Hindi maikalala na sa 21st century, marami ng advancement sa teknolohiya. Simula sa mga nahahawakan na nating gadgets tulad ng tablet at smart phones. Pati ang napapanood na media at iba’t ibang entertainment ay umunlad na rin.
Ngunit, sa pagkakaroon ng mga advancement na ito, mas nagreresulta ito sa mas mababang tolerance ng mga bata sa pagka inip. Madalas, ang pagiging mainipin ay negatibo para sa mga magulang na nakakapansin ng ganitong behavior ng kanilang anak.
Dagdag pa dito, bumaba rin ang attention span ng mga bata. Pero, may mga bagong pag-aaral na natuklasan na ang boredom ng bata ay isang senyales ng malusog na development.
Boredom o pagka-inip ng bata
Ang boredom ng bata ay kalimitang napapansing negatibong behavior at sitwasyon ng anak. Ikinababahala ng magulang na baka may kulang sa nararanasan nilang pagkalibang. Maaari ring ito ay bunga ng kakulangan sa tulog o ‘di kaya sa bitamina sa katawan.
Ngunit, sa pagtatala ng Psychology Today sa mga bagong pag-aaral, ang boredom ng bata ay signs ng mabuting paglaki.
Narito ang mga mabubuting dulot ng pagka inip sa bata:
- Mas nagbo-boost ang boredom ng frustration tolerance at nama-manage ang mga emosyon sa mga bata.
- Nagbubunga ito ng creativity sa pag-iisip at maging sa pagdedesisyon.
- Nagiging puwang para sa mga bata na mag-desisyon at sarili. Isa itong manipestasyon ng pagbuo ng identity.
Paraan para tulungan ang anak sa constructive boredom o pagka inip
Ang mga paraan para matulungan ang iyong anak sa constructive boredom nila ay ang pagfill in sa mga oras na sila ay naiinip. Mahalaga din ang mga oras na hindi sila nakatutok sa screen ng smart tablet o TV.
Maaari din silang turuan sa mga oras ng paghihintay tulad sa byahe, na mas bigyan ng self-soothing ang kanilang sarili.
Kapag naman sa oras na walang gagawin lalo na sa hapon, makipagpalitan ng iba’t ibang tanong sa iyong anak para ma-boost ang creative thinking nila.
Tandaan
Mahalaga na bigyan ng puwang ang mga oras ng pagka inip ng inyong anak at i-recognize ito. Sa pamamagitan nito, hindi lang natin sila maiintindihan. Makakatulong din ito sa lalong malusog at matalinong paglaki ng ating mga anak.
Isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.