LJ Reyes: "Ang forgiveness is a work in progress—hindi madaling ibigay ang forgiveness"

LJ, pinuri na mas maganda sa kabila ng mga nangyari sa kaniya.

Update sa paghihiwalay ni LJ Reyes at Paolo Contis, hindi pa handang kalimutan ng aktres ang mga nangyari. Pagpapatawad hindi daw madali ayon kay LJ.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Update sa paghihiwalay ni LJ Reyes at Paolo Contis.
  • LJ sinabing hindi madali ang pagpapatawad.

Update sa paghihiwalay ni LJ Reyes at Paolo Contis

Image from LJ Reyes Facebook account

Matapos ang mahigit sa isang buwan ng kumpirmahin ng aktres na si LJ Reyes na hiwalay na sila ng aktor at dating kinakasama na si Paolo Contis ay muli itong nagbigay ng update sa kanilang naging paghihiwalay.

Si LJ na ngayon ay nasa New York, USA kasama ang mga anak niyang si Aki at Summer na kahit papaano ay nakamove-on na. Tulad niya ay nakapag-adjust narin daw sa bago nilang buhay ang mga anak niya.

“Ok naman. They are adjusting very well. Aki goes to face to face class here para ma-experience niya yung normal na buhay ulit.”

Ito ang sabi ni LJ tungkol sa buhay nila ngayon sa USA ng kaniyang mga anak.

Image from LJ Reyes Facebook account

Bagamat makikita na blooming at masaya si LJ sa mga social media post niya, ayon kay LJ ay nasa work in progress parin siya sa paglimot sa mga nangyari sa kanila ng aktor na si Paolo Contis. Partikular na sa pagpapatawad dito na ayon kay LJ ay hindi madaling maibigay.

“Forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness.”

Ito ang sabi ni LJ. Dagdag pa niya sa ngayon ay pinapaubaya nalang niya sa Diyos ang lahat.

“I mean lahat naman tayo we get hurt, we get angry, but you work on it every day to forgive people, maybe yourself or whoever. You pray about it. For me, hindi kasi siya madaling bagay na ibigay so surrender lang talaga kay God.”

Ito ang sabi ni LJ na sa ngayon ay busy sa pagta-training sa family restaurant nila sa Brooklyn at sa iba’t ibang proyekto na ginagawa niya doon ngayon.

BASAHIN:

Lolit Solis sa relasyon ni Paolo Contis at Yen Santos: “Sobrang friend!”

Paolo Contis sa pagkuha ng loob ng anak ni LJ na si Aki: Hindi mo puwedeng ipilit na respetuhin ka

LJ Reyes nag-share kung paano nga ba i-train ang anak upang maging independent

LJ kapansin-pansin na mas gumanda ngayong siya ay solo parent na

Samantala, naging kapansin-pansin naman ang mga fashionista post ni LJ sa Instagram. Marami ang pumuri at nakapansin na mas gumanda ngayon ang single mom.

“That’s my girl! Push! All the single ladies! Now put your hands up!”

“Nag mahal, nasaktan, nag-New York gumanda. Pak, isang malakas na sampal kay Paolo hahahaha”

“Mas gumanda siya ngayon.”

“Happy to see you so much positivity.”

“Ganito mga babae pag-iniiwan lalong gumaganda, go LJ.”

Ito ang ilan sa nasabi ng mga netizens sa naging pagbabago at aura ni LJ sa ngayon. Kahit mga kapwa niya celebrity ay napupuri rin ang napakagandang aura at vibe ni LJ. May mga nakapagsabi rin na miss na nila ang aktres at wala silang ibang hinihiling kung hindi ang success at happiness niya.

camilleprats

Love it mars!! Proud of youuuuuu, keep shining!!!

chariz_solomon

Cardio ‘yan kahit nakatayo ka lang babywipes!! I miss youuuuuu.

andreaetorres

Twinny!!! Ganda ganda mo.

chynsortaleza

Pwede pumalakpak ng todo… slow clap.. para sa isa sa pinaka malakas na babae na kilala ko!

Hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis

Bago matapos ang buwan ng Agosto ay umugong ang usap-usapan na hiwalay na sila LJ Reyes at Paolo Contis. Ito ay matapos ang halos 6 na taon nilang pagsasama.

Ayon sa naunang pahayag ng showbiz talk show host at talent manager na si Lolit Solis, over na umano sa romance stage ang dalawa sa kanilang pagsasama at wala umano third party sa hiwalayan nila.

Sa naging panayam naman kay LJ ng beteranong talk show host na si Boy Abunda sinabi niyang least sa kaniyang concern ang 3rd party. Ang mahalaga umano’y ang safety at security ng mga anak niya.

“Sa totoo lang kung anuman yung 3rd party na sinasabi nila its actually the least of my concern. Kaya nga ako nag-speak up kasi ‘pag anak mo na ‘yong nagagawan ng mali kailangan mong sabihin na hanggang dito lang. Kailangan ko somehow malayo ang mga bata, kailangan ko maprotektahan sila.”

Ito ang sabi noon ni LJ kung bakit pinili niyang lumayo at mangibang bansa kasama ng dalawang anak.

Matapos nito ay naglabas din ng pahayag niya si Paolo tungkol sa hiwalayan ni LJ. Muli niyang sinabing walang 3rd party sa kanilang naging pagsasama. Pero taliwas ito sa mga kumalat na larawan nila ng aktres na si Yen Santos na magkasama sa Baguio na ayon kay Paolo ay as a friend lang daw.

 Source:

GMA News