click ang “E-Services”.
- Piliin at i-click ang “MP2 Enrollment System” link.
- Ilagay ang iyong Pag-IBIG MID number, last name, first name at date of birth. Pati ang CAPTCHA code naka-display sa iyong screen at i-click ang submit button.
- Punan ang mga hinihinging impormasyon sa form at saka magpatuloy.
- Lalabas na ang iyong MP2 Enrollment Form na kailangan mong dalhin sa pinakamalapit na Pag-IBIG Fund branch sa inyong lugar.
- Sunod na mag-i-email sa ‘yo ang Pag-IBIG para sa mga iba pang instructions na dapat gawin. Kaya dapat siguraduhin na tama ang ibinigay mong email address.
- Kapag natanggap na ang email ng Pag-IBIG ay i-print ang kalakip nitong dokumento. Magdala rin ng iyong valid ID. Pati na ang passbook o ATM card ng bangko na gusto mong paglagyan ng MP2 savings mo.
Sa pagpapasa ng form sa Pag-IBIG branch ay maaari mo ng simulan ang pagbabayad ng iyong first monthly savings. O kaya naman ay gawin ito sa tulong ng kanilang accredited collection partners. Ang kailangan lang ay tandaan mo ang MP2 ACCOUNT NUMBER na nakasaad sa iyong enrollment form.
Sino ang mga qualified para sa mp2 savings program ng Pag-IBIG?
pag ibig mp2 enrollment: Maaaring mag-enroll sa pag ibig mp2 savings program ang mga sumusunod:
- Active Pag-IBIG fund member na nagbabayad ng monthly contributions sa loob ng 24 months
- Former Pag-IBIG fund members na may ibang sources of income
- Pensioners na may at least 24 monthly savings bago ang retirement.
- Kung hindi ka member ng Pag-IBIG, maaari kang mag-apply bilang voluntary paying member at magparehistro online.
- Kung ikaw naman ay inactive member, simulan mo na ulit ang pagbabayad ng iyong monthly contributions. O kaya naman ay bayaran ang lump sum equivalent ng 24 monthly contributions.
Pag-IBIG mp2 requirements
Ano nga ba ang requirements na kailangan para makapag-enroll sa pag-IBIG mp2 savings account program?
-
Kailangang i-fill out ang Modified Pag-IBIG II Enrollment Form (MP2EF) at i-submit sa pinakamalapit na Pag-IBIG branch sa inyong lugar.
-
Magdala ng valid identification card. Maaaring pumili sa mga sumusunod:
- Passport
- Social Security System (SSS card)
- Government office and GOCC ID tulad ng AFP ID, Pag-IBIG loyalty card
- Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
- Company ID
- Senior Citizen Card
- Voter’s ID
- Professional Regulation Commission (PRC) ID
- GSIS eCard
- Integrated Bar of the Philippines ID
- Seafarer’s Identification and Record Book
- Driver’s License
- Postal ID
- Overseas Filipino Worker (OFW) ID
- Dalhin din ang passbook o ATM card ng iyong nominated bank kung saan mo gustong matanggap ang iyong dividends o earnings.
Ang minimum amount na kailangan mo para makapagbukas ng pag-IBIG mp2 savings account ay Php500. Wala namang limit kung magkano ang gusto mong i-save.
Kung mas malaki ang halaga ng iyong na-save, ay mas malaki rin ang iyong kikitain. Maaari mo ring piliin ang one-time savings kung nais maglagay ng malaking halaga tulad ng milyon.
Paano ma-monitor ang iyong Pag-IBIG mp2 savings
Maaari mong makita ang iyong Pag-IBIG mp2 contributions sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG. Ngunit bago mo ito ma-check, kailangan mo munang gumawa ng Virtual Pag-ibig account.
Kapag activated na ang iyong virtual pag-IBIG account, maaari mo nang ma-verify at ma-monitor ang iyong pag-IBIG mp2 savings online. Narito ang dapat gawin:
- Mag-log in sa iyong Virtual Pag-IBIG account
- Sa menu sa bandang kaliwa, piliin ang “MP2 Savings” sa ilalim ng product tab.
- Maaari nang tingnan ang iyong pag-IBIG mp2 contribution payments
Bakit magandang mag-invest sa pag-IBIG mp2 savings?
Isa sa mga dahilan kung bakit magandang mag-save sa pag-IBIG mp2 program ay ang high annual interest rate at low required ADB. Sa MP2 program ng pag-IBIG, maaari kang kumita nang tinatayang 8% ng iyong savings fund kada taon, kompara sa ibang high-yield savings account.
Tingnan ang table sa ibaba na nagpapakita sa interest rates ng Pag-IBIG mp2 savings kompara sa interest rates ng ibang banko.
|
Savings
|
Average daily balance to earn
|
Average annual interest rates
|
Pag-IBIG MP2 |
Php 6,000 |
7.0000% |
BPI Regular Savings |
Php 5,000 |
0.0625% |
EastWest Bank Regular Savings |
Php 10,000 |
0.0125% |
PNB Debit Savings |
Php 10,000 |
0.1000% |
Land Bank ATM Savings |
Php 2,000 |
0.0500% |
China Bank ATM Savings |
Php 10,000 |
0.0125% |
UnionBank Regular Savings |
Php 25,000 |
0.1000% |
AUB Starter Savings |
Php 1,000 |
0.1000% |
Maybank Regular Savings |
Php 10,000 |
0.2500% |
PBCOM Regular Savings |
Php 5,000 |
0.1000% |
Robinsons Bank Regular Savings |
Php 10,000 |
0.1250% |
Mako-compute ang average daily balance to earn interest ng pag-IBIG mp2, sa pamamagitan ng pag-multiply sa minimum monthly remittance na Php 500 by 12 months.
Mapapansin na ang total average daily balance required to earn interest ay mas malaki sa pag-IBIG mp2 kompara sa ibang banko. Subalit, ang average annual interest ay tiyak na mas mataas.
Magandang paraan ang pag-iinvest sa pag-IBIG MP2 program para sa iyong financial goals sa future. Magkakaroon ka ng passive income source habang kumikita nang maliit na amount ang iyong savings.
Kung ipagpapatuloy ang kontribusyon buwan-buwan sa loob ng limang taon, hindi ka lang magkakaroon ng savings fund kundi magkakaroon ka rin ng good savings habit. Best of all, tiyak na hindi mawawala ang iyong pera at ligtas ito sa pag-IBIG dahil ang mp2 savings ay government guaranteed.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!