TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Pag-inom ng prenatal vitamins, nakakatulong para makaiwas sa autism

3 min read
Pag-inom ng prenatal vitamins, nakakatulong para makaiwas sa autism

Ayon sa isang pag-aaral, posible raw na makatulong ang pag-inom ng prenatal vitamins autism upang makaiwas sa autism ang mga sanggol.

Hindi kaila sa mga nagbubuntis na mahalaga ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang maging malusog rin ang kanilang sanggol. Ngunit alam niyo ba na ang pag-inom ng prenatal vitamins ay posible rin daw makatulong para makaiwas sa autism?

Ito ay ayon sa isang bagong pag-aaral, at posible itong maging malaking tulong para sa mga inang nagbubuntis.

Pag-inom ng prenatal vitamins, pang-iwas sa autism

Ayon sa pag-aaral, na isinagawa ng University of California, ito raw ang unang pag-aaral tungkol sa epekto ng prenatal vitamins sa autism. 

Pinag-aralan ng mga researchers ang mga inang mayroon nang anak na may autism. Sila ang napili para sa pag-aaral dahil napatunayan nang mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng autism kung nagkaroon na ng anak na may autism ang isang ina.

Napag-alaman nila na sa mga uminom ng prenatal vitamins, 14% lang raw ang posibilidad na magkaroon ulit sila ng anak na may autism. Ngunit sa mga hindi uminom ng vitamins, 33% raw ang posibilidad.

Ibig sabihin, may kinalaman ang pag-inom ng prenatal vitamins sa pagbaba ng mga kaso ng autism. Bagama’t hindi pa sigurado ang mga researcher kung anong vitamin ang nakakababa ng autism, sa tingin nila may kinalaman dito ang folic acid. Ito ay dahil ang folic acid ay nakakatulong sa brain development ng mga sanggol habang nasa sinapupunan.

Ayon sa mga pag-aaral, isa sa bawat 68 na bata ay mayroong autism spectrum disorder (ASD). Kasama na rito ang mga mas mild na kaso ng autism, pati na ang mga mas matinding disorders.

Dagdag pa nila, maigi raw na uminom ang mga ina ng prenatal vitamins upang masiguradong malusog ang kanilang magiging sanggol.

Ano ba ang prenatal vitamins?

Ang prenatal vitamins ay isang uri ng multivitamin na nakakatulong sa mga inang nagbubuntis. Pinapalakas nito ang kanilang katawan, at binibigyan sila ng mahahalagang vitamins at minerals upang maging malusog ang kanilang mga sanggol.

Ngunit hindi pantay-pantay ang lahat ng mga prenatal vitamins. May mga ilang essential vitamins ang kailangan ng mga ina, at heto ang mga vitamins na ito:

  • Folic acid
  • Iron
  • Calcium
  • Vitamin D
  • Vitamin C
  • Thiamine
  • Riboflavin
  • Vitamin B12
  • Vitamin E
  • Zinc
  • Iron
  • Iodine

Mas maganda kung ang mga prenatal vitamins na iyong iinumin ay mayroon mga minerals na ito, dahil ito ang mga essential minerals para sa pagdevelop ng iyong sanggol. Importante rin na sabayan ito ng wastong pagkain, upang mapabuti ang kalusugan ng iyong sanggol.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

 

Source: Daily Mail

Basahin: 10 prenatal vitamins na rekomendado ng mga OB-GYN

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Pag-inom ng prenatal vitamins, nakakatulong para makaiwas sa autism
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko