X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Pagsasabi ng sorry sa anak, kailan ba dapat ginagawa? Heto ang pananaw ng mga experts

4 min read

Mahalaga raw ang paghingi ng tawad sa anak para sa experts, pero kailangan daw iwasan ito kung wala namang maling ginawa.

Paghingi ng tawad sa anak kailan ba dapat ginagawa? Heto ang say ng experts

paghingi ng tawad sa anak

Magandang practice ang paghingi ng tawad sa anak upang maging role model sa kanila. | Larawan mula sa Pexels

Mayroong hindi pagkakaintindihan sa bawat relasyon, sa mag-aasawa o sa mga anak man ‘yan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkakasundo, parating mayroong hindi pagkakaunawaan. Parte ito ng pagbubuo ng inyong koneksyon sa isa’t isa para malaman ang mga pagkakamali at matuto.

Sa parent and child relationship, magkakaroon talaga ng madalas na alitan. Lalo at sa pagkabata ay phase nila ng pagkatuto at maraming pagkakamali.

Sa ganitong pagkakataon ng pag-aaway ninyo ng anak, mahalaga ang paghingi ng tawad.

Ang actions kasi na ito ang nagpapakita ng pagkakaroon ng responsibilidad sa action ng isang tao. Kumbaga ikaw ang nagsisilbing role model nila upang ma-practice rin nila ang paghihingi ng “sorry.” Dapat lang na malaman nila kung kailan dapat maging accountable kung sakaling sila ang magkakamali.

Natuturuan din ng ganitong practice na mag-reflect at mag-work ng self-regulation sa kanilang sarili. Bukod dito, nai-strengthen at nasi-secure ang attachment ng magulang at anak.

Right timing sa pagsasabi ng “sorry” sa iyong anak

paghingi ng tawad sa anak

Hindi dapat humihingi ng tawad sa anak sa lahat ng pagkakataon. | Larawan mula sa Pexels

Sa kabilang banda, para sa experts kailangan daw ito limitahan  ang paghingi ng tawad. Hindi naiiwasan na nagagalit ang bata pati sa mga maliliit na bagay.

Halimbawa ay hindi nabilhan ng magandang laruan o maling pagkain ang naipasalubong. Nagiging “distressed” daw ang bata sa tuwing hindi nila nakukuha ang gusto.

Para lang sa purpose na tumigil ang anak sa pag-iyak o pagmamaktol nagso-sorry ang parents.  Ito raw ang common na pagkakamali ng mga magulang sa kanilang anak.

Ginagawa ito ng parents para lang makapagpakita ng empathy sa kanilang anak. Sa ganitong pagkakataon daw, iisipin ng anak mo na ikaw ang mali sa nangyari.

Mapapasok sa kanilang isipan na ang problema ay nasa iyo bilang magulang at hindi sa kanila. Kaya hindi ito helpful dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  • Tumataas ang inflexibility at nabibigyan sila ng false notion sa mga bagay na katulad ng ganito.
  • Iisipin nilang ganito ang mundo gumagana na kailangang parating humingi ng tawad ng tao sa kanya sa tuwing hindi niya gusto ang ginawa.
  • Hindi nabibigyan nag chance ang bata na maging flexible kung saan maaari nilang i-solve ang sariling problema.
  • Nawawalan ng pagkakataong maging resilient ang bata.
  • Hindi nae-establish ang limits at adaptation sa kanilang life skills na makakatulong sa kanilang pagtanda.
  • Naglalaho rin ang validation para sa kanilang emotional experience na nararamdaman nila dahil na-upset sila.
  • Nawawalan din ng time na mag-usap patungkol sa kanilang feelings.
  • Hindi naitutulak na mag-engage sila sa kanilang nais sabihin o ang kanilang point.
bata na umiiyak - paghingi ng tawad sa anak

Larawan mula sa iStock

Ano ang pwede mo pang gawin kaysa humingi o magsabi ng “sorry” palagi? 

Bilang mommy and daddy hindi naiiwasang malungkot sa tuwing nakikitang nasasaktan ang anak. Kaya ang laging ending ay ang paghingi ng sorry.

Dahil nga hindi helpful ang ganitong way, maaaring gawin ang mga sumusunod na paraan upang hindi maging practice ang paghingi ng tawad sa maraming pagkakataon:

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
  • Ipaliwanag sa kanya na hindi sa lahat ng oras ay gusto niya ang kailangang masunod.
  • Kausapin siya in a very gentle way upang malaman niyang tama ang kanyang naging actions.
  • Sabihan ang anak na hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil wala ka namang ginawang mali.
  • Parati ring ipaalala na kung siya ang nasa ganitong kaganapan ay alam na niya ang dapat gawin.

May nagawang kasalanan sa anak? Narito ang ilang paraan sa paghingi ng tawad sa kanya

Mahalagang maingat ang magulang sa emotions at feelings ng kanilang anak habang bata pa. Kaya naman mahalaga ang pagso-sorry. Narito ang ilang ways sa paghingi ng sorry sa iyong anak.
  • I-recognize at i-validate ang kanilang nararamdaman.
  • Tanggapin ang responsibilidad na ikaw ang nakagawa ng mali at kailangang bumawi sa kanilang naramdaman.
  • Ipaliwanag kung bakit mo ito nagawa.
  • Ipakita sa kanyang hindi mo na muli ito magagawa intentionally upang malaman niyang sincere ang apology.
  • Mag-offer ng mga bagay na sa tingin niya ay makakabawi ka sa kasalanang nagawa.
  • Iparamdam sa kanyang mahal mo siya at hindi sinasadya ang mga bagay na kanilang ikinadismaya.

Psychology Today, Parents.com

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

bianca sto domingo villaverde

Maging Contributor

Inedit ni:

Ray Mark Patriarca

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Pagsasabi ng sorry sa anak, kailan ba dapat ginagawa? Heto ang pananaw ng mga experts
Share:
  • Parents' Guide: 20 na importanteng bakuna na kailangan ni baby

    Parents' Guide: 20 na importanteng bakuna na kailangan ni baby

  • 5 requirements na kailangan sa pagkuha ng birth certificate ni baby

    5 requirements na kailangan sa pagkuha ng birth certificate ni baby

  • 17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

    17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

  • Parents' Guide: 20 na importanteng bakuna na kailangan ni baby

    Parents' Guide: 20 na importanteng bakuna na kailangan ni baby

  • 5 requirements na kailangan sa pagkuha ng birth certificate ni baby

    5 requirements na kailangan sa pagkuha ng birth certificate ni baby

  • 17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

    17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.