Ang mga bagong ina, nagbubuntis, o nagbabalak magsimula ng pamilya ay malamang na narinig na ang term na postpartum depression. Ngunit, madalas nalilimutan ang postpartum anxiety o ang pagkabalisa ng bagong panganak. Hindi masyadong na tatalakay na naaapektuhan nito ang nasa 15% ng mga bagong panganak. Higit ito nalalayo sa naaapektuhan ng postpartum depression na nasa pagitan ng 10% hanggang 20% ng mga bagong ina.
Sa nakasanayan, ang mga salitang postpartum depression ay ginagamit bilang pangkalahatang pagpapahiwatig sa maraming nararamdaman pagkatapos manganak. Kasama sa mga ito ang obssessive compulsive disorder (OCD), psychosis, at pagkabalisa ng bagong panganak. Ito ang nagiging sanhi ng pagkalito ng ilang mga kababaihan. Napapagkamalang postpartum depression ang mga kakaibang nararamdaman matapos manganak kahit walang sintomas ng depression.
Ating suriin ang mga pagkakaiba at pagkakapareho ng postpartum depression at postpartum anxiety. Sa pamamagitan nito, malalaman natin ang tamang tulong na kakailanganin kapag may naramdaman na isa sa mga ito.
Postpartum depression
Karaniwang nararanasan ng mag bagong ina ang tinatawag na “baby blues.” Ito ang pagkaramdam ng kalungkutan, pagiging iritable, galit, inis, at kawalan ng pag-asa matapos manganak. Maaaring gustuhing umiyak nang walang rason, maging hindi sigurado sa kakayahan maging magulang, o mahirapan matulog. Ang mga pakiramdam na ito ay pabalik-balik ngunit bigla ring nawawala. Sa kabutihang palad, tumatagal lamang ang mga ito sa unang linggo matapos manganak.
Sa kabilang banda, ang postpartum depression ay maaaring tumagal ng isang taon mula sa pagkaanganak. Kinakailangan din nito ng pormal na paggamot na therapeutic o sa pamamagitan ng mga medical interventions. Ang mga sumusunod ang ilan sa maaaring maramdaman ng nakakaranas ng postpartum depression:
- Matinding pakiramdam na nabibigla sa pagiging ina na maaaring mawalan ng tiwala sa kakayahan gampanan ang tungkulin
- Nakakaramdam na hindi na kilala ang sarili
- Pakiramdam ng kawalan ng control kahit hindi matukoy ang dahilan
- Kawalan ng emosyon na nararamdaman
- Kawalan ng interes sa anak o sa buhay
- Pagkakaroon ng saloobin na saktan ang sarili o ang baby
Ang postpartum depression ay iba-iba ang epekto sa kada tao. Maaaring ilan lamang sa mga ito ang maramdaman ngunit masasabi parin na postpartum depression ang pinagdadaanan. Maaari rin nitong maapektuhan ang ilang mga bagong ama.
Postpartum anxiety
Hindi mahahanap ang katawagan na ito sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders. Gayunpaman, dahil ito ay karaniwang ginagamit sa medical world, maaari itong marinig sa mga duktor sa pagsusuri sa iyo. Tulad ng postpartum depression, ang postpartum anxiety ay nagagamot din. Subalit, dahil hindi masyadong natatalakay, maraming mga ina ang hindi nasusuri para sa postpartum anxiety. Dahil dito, hindi nalalaman na pinagdadaanan na nila ito at hindi nakakakuha ng tamang lunas. Hindi nila alam kung sumosobra na ang pagkabalisa ng bagong panganak.
Ang mga sumusunod ay mga sintomas ng postpartum anxiety. Tulad ng postpartum depression, hindi kailangan maramdaman ang lahat ng ito para lamang masabing may dinaramdam ka.
- Hindi maalis na pakiramdam ng pagkapukaw, pagkabalisa, o pag-aalala
- Hindi magawang patahimikin ang isip kahit anong pilit
- Kahirapang mapirme o matulog
- Mga nakaka-gambalang pag-iisip ng “paano kung…?”
- Takot sumakay sa kotse kasama ang anak
- Hindi komportableng iwanan ang anak sa ibang tao
Magkahalong mga sintomas
Ang ugnayan ng dalawang disorder na ito ay hindi pa tuluyang naiintindihan. Hindi parin malinaw kung ang pagkakaroon ng postpartum anxiety ay malamang na magdulot ng postpartum depression, o kabaligtaran. Maaaring makaranas ng postpartum depression na may kasabay na hindi matanggal na pag-aalala sa kaligtasan ng baby. Maaari din naman na ang postpartum anxiety ng isang ina ang magdudulot sakanya ng sintomas ng postpartum depression.
Ang nakakaranas ng postpartum depression, postpartum anxiety o pareho ay maaaring makaramdam ng kawalan ng kakayahan sa pagiging ina. Dahil sa kahihiyang nadudulot nito, maaari nilang gustuhing umiwas sa mga kaibigan, kamag-anak o maging sa ibang mga ina. Ngunit, ang pagiging mag-isa ay maaaring maging dahilan ng paglala ng nararamdaman. Ayaw man nilang humarap sa ibang tao, ito ang kailangan nila.
Ano ang dapat gawin?
Kung ang nararamdaman na pagkabalisa o depression ay nagiging dahilan para maapektuhan ang mga gawain sa araw-araw nang lagpas dalawang linggo matapos manganak, kailangan na ng propesyonal na tulong. Kung hindi pa handa dito, maaaring simulang magbahagi ng mga saloobin sa taong pinagkakatiwalaan. Maaaring ito ay kaibigan, kamag-anak, o medikal na propesyonal.
Kung sa pediatrician o obstetrician lalapit, maaari nilang masuri kung ang nararamdaman ay postpartum depression o anxiety. Pagkatapos nito, maaari ka nilang i-refer sa clinician na nag-sspecialize sa perinatal mood at anxiety disorders.
Kung dati nang nasuri para sa postpartum depression o anxiety, masmakakatulong na iparating ito sa obstetrician. Ito ay dahil ang dati nang nakaranas nito ay may 50% na tsansang muling makaranas nito sa susunod na pagbubuntis. Maaari rin na lumaktas ang pagkakaranas nito sa ilang pagbubuntis.
Ang postpartum depression at postpartum anxiety ay parehong nagagamot. Ang ilan ay masnakikinabang sa one-on-one therapy o support groups para dito. May mga ilan naman na kinakailangan din ng gamot. Ano man ang kailanganin mo, nararapat kang matulungan at magamot.
Source: Women’sHealth
Basahin: Post-partum depression, mas malaki ang chance na magkaroon nito kung lalaki ang baby mo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!