Pagdumi na may kasamang dugo: 7 posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari

Nakaranas o ang miyembro ng iyong pamilya ng pagdumi na may kasamang dugo? Alamin kung ano sanhi nito at paano ito magagamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagdumi na may kasamang dugo – ano ang sanhi at anong dapat mong gawin? Alamin rito.

Naranasan mo na bang makakita ng dugo sa iyong dumi? Kung oo, maaaring nakaramdam ka ng takot o pag-aalala kung saan nanggaling ang dugo sa iyong dumi. Pero dapat bang mag-panic agad?

Bagama’t may ilang posibleng dahilan na senyales ng isang seryosong sakit, hindi naman laging ganito ang kaso. Pero para mas maintindihan mo kung paano nangyayari ito, narito ang ilang posibleng sanhi kung bakit may dugo sa iyong dumi.

Mga posibleng sanhi ng dugo sa dumi

Image from freepik

  1. Hemorrhoids o Almuranas

Ang almuranas ay isang kondisyon kung saan mayroong pagdurugo sa pagdumi. Ito ay ang pamamaga sa iyong rectum o anus. Mayroon itong may kasamang kirot. Kapag ito’y napabayaan maaari mauwi ito sa seryosong impeksyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Sugat sa mismong butas ng puwet (Anal Fissures)

Ang isa sa mga sanhi ng pagdumi ng may kasamang dugo ay ang pagkakaroon ng sugat o punit sa inyong anus. Nangyayari ito kapag mayroon kang dumi na mahirap ilabas.

3. Inflammatory bowel disease

Ang inflammatory bowel disease (IBD) ay ang pamamaga ng ating small o large intesting. Mayroong dalawang uri ang IBD – crohn’s disease at colitis.

Ang Crohn’s disease ay isang kondisyon kung saan mayroong mga bahagi ng digestive tract na namamaga. Sa colitis naman, ang pamamaga ay nasa colon.

Ang mga taong may IBD ay maaaring makaranas ng pagtatae, pananakit ng tiyan, pagbabara sa kanilang intestines at dugo sa kanilang dumi.

  1. Constipation

Ito’y isang kondisyon kung saan nakakaranas na ng hindi regular at hirap sa pagdumi. Ilan sa sintomas nito ay ang bihira at matigas na dumi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat matigas ang dumi, maaaring mahirapan ang isang tao sa pag-ire at kalauna’y magreresulta sa pagkakaroon ng sugat sa kanilang puwet. Dahil roon, maaaring mayroong kasamang dugo ang iyong dumi.

  1. Diarrhea

Ang diarrhea ang isang uri ng impeksyon sa tiyan na nagdudulot ng madalas at hindi makontrol na pagdumi. Kaya naman dahil rito, nagkakasugat ng butas ng anus o puwet at nagiging dahilan ng pagkakaroon ng dugo sa dumi.

  1. Peptic ulcer

Kapag sumobra ang digestive fluid sa iyong intestines, maaring masugatan ang lining ng iyong digestive tract at magdulot ng ulcer. Kapag nagdugo ito, maaari itong magdulot ng maiitim na dumi na mayroong kasamang dugo.

Ang peptic ulcer ay maaring dahil sa isang bacterial infection na Helicobacter pylori (H. pylori) o madalas na paggamit ng mga anti-inflammatory drugs gaya ng aspirinibuprofen, at naproxen.

  1. Colon Cancer o Kanser sa bituka

Ito ang maaaring maging pinakamalalang sanhi ng dugo sa inyong bituka. Makakabuti na magpatingin agad sa inyong doktor kung hindi nawawala ang dugo sa inyong dumi. Lalo na may iba pang kayong nararamdaman kasabay ng dugo sa inyo dumi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from freepik

Kulay ng dugo

Maari ka ring magkaroon ng ideya kung ano ang sanhi ng pagdurugo sa pamamagitan ng kulay ng dugo na makikita mo sa iyong dumi.

  • Kapag ang kulay ng dugo ay bright o matingkad na red, ibig sabihin ang pagdurugo ay mula sa  lower gastrointestinal tract tulad ng colon o rectum.
  • Kung dark red o kulay wine naman ang nakikita mong dugo, maaring senyales ito na may pagdurugo sa iyong small intestine, o nagsisimula pa lang na pagdurugo sa colon.
  • Kung itim naman ang iyong dumi at may dugo, maaring nanggagaling ito sa loob ng iyong tiyan o sa itaas na bahagi ng iyong small intestine.

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Kung matindi ang pagdurugo sa iyong dumi, maaring kailangan na ng agarang medical na atensyon. Tawagan agad ang iyong doktor kapag naranasan ang mga sumusunod na sintomas:

  • panlalamig ng balat
  • pagkahilo o pagkalito
  • tuluy-tuloy ang pagdumi na may kasamang dugo
  • pagkawala ng malay o mahimatay
  • nahihirapang huminga
  • matinding pananakit ng puwet
  • pagsusuka

Para makasiguro, mas mabuti rin na kumonsulta sa iyong doktor sa unang beses na nakapansin ka ng dugo sa iyong dumi, para matukoy ang eksaktong sanhi nito at para maiwasan ang paglala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from freepik

Mabisang gamot sa pagdumi ng may kasamang dugo

Iba-iba ang pamamaraan sa paggamot sa pagdumi ng may kasamang dugo. Nakadepende ito sa inyong kundisyon na natuklasan ng inyong doktor.

Para sa mga hemorrhoids o almuranas, maaari itong magamot sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig at paglalagay ng ointment o cream na mabibili sa botika. Kung anal fissures naman ang sanhi ng pagdurugo, maari mong tanungin ang iyong doktor kung ano ang mabisang anti-bacterial ointment na pwede mong ipahid.

Kung constipation naman ang sanhi ng pagdurugo, tanungin ang iyong doktor kung maari kang uminom ng mga laxative para makatulong na lumambot ang iyong dumi. Ugaliin ring kumain ng mga high-fiber na pagkain at prunes (o prune juice) para maiwasan na ang hirap sa pagdumi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May iba-iba namang paraan ang mga doktor para sa paggamot ng diarrhea. Maari silang magreseta ng oral rehydration salts para maiwasan ang dehydration, or kaya naman loperamide para mapabagal ang daloy ng pagkain sa iyong intestines at matigil ang pagtatae.

Tandaan, kung nakakaranas ng pagdumi na may kasamang dugo habang mayroon kang diarrhea, dapat ay kumonsulta ka agad sa iyong doktor.

Kung ang IBD, colitis, ulcer o colon cancer naman ang sanhi ng pagdumi na may kasamang dugo, mas makakabuting humingi ng payo sa iyong doktor kung ano ang tamang lunas para rito.

Dapat kasing gamutin muna ang sanhi ng pagdurugo para hindi na ito maulit. Maari siyang magreseta ng gamot para mas mawala ang dugo sa iyong dumi.

Kaya naman dapat regular ang pagpapa-check up niyo at mamuhay ng healthy upang maiwasan ang sakit na ito. Mahalaga ang regular na pagkonsulta sa inyong doktor patungkol sa inyong kalusugan. Tandaan, “prevention is better than cure.”

Tips para maiwasan ang pagdumi ng may kasamang dugo

Kung hindi mo pa nararansan ang dumumi nang may kasamang dugo, maswerte ka.  Mas mabuting alalahanin mo rin ang mga paraan upang maiwasan ng buong pamilya ang kundisyon na ito.

Narito ang ilan sa mga pamamaraan upang maiwasan ang pagdumi ng may kasamang dugo:

  • Pag-eehersisyo ng tama

Mahalaga ang tamang ehersiyo dahil kapag ika’y overweight, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng sakit sa bituka katulad na lamang ng colon cancer.

Makakatulong rin ang physical activity para makaiwas sa constipation.

  • Pagkain ng masusustansiyang pagkain

Ang pagkain ng mga gulay at prutas ay makakatulong sa inyo, lalo na ang mga gulay at prutas na mataas ang fiber. Ang pagkain umano ng mga pagkain mataas ang fiber ay makakatulong sa paglaban sa mga sakit gaya ng diarrhea, constipation at sakit sa bituka. Iwasan ang pagkain ng mga karne sapagkat napapatigas nito ang inyong dumi.

Image from freepik

Tandaan na maging maingat sa inyong mga kinakain sa inyong pamilya upang hindi magkaroon ng impeksyon sa bituka upang maiwasan ang pagdumi ng may kasamang dugo. Gayundin, kumain sa tamang oras para maiwasan ang pagkakaroon ng ulcer.

Siguruhing kumakain ang buong pamilya ng masusustansiyang pagkain at uminom ng maraming tubig para makaiwas sa mga sakit na nagdudulot ng dugo sa pagdumi.

Ugaliin ring magpakonsulta sa inyong doktor, lalo na kapag may nakakaranas ng ganitong sakit sa inyong pamilya.

 

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Marhiel Garrote