Para sa mga mommy na nanganak o manganganak pa lamang ngayon, narito ang mga pag-iingat na dapat tndaan ng buntis ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa.
Pregnancy during COVID-19
Sa panahon ng COVID-19 ngayon sa ating bansa, marami na ang naapektuhan ng virus na ito. Nariyan ang mga nawalan ng trabaho, nagkasakit at namatay. Isa rin sa mga kasalukuyang naaapektuhan ng COVID-19 ay ang mga pregnant moms na maaaring nanganak na o kabuwanan na ngayon.
Isa kasi ang mga buntis sa high risk ng COVID-19. Hindi sila pwedeng lumabas muna kaya naman apektado ang kanilang monthly check-up at wala silang nagagawa kundi ipagpaliban muna ito.
Pero ano nga ba ang dapat tandaan o mga safety precautions na dapat gawin para maging safe si mommy at baby?
Epekto ng COVID-19 sa buntis
Ayon sa pag-aaral, ang mga buntis ay nakakaranas ng physiologic o immunologic na pagbabago sa kani-kanilang katawan. Dahil dito, ang kanilang mga katawan ay mas nagiging lapitin at delikado sa mga infections o virus katulad ng COVID-19.
Pero sa ngayon, wala pang nakakapagtuturo ng sapat at konkretong dahilan para masabing mataas ang risk factor nila sa nasabing virus. Ngunit kung ihahalintulad ito sa SARS at MERS ay may naitalang may mga pregnant mom ang nakaranas ng pregnancy loss tulad ng miscarriage at stillbirth ng madapuan ng virus dati.
Pag iingat ng buntis ngayong covid 19: Ano ang dapat tandaan?
Ayon kay sa obstetrics and gynaecology consultant ng Medcare Women and Children Hospital na si Dr. Shiva Harikrishnan, ang mga buntis ay mayroong sensitibong immune system. Kaya isa sila sa mga high risk o delikado sa COVID-19.
“As pregnancy is a condition when the immune system is altered, pregnant women are at a risk of acquiring COVID-19. Just like any other viral infection.”
Narito ang mga tips mula kay Dr. Shiva Harikrishnan na dapat tandaan ng mga pregnant moms para maiwasang magkaroon ng COVID-19.
- Manatili sa loob ng bahay. Iwasan ang paglabas para hindi ma-expose sa mga tao. Kung may kailangan, mas mabuting ipautos na lang ito sa mga hindi high risk sa COVID-19.
- Panatilihin pa rin ang social distancing.
- Panatilihin ang kalinisan sa katawan. Palagiang maghugas ng kamay gamit ang sabon na safe para sa’yo.
- Dahil limitado ang paglabas at hindi makakapunta sa mga check-up, mas mabuting i-contact ang iyong doctor para malaman ang mga dapat mong gawin habang ikaw ay nasa loob ng bahay at hindi makapunta sa check-up.
- Kumain ng tama at uminom ng madaming tubig. Upang mas maging malakas, ‘wag kakalimutan ang pagkain ng masustansyang pagkain katulad ng prutas at gulay.
- ‘Wag hawakan ang mukha, ilong o mata.
- ‘Wag magbasa ng mga negative news sa internet. Ito ay maaaring makaapekto sa iyong mental health.
- Ituon na lang ang free time sa meditation, yoga o pagbabasa ng libro.
- Magpa-araw sa umaga. Ang araw sa umaga ay mahalaga para sa mga buntis. May ilang pag-aaral kasi na ang pagkakulang sa Vitamin D ay maaaring makapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng COVID-19.
Para naman sa mga bagong panganak, hindi rin ito nalalayo sa mga pregnant mom. Idistansya pa rin ang sarili at iwasan ang pag-alis ng bahay. Sa ganitong sitwasyon, maiiwasan ni mommy ang magkaroon ng exposure.
‘Wag ring lagyan si baby ng mask o protective mask shield dahil maaaring masuffocate ang iyong anak at hindi ito makahinga gawa ng mask.
Source:
BASAHIN: STUDY: COVID-19 inaatake ang placenta ng mga buntis , COVID-19 on babies: Sintomas, paano iiwasan at mga dapat gawin
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.